Niligid ko ang paningin sa malawak na bulwagan ng hotel. Punong-puno ang gitna ng malawak na silid na iyon ng mga taong sumasayaw sa mabilis na tugtugin.
Sa kabilang gilid ay nakita ko ang mga kaklase kong nagtatawanan. Obviously, they are enjoying the night. Sa kabilang banda, kumakaway ang isang grupo ng kabinataan nang mapansin nilang nakatingin ako sa kanila.
I smirked as I waved back at them. Kalahati ng mga estudyante sa okasyong ito ay hindi ko kilala. Kung paano sila nakapasok ay hindi ko alam.
I sighed deeply. Bakit ganun? Bakit sa kabila ng lahat ng ito, sa kasiyahan at katuwaan ay hindi ko pa rin magawang mag-enjoy? In fact, I feel so bored na parang gusto ko na lang umakyat sa penthouse at iwanan ang lahat ng bisita. Even the loud, upbest songs that are playing right now failed to hype me up even a bit.
Well, I know this feeling. This feeling of emptiness never fails to make me sad. Ang kahungkagan na hindi na ata pa mapupunuan ng kahit na ano mang bagay sa mundo. Ilang okasyon na ba ang nagdaan sa buhay ko? This party, everything about this will never be enough for me. It never will. I can't be happy completely. There's something missing in my life. At ang kulang na iyon, masakit man tanggapin, ay hindi na babalik magpakailanman.
"You okay, pet? You look bored." Nilingon ko si kuya Lawrence sa aking tabi. May hawak itong kopeta. Sumdandal ito sa bar counter at tinutok ang tingin sa dancefloor.
Sinandal ko ang aking ulo sa balikat nito at bumuntong-hininga. "I'm okay, kuya. I'm happy."
"Are you? You don't seem happy to me. I've arranged this party for you, young lady. Tapos hindi ka naman pala nag-eenjoy." may bakas na tampo sa boses nito.
Malapad na napangiti ako. I looked up to him and tiptoed to kiss his cheek. "I'll forever be grateful to God na ikaw ang naging kuya ko, kuya Lawrence. I'm lucky to have you."
His eyes became soft as he crouched to kiss my forehead. "I'm luckier. Even if you are a pain in the ass, you always make my day, sweetheart. You're the only one that I have."
I smiled again. "Ditto. Pero magiging ganap na masaya lang ako kung kapiling natin ang ating mga magulang kuya."
Ang ngiting naka-plaster sa gwapong mukha nito ay unti-unting nawala. "Veron, let's not dwell on the past. We cannot find happiness if we keep on reminiscing the darkest times of our life. Let's move on. We have to."
"Have you? I don't think so. I know you, kuya. Alam kong malaki ang naging epekto ng pangyayari sa buhay mo. You have totally changed. Kahit anong pakita mo sa akin na okay ka, na malakas ka, alam ko, deep inside your heart, you're broken. I am more worried of you, kuya. "
"Veron, ano man ang naging epekto ng nangyaring trahedya sa buhay natin ay hindi na mahalaga. Mas mahalaga ang ngayon. Ang negosyong iniwan ng ating magulang. We have thousands of employees in our shoulders. They are our responsibility. We can't afford to be weak. We must not fail. We need to study and work harder for our future. For everyone's sake. Yan ang mahalaga sa akin ngayon."
I nodded. "I know, kuya. I promise I will study very well in abroad para may katuwang ka sa pagpapatakbo ng negosyong iniwan ng mga magulang natin someday. It's just that, hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong tanggapin na wala na sila. It's been what, six years since that tragedy? Pero sariwa pa rin ang sakit. Pakiramdam ko pa nga ay hindi pa naghihilom. I always have nightmares."
Yumuko si kuya Lawrence at kahit medyo may kadiliman ang paligid, hindi nakaligtas sa aking paningin ang mumunting kislap sa mga mata nito. My heart broke again. Niyakap ko si kuya. He's showing to me that he is brave and strong and I know he is. Pero alam ko rin kung gaano ito nalulungkot tuwing mapag-isa.
Kung sinusubukan ni kuya na mag move-on, why can't I do the same? Ngayon ko napagtano kung gaano ako ka-selfish dahil sa pagkakaroon ng ganitong sentimyento. Nakalimutan kong mas nasasaktan si kuya kapag pinapakita ko sa kanya ang aking kahinaan.
"Sorry for bringing this up again, kuya." my voice faltered.
Kuya Lawrence hugged me tightly. "It's okay, munchkin. I want you to enjoy the kind of life you have now. I want you to remember, nawala man ang mga magulang natin, andito pa ako sa buhay mo. And I will never leave you. There are lots of things ahead of us, we might as well enjoy all of these while we still can."
Tumango ako na nakasubsob ang mukha sa dibdib nito. "I understand kuya. Sorry for sulking sa gitna ng kasiyahan." I laughed lightly.
He chuckled. "I'll give your graduation gift later when the party is over."
I gaped at him, wide-eyed. "Seryoso? Akala ko itong party na ito ang graduation gift mo sa akin kuya! Mayroon pa pala! I'm excited! What is it? A car?"
