Chapter 10 - Regalo ni Mama Guinevere

1639 Words
"Goodmorning, Kalina," bati ni Ada sa akin nang makasabay ko siyang pumasok sa gate ng school namin. Ang awkward lang. Tila ba wala siyang bahid ng pagtatampo dahil sa nangyari kahapon. Malungkot ko siyang tinignan. "Sorry talaga sa nangyari kahapon. Bigla kasing nagka-emergency sa bahay," pagsisinungaling ko nalang. Nakangiti siya pero alam kong pilit lang 'yun. Ramdam kong nalungkot siya sa nangyari kahapon.  Hindi muna kami pumasok sa room namin dahil maaga pa naman. Tumuloy muna kami sa coffee shop nila Clement. Nag-aya kasi si Ada dahil hindi pa raw ito nag-aalmusal. Sinamahan ko nalang siya para makabawi manlang ako sa kanya. "Okay lang, naiintindihan ko naman. Next time nalang siguro tayo mag-bonding sainyo," sagot niya. Bakit hindi uso sa kanya ang magtampo? Ang bait niya talaga. Pero sa ngayon, kailangan ko munang mag-ingat. Baka kasi umaarte lang siyang mabait at ang totoo ay may kawalangyaan siyang taglay. Hindi muna dapat akong makampante.  "Oo nga, next time nalang. Kapag okay na sa bahay," sagot ko. "Okay," maikli niyang sagot. "Sige na, um-order kana, alam mo na naman na ang saakin," utos ko sa kanya.  Ngumiti naman siya at agad na sumunod saakin. Tinignan ko siya. Normal naman ang lahat sa kanya. Ang galing niya magtago ng sikreto. Ano kaya siyang klaseng nilalang? Bakit sa lahat ng magiging kaibigan ko ay 'yung pang mayroon din kapangyarihan? Magaling talaga maglaro ang tadhana. Ano ang buong pagkatao ni Ada? "Mag-iingat ka sa kanya," bulong bigla ni Clement. Nagulat ako sa pagsulpot niya, pero mas nagulat ako sa binulong niya. Pati siya ay binabalaan na rin ako. Mas lalo na tuloy akong natatakot kay Ada. Matapos akong bulungan ni Clement ay tumuloy siya sa banyo. Tila ba pinapasunod niya talaga ako. Nagpaalam ako kay Ada na magbabanyo muna ako. Sinundan ko si Clement sa loob ng banyo. "Mabuti naman at matalino ka," agad niyang sabi nang sundan ko siya sa loob ng banyo ng mga lalaki. Mabuti nalang at siya lang ang tao doon. Tinaas ni Clement ang kanyang kanang kamay at gamit ang kapangyarihan niya ay biglang lumakad ang mga halaman doon at humarang ito sa bukasan ng pintuan ng banyo. Kinandado niya ito para walang makapasok. "Bakit pati ikaw? Ano bang sikreto ni Ada?" tanong ko agad sa kanya. "Hindi ko rin alam. Basta minsan, nahuli ko siyang naging isang itim na ibon. Ang hula ko lang ay baka isa rin siyang witch. Hindi ko lang masasabi kung kakampi ba siya o kalaban. Pero sa nakikita kong kabaitan niya. May forty percent akong nakikitang baka isa siyang good witch na kagaya namin." Sa sinabi ni Clement ay medyo sumaya ako. May chance na kakampi siya. Pero hindi parin kami nakakasiguro kaya hindi pa oras para mag-saya. "Tulungan mo akong imbistigahan siya," aya ko sa kanya. "Kahit hindi mo sabihin 'yan ay ginagawa ko na. Gusto ko rin malaman kung ano ba siya. Pero sa sobrang ilap niya ay hindi ko siya masundan-sundan kung saang lulalop ba siya nakatira." Gamit ang isang dahon. Pinakita ni Clement kung paano naging ibon si Ada. Nagkaroon ng tila telebisyon sa isang malaking dahon sa halaman na nakatubo rito. Nakakagulat lang dahil totoo nga na nagiging itim na ibon si Ada. Sa pinakita ni Clement ay naniniwala na ako sa kanila. "Pakiusap, kapag nagkaroon ka ng impormasyon tungkol sa kanya ay agad mo rin sabihin sa akin." Ito ang unang beses na nag-usap kami ng seryoso. "Sige. Pero tanong lang, kaylan lalabas ang kapangyarihan mo?" tanong niya bigla. "Sa sabado na nito. Ilang araw na lang at malalaman ko na ang kapangyarihan ko," sagot ko sa kanya. "Mabuti kung ganoon. Goodluck!" aniya at sa isang iglap ay bumukas na ang pinto ng banyo at nauna na siyang lumabas. Mas cool siya kapag ganyan. Sana palagi nalang siyang seryoso. Pag labas ko sa banyo ay nakasibangot si Ada. Nandoon na rin ang order namin. "Yung totoo, may relasyon na ba kayo?" bigla niyang tanong kaya nagulat ako. "Wala ah, para kang baliw!" umupo na ako. Tinignan ko siya, nakasibangot parin ang mukha niya. "Kung ganoon, bakit magkasama kayo sa banyo ng matagal? At anong ginagawa mo sa banyo ng mga lalaki? Sinundan mo pa talaga siya," aniya na kinatawa ko. Nakakahiya. Ang ilan tuloy na estudyante na nandito ay nakatingin na sa akin. Crush nga pala ng mga kababaihan dito si Clement kaya maraming na rin nakasibangot na nakatingin sa akin. Tila ba mga nagalit sila ng madinig nila ang sinabi ni Ada. "Wala lang 'yon, nag usap lang kami," medyo nilakasan ko ang sinabi ko para makapag paliwanag din ako sa mga tao na nandito. Baka kasi mag trending na naman kami at makarating na naman ito kay Kuya Eldridge. Patay na naman ako nito. Nangako pa naman na ako sa kanila na susundin ko sila. "Huwag kayong mag-isip ng masama. Nadinig niya kasing napasigaw ako dahil nadulas ako. Pumasok siya sa comport room ng mga lalaki para tulungan akong tumayo. Mabuti nalang at okay lang naman ako. Again, thank you, Kalina," ani Clement na kinatawa ko. Mabuti nalang at maasahan siya sa oras na ito. Goodjob siya today. Hindi niya pinapainit ang ulo ko ngayon. Sana palaging ganito siya para okay kami. Sa nangyari ay nakumbinsi niya ang lahat. Ngayon ay nakangiti na sila Ada. Matapos naming kumain ay pumasok na kami sa school. Maagang natapos ang klase. Nagsuspende ang klase dahil biglang sumama ang lagay panahon. Sinundo kami ni Papa kaya maaga rin kaming nakauwi sa bahay. Tulad ng mga plano, hindi namin naaya si Ada na ihatid sa bahay niya. Ang sabi niya lang ay may pupuntahan pa siya kaya hindi na siya sumabay sa amin. "Anong nasagap mong balita kay Ada?" tanong agad ni Kuya Eldridge. Umupo siya sa tabi ko, dito sa living room ng mansyon namin. "Wala. Mukhang magaling siyang magtago," tugon ko kay kuya. Pare-parehas kaming nangangapa sa sikreto ni Ada. Hangga't walang kasiguraduhan ay mas kinakabahan ako dahil ako lang ang kaibigan ni Ada at ako lang ang malapit sa kanya na lagi niyang kasama. Sana lang, balang araw ay hindi kami ang maging magkalaban. "Hindi bale, hindi ako titigil hangga't hindi natin nalalaman kung ano ba siya," sagot ni Kuya Eldridge. "Ang sabi sa balita, ilang araw daw masama ang panahon. Sana naman ay gumanda na ang panahon sa sabado. Ayokong masira ang eighteen birthday mo anak," saad ni Mama na kakarating lang dito sa living room. May dala siyang cake at chocolate milk para sa amin ni kuya Eldridge. "Ganitong ganito nung mag-birthday rin ako, malakas ang ulan. Tandang-tanda ko pa kung gaano ako natatakot. Nakakulong ako sa isang kwarto na dating nasa hardin natin. Doon ako kinulong sa tabi ng mga puno nila Papa at