Chapter 9 - Kalaban o kakampi?
Kalina’s POV
Nang matapos ang klase namin ay agad kaming nagmadaling lumabas ni Ada. Today, sasama siyang umuwi sa bahay namin para ipakita ko sa kaniya ang nakakamanghang hardin namin. Naikuwento ko kasi sa kanya ang tungkol doon. Nakakatuwa lang dahil mahilig pala siya sa mga nature plant. Isa pa, gusto niyang magpalipas nang gabi sa amin dahil nabo-boring na raw siya sa bahay nila. Nakapagpaalam na siya sa parents niya kaya okay na ang lahat. Kasado na. Dumaan muna kami sa convenience store para mamili ng mga snacks na kakainin namin sa bahay namin kapag nanuod na kami ng movie sa gabi. Nakakainis lang dahil dumaan din kami sa Coffee shop nila Clement kaya nakita ko na naman ang lalaking ‘yon. Nagtaka pa nga si Ada na napapayag niya akong sumama roon. Hindi niya lang alam na may kasunduan kami ni Clement. No choice ako. Nagtiis na lang ako sa panunukso nito. Minsan tuloy ay napapansin na ni Ada na palagi na lang akong inaasar ni Clement. Parang may gusto raw ito sa akin. Nasamid tuloy ako sa kape na iniinom ko nang sabihin niya 'yon. Hindi ko na lang masyadong pinagtuunan nang pansin ang mga iyon dahil napapansin ko na tila nakamasid si Kuya Eldridge sa amin. Nahuli ko kasi siya ng ilang beses na sinusundan niya kami ni Ada. Nagtataka na tuloy ako. Tila pati si Ada ay ayaw nilang kaibiganin ko.
After namin magkape kila Clement ay nagpasundo na kami kay papa. Nakaabang kami sa tapat ng coffee shop nila Clement dahil tumawag na si papa na malapit na siya sa kinaroroonan nami.
“Hello po, Uncle Odin,” bati ni Ada kay papa. Sinagot naman siya ng ngiti ni papa. Hinintay lang namin saglit si Ayana dahil sasabay na rin daw ito sa amin. Pagdating niya ay nagulat pa siya kay na may kasama akong kaibigan.
“Kaya naman pala ang ganda-ganda mo, Kalina, may pagmamanahan ka naman pala.” Ang ingay ni Ada sa loob ng sasakyan. Lahat nang puwede niyang sabihin ay sinasabi niya kaya tuwang-tuwa si papa sa kaniya. Ewan ko lang kay Ayana dahil hindi manlang siya kumikibo. Parang naiingayan siya rito kaya minsan pinapatikom ko na lang ang bibig ni Ada. Sensitive kasi sa ingay si Ayana. Sa aming magkakapatid ay siya ang ayaw sa maingay na tao, lalo na sa maiingay na musika.
Pagdating namin sa mansyon ay alam ko nang mamamangha si Ada sa laki ng bahay namin. Hanggang doon ay puro siya daldal, kaya inis na inis na si Ayana. Agad tuloy itong pumasok sa kuwarto niya kaya natatawa na lang ako. Nag-send na lang ako ng message sa kanya para humingi ng pasensya.
“Hello,” bati ni mama nang makita niya kami. May dala siyang cookies na tila kakaluto lang. Ang gaga naman na si Ada ay agad na kumuha sa platong dala ni mama. Feel at home.
“Ang sarap!” aniya sabay kuha pa ulit ng ilang cookies sa hawak na plato ni mama. Tila ako ang nahihiya sa ginagawa niya.
"Nakakatuwa siya," wika naman ni mama. Tulad ni papa, nilunod din ni Ada ng mga papuri si mama kaya nag-iihit siya sa kakatawa rito. Pati si Guzman na kaninang nasa living room ay nakisali na rin sa amin dito sa kusina, tuwang-tuwa rin siya kay Ada. Hindi nila pinupuna ang itsura ni Ada. Basta mabait, okay na sa kanila.
“Ang laki ng kuwarto mo,” bungad niyang sabi nang dalhin ko naman siya sa kuwarto ko. Nilibot niya ang buong sulok ng kwarto ko. Hinayaan ko lang siya dahil nakakatuwa siyang panuorin na tila ba ibong nakawala sa hawla.
Nagkakatuwaan kami sa kuwarto ko nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Lumabas ako para tigna kung sino ito. Pagbukas ko ng pinto ay si Kuya Eldridge ang bumungad.
“Puwede ba kitang makausap saglit?”
Nagpaalam muna ako saglit kay Ada at saka ako sumunod kay Kuya Eldrige. Pumasok kami sa kwarto niya. Pagdating namin doon ay agad na siyang nagsalita. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. “May alam na ba siya tungkol sa atin o sa kapangyarihan na lalabas sa ‘yo?” tanong niya bigla.
“Wala. Hindi ko sinasabi sa kanya,” tugon ko.
“Hindi ko siya gusto. Pag nakikita ko siya ay pakiramdam ko ay may mali.” Nagulat ako sa sinabi niya. Napatayo tuloy ako sa pagkakaupo ko sa kama niya.
“Seryoso ka ba kuya?” bigla kong tanong. Medyo naiinis na ako sa kanya.
“Oo, seryoso ako, Kalina,” mabilis niyang tugon habang nakakunot ang noo.
“Ayaw niyo na akong lumalapit sa mga lalaki, kay Clement, pati ba naman kay Ada na babae naman ay palalayuin niyo pa rin ako?” Nagsimula na akong magtaas ng boses. Nakakainis na kasi.
“Kumalma ka. Hindi mo kasi ako naiitindihan. Basta, hindi ko siya gusto. Pakiramdam ko ay may kapahamakan siyang dala sa atin.” Naiiyak ako. Hindi na ata tama ang pagko-control ni Kuya Eldridge sa akin. Nasasakal na ako. Lahat na lang ng taong malapit sa akin ay pinapalayo niya. Anong gusto niyang mangyari? Mag-isa na lang ako sa buhay ko?
“Ang labo mo kuya!” saad ko at saka ko siya nilayasan sa kuwarto niya. Nilakasan ko ang pagsarado sa pintuan ng kwarto niya para maramdaman niyang galit na talaga ako. Nagulat naman si Ada nang makita niyang umiiyak ako pagbalik ko sa kwarto ko.
“Anong problema?” tanong niya agad. Nahihiya ako sa kanya kung pauuwiin ko siya, pero dahil sa ito ang gustong mangyari ni kuya ay wala na akong magagawa.
“I’m sorry Ada, pero ipapahatid na lang muna kita sainyo,” saad ko na kinagulat niya.
“S-sige,’ sagot na lang niya agad. Hiyang-hiya ako sa kanya. Ramdam kong nalungkot siya.
Dahil sa nangyari ay kinausap kami ni Kuya Eldridge ng mga magulang namin. Magkakaharap kami ngayon sa salas namin. Nakasibangot tuloy ako habang nakatingin sa kanila.
“Bakit pinalalayo mo si Ada kay Kalina? Parang wala naman akong nakikitang mali sa kanya?” tanong ni mama kay Kuya Eldridge.
Samandaling tumahimik si Kuya Eldridge. Bumuntong hininga siya bago siya tuluyang sumagot kay mama. “Makinig kayo. Magpapaliwanag akong mabuti. One time, nakita ko siyang naglalakad sa isang tulay. Nung oras na’yon ay kasama ko ang mga kaibigan ko na papunta sa bahay ng isa sa mga kasama ko. Madilim na ang paligid nung oras na’yun kaya nagtaka ako na bakit naglalakad pa siya roon. Sa gitna ng tulay ay bigla siyang huminto. Sa isang iglap ay nagulat ako nang bigla siyang naglaho at isang itim na ibon ang nakita kong lumilipad paalis sa tulay na kinatatayuan niya kanina. Walang nakakita sa kanya sa mga kasama ko. Ako lang.Tinanong ko sila kung nakita nila ‘yon, pero kahit ni isang tao o ibon ay wala naman daw silang nakita. Simula noon ay palagi ko na siyang sinusundan. Nagtataka lang ako dahil tuwing susundan ko siya ay bigla siyang nawawala at isang itim na ibon ang nakikita kong pumapalit. Hindi ko siya masundan pauwi ng bahay niya. Gusto kong makita kung saan siya nakatira para malaman ko kung anong mayroon sa pamilya niya, pero sadyang mailap siya.”
Nagulat ako sa mga kinuwento ni Kuya Eldridge. Hindi ako makapaniwala.
“Sa tulay nga siya nagpababa nang ihatid ko siya kanina,” sagot ni papa.
“So, ibig sabihin ay totoo nga?” tanong ko. Nakakagulat ang nalaman ko. Anong klaseng nilalang kaya si Ada? Bigla tuloy akong natakot sa kanya.
“Ang tanong, kakampi ba siya o kalaban?” tanong naman ni papa.
“Ini-imbistigahan ko na rin po ‘yan,” saad ni Kuya Eldridge at saka siya tumingin sa akin. Nahihiya tuloy ako sa kanya.
“At ikaw,” tukoy sa akin ni kuya habang nakatingin siya ng seryoso. “Kailangan mo munang mag-ingat hangga’t ‘di natin siya nakikilala ng lubos,” aniya na tinanguan ko naman.
Nakakahiya. Masyado pa talaga akong bago sa mga ganitong bagay. Hindi ko pala alam na nasa panganib ako. Sana lang ay kakampi si Ada. Kasi kung malaman ko na ka away siya ay malulungkot ako. Napamahal na kasi siya sa akin.
“Pero, okay lang naman na makipag-kaibigan ka muna sa kanya. Huwag na huwag mo lang siyang papupuntahin muna rito sa bahay, lalo na sa hardin natin kung saan nandoon ang mga puno namin,” wika pa ni Kuya Eldridge.
“Mabuti na lang at hindi ko pa siya dinadala roon,” tugon ko sa nahihiyang tono.
Matapos naming mag-usap ay bumalik na ako sa kuwarto ko. Lahat nang sinabi nila ay susundin ko na muna. Simula ngayon ay matuto na akong makinig sa kanila. Tulala tuloy ako ngayon habang nakahiga sa kama ko.
Hating gabi na, pero hindi pa rin ako makatulog. Napatingin ako sa mga snacks na binili namin kanina sa convenience store. Nasayang lang ang pera nang pinambili niya. Siya pa naman ang nagbayad ng lahat ng ‘yan. Pero dahil kailangan kong mag-ingat ay lilimitahan ko na lang ang pagiging malapit sa kanya. Hindi naman sa lalayo ako sa kanya, gusto ko pa rin naman siyang maging kaibigan. Hindi naman niya ako sinasaktan at hindi naman ako nakakaramdam na panganib sa kanya kaya hindi ako agad lalayo. Nakapagtataka lang dahil may kapangyarihan pala siyang tinatago. Anong klaseng nilalang kaya siya?
Hindi lang dapat si kuya Eldridge ang mag-imbistiga. Ako rin dapat, lalo na't nakakasama ko siya palagi. Mag-iingat na lang siguro ako. Pero, hinihiling ko na sana ay hindi siya kalaban. Sana isa siya sa puwede kong maging kakampi sa paglaban sa mga black witch balang-araw.