He wrinkled his nose. "You wish. You're still sixteen. You're not allowed to drive yet, pet."
"Whatever it is, I'm sure I'm gonna like it."
"I know you will." Kuya Lawrence grabbed my wrist at hinila patungong dancefloor. "For the meantime, let's enjoy the night."
Umirap ako. "Where are the girls at? Nakakapagtakang walang bumubuntot sa'yo?"
"Takot lang nila sa'yo. And besides, this is your party. Not mine."
"Dapat lang. I need to know them better bago maging kayo."
He c****d his eyebrow at me. "Speaking of, I don't want to see boys hitting around with you. You're just sixteen. Hindi ka pwedeng magboyfriend hangga't hindi ka pa nakapagtapos ng kolehiyo. Maliwanag ba Veronica Rose?"
"Duh. Kuya naman. You know I don't like boys. That's the least in my priority right now."
"But you're a young lady now. And let's not mention how beautiful of a lady you are, Veronica. I heard some of the boys from your school have crush on you. Hindi ko sila masisi because, like I said, you're too pretty. But I really want you to finish studies first above everthing else. Having a boyfriend is a no no. You are are too young for that."
"Kuya, ikaw nga walang girlfriend so bakit ako magboboyfriend? Tska kung takot ang mga babae mo sa akin, takot din ang mga boys sa'yo. They know how it's so easy for you to kick their asses." I giggled.
"And I'm gonna break their necks too." may halong biro na dagdag pa nito. Ngunit alam kong di malayong mangyari iyon.
I shrugged to cut our conversation. Ilang sandali pa kaming nagsayaw ni kuya. Pansin ko agad ang tingin ng mga babae sa amin. Their eyes are twinkling with admiration sa nakakatandang kapatid. Someone was probably calling kuya Lawrence dahil sa paghugot nito sa cellphone na nasa loob ng pocket ng kanyang pantalon. He excused himself. Kailangan nitong pumanhik sa top floor para y-check sa kanyang office ang bagong email galing pa sa Europe.
When kuya left the part, Hinarap ko naman ang aking mga kaibigan. Kuya Lawrence allowed me to drink kahit punch lamang ang seni-serve ng bartender para sa aming lahat. We are still minors so liquor is really prohibited.
Puma-ere ang isa pang usong upbeat song. I know how to dance kaya nakisabay ako sa aking ga kasamahan na umindak. Buti na lamang at skinny jeans and hanging blouse ang napili kong suotin. Dahil kung naka minidress ako katulad ng karamihan ng mga babae dito ngayon, ay mahihirapan akong gumalaw.
I was feeling the song when I felt an arm snaked around my small waist. I looked up to see who the owner of this arm is. Travis' face hovered over me at umirap ako at iniwas ang mukha. He's one of my many suitors sa school campus. At isa rin ito sa ayaw tumigil sa pagbuntot sa akin. Ilang beses ko na itong tinanggihan ngunit makulit pa rin. Kahit magkasing-edad kami niyo ay hindi mahahalata sa laki ng kanyang pangangatawan. He's taller than his age as well. He's half pinoy and half Ausie kaya ganun.
"Nice party." he remarked, talking just above my ear.
"Obviously. Nag-eenjoy ka eh."
"But is this the only drinks you can offer, Veronica? Parang tubig lang ang punch nyo dito eh." humalakhak pa ito.
My eyes turned into slits. "If you have a problem with it, please do me a favor and leave my vicinity."
He laughed in a devilish way. Naramdaman ko ang paggapang ng kanyang palad sa aking tiyan. I gritted my teeth. I want to slap him. Real hard.
Piniksi ko ang kanyang braso para makawala sa kanya. Lalo akong nairita nang marealize na tila dumidistansya ang mga tao sa amin. At tila ba walang mga pakialam kung hinaharass na ako ng lalakeng ito. If only Monica was here.
Tinulak ko si Travis nang umambang lalapit agad sa akin. Mabilis akong lumabas sa bulwagan na yun. I feel like I can't breathe if I stay another minute in that place. Dumiretso ako sa likod ng hotel. Pinakapaborito ko ang parteng likod nito dahil sa malawak na landscape ng garden.
May iilang guests ang namamasyal dito. Mayroon din kasing mga gazebo na sadyang pinatayo para mapagtambayan ng mga guests na nababagot sa kanilang mga silid.
Sinundan ko ang mga batong apakan na patungo sa madilim na parte ng garden. This is my favorite spot. This is my territory.
I sat on the bench and heaved a sigh. Now I feel like I can breathe normally. Mas payapa na ang aking pakiramdam. Tumingala ako at tinignan ang madilim na langit na puno ng mga bituin. Naaalala ko na naman ang aking mga magulang. I know they are proud of my achievements. I graduated valedictorian. Kung sana ay nabubuhay pa sila, sila sana at si kuya ang nagsabit ng mga medalya sa akin.
Ilang birthdays na rin ang dumaan sa buhay ko. Party here, party there. Yes, all of them were happy moments but I know those are just temporary. Yung paggising mo kinabukasan, babalik ka na naman sa realidad na wala na ang mga magulang mo. At hindi na sila babalik pa kailanman.
Pero hindi ko magawang magkimkim ng sama ng loob sa mga taong pumaslang sa mga ito. Anyway, justice had been served. Buong buhay nila sa kulungan pagdudusahan ang ginawa nila sa mga magulang naming. Pero kahit paano ay pasasalamat pa rin ako na hindi nila kami dinamay ni kuya. At alam ko rin naman na masaya na sila sa taas.
"There you are."
I jump off from my seat when I heard that voice. "Travis! What the hell? And why are you here?"
Travis is one hell of a guy. I admit of the fact that he's handsome and all. Pero hindi ko gusto ang pag-uugali nito. He's so full of himself that I cringe with it everytime.
"Hinanap kita. Gusto kong mag-usap tayo, Veronica." There was a hint of warning in his voice.
I rolled my eyes. Yeah, as if I'm intimidated.
"Kung ang pag-uusapan natin ay tungkol sa panliligaw mo, I'll give you the same answer. It's a no. Ayoko sa'yo. Tapos."
Tumayo ako at akmang magmamartsa paalis sa lugar na iyon ngunit hinila ni Travis ang palapulsuhan ko.
"Let go of me Travis! Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo kita! Bitiwan mo ako!"
Napaaray ako dahil sa paghigpit ng kapit nito sa aking palapulsuhan. Sensitibo ang aking balat at madali lang mamantal. Paniguradong magmamarka ang pagkakawak nito sa akin bukas. And I can't wait Kuya Lawrence's reaction if he sees it.
"Nasasaktan ako!"
"Bakit ba ayaw mo sa akin? Gwapo naman ako. Mayaman. Matalino din naman. Gusto kita Veronica at hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako sinasagot."
"Gago ka ba? Sa ginagawa mong to mas lalo kitang aayawan! Don't push yourself on me dahil kahit anong gawin mo ay hindi ako papatol sa isang kagaya mo!"
Hinila ako nito palapit sa kanyang katawan. Damn it! He's so strong and tall for a sixteen year old boy!
"Bitawan mo ako Travis! You're drunk!" mukhang dumaan ito sa isa pang bar ng hotel at uminom ng alak. Umaalingasaw kasi ang amoy ng inumin nito. Paano ito nakaorder gayong bawal mag-serve ng hard liqiour sa minor? Oh yes! He must have lied!
He held my chin tightly. I was about to yell when someone pulled Travis away from me.
Ang unang rumihistro agad sa utak ko ay ang anyo ng lalakeng iyon. Hindi ko maaninag ang mukha dahil madilim sa parteng ito at ang tanging natatanglawan lamang ng poste ang siyang naging klaro sa paningin ko.
Kupasin ang pantalon nito. Ang manggas ng checkered polo shirt ay nakarolyo hanggang siko. He's way taller than Travis. Higit rin na malaki ang katawan nito.
Napasubsob sa damuhan si Travis. Hinagis siya doon ng lalake nang ganun na lamang.
"Sino ka ha!"
"The young lady said let her go. You heard her. Ngunit hindi mo ata iyon naiintindihan."
That deep, baritone voice vibrates through my ears. I shivered. No doubt that this man is way more dangerous than Travis.
"Huwag kang nangingialam!" sigaw ni Travis.
"Hindi sana ako mangingialam ngunit sa nakikita ko'y nasasaktan na siya. Kung sinabi ng babae na ayaw niya sa'yo, respituhin mo yun." nakatalikod ito sa akin at tanging ang malapad na balikat lamang nito ang aking nakikita.
Travis managed to stand up. Nagpagpag ito sa kanyang damit. He's so pissed and mad. He then looked at me.
"Magkikita pa tayo Veronica! I will make you mine " he shouted then transferred his fiery eyes to the other man. "And you, I will make you pay for this." At nagmamadaling umalis sa lugar na ito.
The man laughed softly. "Kids these days." he uttered.
Nagtaas ako ng kilay. Kids?
Akma na itong aalis but I called his attention.
"Wait, Mister!"
The man stopped but didn't bother to face me. "Next time lady, don't stay in a dark place like this alone. You can easily get attention. Kahit ang paghawi lang ng buhok mo ay kababaliwan ng mga lalake."
Pinanuyuan ako ng balahibo. Humakbang ako palapit dito at tumigil isang metro mula sa lalake. Pinag-aralan kong mabuti ang tindig nito.Hindi siya nabibilang sa marangyang pamilya. Hindi sa pangmamata but I can't help to compare. I can't smell expensive perfume from him. I can distinguish a cheap brand of clothing when I see one. And this man is wearing an ordinary piece of clothes.
The man laughed sarcastically. "You are studying me like I'm a kind of specimen."
"Who are you?"
The man started walking away from me. But before he disappears from my gaze, he answered.
"Just a nobody......"
His answer made me speechless. And I didn't even get the chance to say thank you to him for saving me.