Mama. Ang lakas ng ulan nun habang umiiyak ako. Birthday na birthday ko ay umiiyak at mag-isa lang ako. Habang umiiyak ako ay isang malaking patak ng luha ko ang biglang umilaw. Natakot pa ako nun. Pag patak kasi ng luha ko sa lupa ay biglang lumindol ng malakas. Mayamaya ay isang malaking puno ang biglang lumitaw sa kalupaan. Nasira ang kwarto na pinagkulungan sa akin. Kasabay ng pagtubo ng mga sanga at dahon ng puno ko ay biglang nag-init ang buo kong katawan. Ilang saglit lang ay nakaramdam ako nun nang kung anong lakas na pwersa sa katawan ko. Sa pag sigaw ko ay biglang umapoy ang katawan ko at tuluyan nang nasunog ang kwarto na pinagkulungan sa akin. Ang galit at takot ko ay napalitan ng saya. Unang beses ko palang naramdaman ang kapangyarihan ko ay sumaya ako, iba sa pakiramdam. Ang saya-saya ko dahil nagtagumpay ako," mahabang kwento ni kuya. Namangha ako sa kinuwento niya. Pero naawa ako sa kanya dahil naranasan niyang ikulong ng sapiltan. "Matapos niyang matanggap ang kapangyarihan niya ay niyakap namin siya ng Papa mo para humingi ng tawad sa mga ginawa namin sa kanya. Kailangan kasi naming magalit sa kanya para mapasunod namin siya. Kahit ang totoo noon ay hirap na hirap na kami at awang awa narin sa kalagayan niya," kwento ni Mama. "Sa huli, nagpasalamat pa ako sa kanila dahil gustong-gusto ko ang natanggap kong kapangyarihan. Kaya naman pilit kitang ginabayan dahil ayokong maranasan mo na ikulong din kapag nagmatigas ka ng ulo," wika pa ni kuya Eldridge habang niyuyugyog ang ulo ko. Napasibangot ako ng konti. Natakot kasi ako sa sinabi niyang ikukulong ako kapag nagmatigas ako ng ulo. "Huwag na kayong mag-alala. Makikinig na ako palagi sainyo. Konting araw nalang ay matatanggap ko na ang kapangyarihan ko. Mas lalo na akong mag-iingat sa mga nalalabing araw ng pagiging normal ko. Hinding hindi ako iibig sa kahit na sino mang lalaki, itataga ko 'yan sa lamesang ito," matigas kong sabi sa kanila habang napapapalo pa ako sa lamesa na nasa harap ko. Nakita kong natawa sila. Nahahawa na tuloy ako kay Ada. Minsan joker na rin ako. Kinain ko na ang cake na ginawa ni Mama. Unang subo ko palang sa cake ay nalasahan kong parang may kakaiba. May kung ano akong naramdaman sa katawan ko. Nakaka-fresh at magaan sa ulo ko. "Ano ito? Bakit parang malamig sa lalamunan?" tanong ko kay Mama. Ngumiti siya bago ako sinagot. "Nilagyan ko ng potion ang cake na ginawa ko sa'yo. Mamaya kapag natulog ka ay magkakaroon ka ng magandang panaginip. Panaginip para makilala mo ang Lolo at Lola mo," saad ni Mama na kinatuwa ko. "Iyan ang pinakamagandang regalo na matatanggap mo. Ganyan din ang regalo sa akin noon ni Mama kaya nakilala ko sina Lolo at Lola kahit hindi ko sila nakasama habang lumalaki ako," wika ni Kuya Eldridge. Tumayo ako at niyakap si Mama. Nagpasalamat ako sa kanya ng marami. Hinalikan ko siya sa magkabila niyang pisngi. Tuwang tuwa siya sa ginawa ko. Nakaka-miss din maging sweet kay Mama. Simula kasi ng lumaki ako ay madalang na akong maglambing sa kanya. Ganun naman kasi talaga kapag magdadalaga na. Sa nangyari ay gusto ko na tuloy matulog. Excited na ako. Sa wakas ay kahit sa panaginip ay makikita at makakausap ko sina Lolo at Lola.  See you in my dream, Lolo at Lola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD