Chapter 8 - Ang Kulay ng mga Mata at Buhok ni Kalina

1762 Words
Chapter 8 - Ang Kulay ng mga Mata at Buhok ni Kalina   Kalina’s POV Bigla akong nagising nang madinig ko ang pagbuhos ng malakas na ulan. Pasado alas dose na ng gabi ng oras na ‘yun. Bumangon ako para kumuha ng tubig dahil nanunuyot ang lalamunan ko. Bumaba ako sa kusina namin. Nanlaki ang mata ko sa nadatnan ko roon. Napasigaw ako nang makita kong walang malay-tao si Kuya Eldridge na nakahandusay sa lapag ng kusina. “Kuya?!” Sigaw ko. Agad ko siyang nilapitan at doon ko nalaman na amoy alak pala siya. “Anong nangyari?” nagising na rin sila mama at papa. Napalakas kasi ang sigaw ko kanina “W-wala po. Lasing lang po pala si Kuya. Nadatnan ko na lang po kasi siyang nakahandusay dito,” paliwanag ko sa kanila kaya naman binuhat na siya ni papa para dalhin siya sa kuwarto niya. Naiwan kami ni mama sa kusina at kapwa kami ngayong umiinom ng tubig. “Ano na naman kayang problema ng kuya mo at naglasing siya ngayon?” tanong ni mama na ‘yun din ang nasa isip ko. “Kaya nga po, nag-aalala tuloy ako sa kanya.” Nagsalin pa ‘ko ng tubig sa baso ko dahil inuhaw ako sa sobrang kaba kanina dahil kay kuya. “Hayaan mo’t kakausapin ko siya bukas. Anyway, bakit ba gising ka pa?” tanong niya. “Ang lakas ng ulan kaya bigla po akong nagising.” Napatigil ako sa pag-inom ng tubig nang mapansin kong tila mugto ang mata ni mama. Galing ba siya sa iyak? Ano kayang problema?  “Kami rin ng papa mo ay nagising dahil sa malakas na ulan. Ang totoo nga niyan ay nalungkot ako bigla kanina. Naalala ko kasi sina mama at papa kapag umuulan.” Sina lolo at lola pala ang dahilan nang pag-iyak niya. “Bakit naman po?” tanong ko. Inaya niya ako sa sala at doon niya kinuwento ang lahat sa akin. “Ang kapangyarihan ng lola mo ay tungkol sa ulan, habang ang lolo mo naman ay lightning. Kapag ganitong umuulan ay masaya sila. Nare-recharge kasi ang katawan nila. Nagbibigay lakas ang natural na ulan at kidlat kapag ganitong umuulan at kumikidlat. Miss na miss ko na nga sila. Maraming taon na akong nangungulila sa kanila. Alam kong buhay pa sila. Alam kong hawak lang sila ng mga black witch. Kaya anak, ipangako mo sa amin na hindi mo kami bibiguin. Kung ikaw man ang magtataglay ng malakas na kapangyarihan sa ating pamilya ay lubos ko iyong ikasasaya. Anak, gawin natin ang lahat para mailigtas sila.” Halos garalgal ang boses ni mama. Simula siguro kanina ay iyak na siya nang iyak. “Opo, mama. Pinapangako kong ibabalik ko sila ng buhay sa atin. Mabubuo rin tayo kaya huwag ka pong malungkot.” Matapos naming mag-usap ay bumalik na rin kami sa kanya-kanya naming kwarto. Mahihiga na sana ako sa kama ko nang biglang sumakit ang ulo ko. Pakiramdam ko ay tila binibiyak ng palakol ang ulo ko sa sobrang sakit nito. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang itong nangyari. “A-aray!”  Napahawak ako sa dingding ng kuwarto dahil para akong mabubuwal na ako. Nagiging blur na rin ang panangin ko. Mayamaya ay biglang may umilaw na malakas na tila nanggagaling sa mga mata ko. Bigla na lang luminaw ang paningin ko at nawala na rin ang hilo ko. Kakaiba ang nararamdaman ko. Agad-agad akong pumunta sa harap ng malaki kong salamin. Doon ko nakita na unti-unti na namang nagiging violet ang mata ko. Habang minamasdan kong magpalit ng kulay ang mata ko ay unti-unti na rin umilaw ang mga hibla ng buhok ko. Unti-unting naging kulay violet ang buhok ko. Ang astig. Para akong cosplayer kung titignan ngayon. Nawala ang takot ko at napalitan ‘yun ng kamanghaan. Tuwang-tuwa ako sa nangyari sa buhok at mata ko. Ang ganda! Tila ako isang fairy sa mga napapanuod kong fantasy movie. “V-violet?” Nagulat ako sa biglang pag-sulpot ni Kuya Eldridge sa kwarto ko. “K-kuya?!” Sa gulat ko ay bigla na lang bumalik sa dati ang kulay ng mata at buhok ko. Itim na ulit ito parehas. Papungay-pungay ang mata ni Kuya Eldrige na halatang lasing pa rin. “Lasing na lasing ka, magpahinga ka na,” wika ko nang lapitan ko siya. “N-natutulog na ako sa kabilang kwarto. Nagising na lang ako nang bigla kong makita sa bintana ko ang sinag ng ilaw na kulay violet na nanggagaling sa kwarto mo. Pinilit kong bumangon sa kama ko dahil baka kung ano kakong nangyayari sa’yo. Hindi ko inaasahan na ganito ang makikita ko. Kulay violet ang mata at buhok mo. M-masaya ako na sa wakas ay mayroon ng magtataglay na malakas na kapangyarihan sa p-pamilya nat—” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang bigla na lang siyang mawalan ulit ng malay-tao. Lasing pa rin talaga siya. Sana lang ay hindi niya maalala ang nakita niya. Ayokong mapurnada ang surprise ko sa kanila sa araw ng pagiging ganap kong dalaga. Pinilit kong alalayan si Kuya Eldridge, hanggang sa kwarto niya. Napakabigat niya kaya nang maihiga ko siya sa kama niya ay binatukan ko siya nang mahina sa ulo niya. Anong problema niya at naglalasing siya ngayon? Ngayon ko lang ulit siyang nakitang lasing. Pagbalik ko sa kwarto ko ay tumila na ang ulan. Ilang minuto lang ang tinagal ay agad na rin akong nilamon ng dilim. Nagising na lang ulit ako ng tumunog na ang alarm clock ko. Agad ko namang pinatay ‘yon at saka ako bumangon. Inayos ko muna ang kama ko bago ako naligo at gumayak. Pagdating ko sa kusina ay kumpleto na silang lahat na nag-uumagahan. Nagkatinginan kami bigla ni Kuya Eldridge. Bigla akong kinabahan. Tinititigan niya kasi talaga ako na para bang may iniisip siya. Sana talaga ay hindi niya maalala ang nakita niya kagabi. “B-bakit?” tanong ko nang maupo na ako sa hapag-kainan. “P-parang napanaginipan kita kagabi,” biglang niyang sagot kaya nakahinga na ako ng maluwag. Akala niya ay panaginip ang nangyari kagabi. Mabuti na lang at lasing na lasing pa rin siya nang makita niya ang kulay ng mata at buhok ko. “Anong nangyari sa panaginip mo?” tanong ko pero may konti pa rin akong kaba na nadarama. Baka kasi mamaya ay bigla niyang maalala ang nangyari kagabi. “Sinag ng ilaw, e. Hindi ko maalala kung anong kulay. Basta parang pumunta ako sa kwarto mo at nakita kitang nakaharap sa salamin habang umiilaw ang mata at buhok mo,” kwento niya kaya kinabahan na ulit ako. Napatayo si mama at papa. “Ano ang nakita mong kulay, anak?” biglang tanong ni mama kay Kuya Eldridge. “Oo nga, anong kulay ang nakita mo?” tanong rin ni papa. “Hindi ko nga po maalala,” tugon ni kuya kaya natatawa ako. Mabuti na lang at hindi pa rin niya maalala. “Teka, panaginip ba’yon o totoong nangyari?” biglang singit ni Ayana kaya tinaasan ko siya ng kilay. Pahamak. Ayokong mabuking nang maaga. Masasayang ang surprise ko sa kanila. “Panaginip lang ‘yon. Ang naalala ko kasi ay pag-akyat ko kagabi sa kuwarto ko ay natulog na ako pagkatapos naming mag-usap ni mama.” Kumain na lang ako ng almusal para hindi na sila magtanong. “Tama, panaginip lang ‘yon kaya kumain na kayo at baka ma-late pa tayo sa school.” Pagsabi niyon ni kuya ay tinaasan niya ako ng kilay. Parang may mali. Hindi kaya alam na niya talaga ang lahat at umaarte lang siya na hindi niya maalala? Sana mali ako. Inunahan ko silang kumain dahil may gagawin pa akong project na hindi ko natapos kagabi. Nagpauna na akong nagpahatid sa school dahil sa coffee shop ko ‘yun tatapusin. Hindi ako pumunta sa coffee shop nila Clement at baka ma-bwisit na naman niya ako. Tahimik dito sa pinuntahan kong coffee shop kaya maayos kong natapos ang project ko. Hindi ko naubos ang tinapay na in-order ko kaya dinala ko na lang ‘yon paglabas ng shop na’yun. Mabuti na lang at binigyan ako ng extra paper box ng isa sa mga staff doon. “Aba, sa iba ka na ngayon kumakain ah?” Napairap agad ako nang madinig ko ang boses niya. Naalala ko ang ginawa niya sa panyo ko kaya hinarap ko siya. “Nilinis mo nga ang damit ko kahapon, pero ang panyo ko naman ang binaboy mo!” asik ko kaya bigla siyang nagulat. “Eh, suplada ka naman kasi talaga. Bakit hindi ba totoo?” buska pa niya kaya nasura na naman ako. Ang lakas talaga niyang mang-asar. “Puwede ba, huwag ka nang nagpapakita o lumalapit sa akin at nawawala ako sa mood,” singhal ko sakaniya at saka ko siya tinalikuran. “Violet pala ang mata mo?” bigla niyang sabi kaya napahinto ako sa paglakad. Napaharap tuloy agad ako sa kanya nang sabihin niya ‘yon. “A-anong sabi mo?” paglilinaw ko pa. Mayamaya ay bigla siyang nagulat. Nanlaki ang mata niya habang sinusuri mabuti ang mga mata ko. “Ay! Bakit biglang naging black na ulit? Namamalik-mata lang ba ako kanina?” sabi niya kaya nainis ako. Mukhang part lang din ‘yun nang pambubuska niya. Pero kung inaasar niya lang ako ay bakit naman sa lahat ng sasabihin niyang kulay ay kulay pa talaga na violet na siya naman talagang nagiging kulay ng mata ko kung minsan? “Nakita mo ba talaga o sinusura mo lang ako?” Punong-puno na ako. Naha-highblood ako palagi kapag kausap ko ang isang ito. “Seryoso ako. Nakita kong naging violet ang mata mo kanina. Hindi ‘yun biro, Kalina.” Ngayon ay seryoso na rin siya. Mukhang nagsasabi nga siya ng totoo. “Sige na, aalis na ako at puwede lang 'wag mong babanggitin ang nakita mong kulay ng mata ko sa kahit na kanino, lalo na kay Kuya Eldrige.” “Ayoko,” mabilis niyang sagot. “Susundin ko lang ‘yan kapag sa coffee shop ka na namin ulit kumakain,” dagdag pa niya. Wala na akong nagawa. Nakakainis siya. Para hindi agad masiwalat ang sikreto ko ay pumayag na lang ako. Ang gago, hindi pa tumigil dahil inaya pa niya ako sa coffee shop nila. Hindi ito pumayag nang hindi ako bibili ngayon ng kape sa kaniya. Sumunod na lang din ako dahil ang totoo ay nami-miss ko na rin ang lasa ng kape sa shop nila. Mukhang nagayuma na talaga ako ng coffee shop nila. Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD