EIGHTEEN: BROKEN

3931 Words
It was a boring Sunday night. I was watching TV when kuya Lawrence descended from the second floor of our penthouse. “Going somewhere?” I asked, kahit may hinala na ako kung saan ang tungo nito. Naka-denim jeans si kuya at naka-black polo shirt. Every Saturday, kuya and his friends hang out at the ClubMix bar to socialize and unwind. Pero syempre, hindi naman ako pinanganak kahapon na bukod doon eh para rin makipaglandian sa mga flings nila. Sa naisip ay napairap ako. His group are like eagles hunting for food. Ang "food" na tinutukoy ko ay girls. Oh well, it's a man's world at normal na lang siguro iyon. At isa pa, kahit tumayo lang silang magkakaibigan sa sulok, susugurin pa rin ang mga yan ng mga babae. Kaya stressed lagi ang mga bouncer ng bar pag Sabado. Madalas ay napapapaaway pa sila sa ibang grupo na hindi sila kilala. James owned the restobar, by the way. Nakita ko ang pagtango ni kuya. “Dito ka lang ba? Hindi ka ba nabobored?” Wika nito tila may hinahanap. “I don't feel like going out.” Maikli kong tugon. Nang mahanap ni kuya ang susi ng kotse niya sa drawer, hinarap ako nito. “Chris will be there.” I raised an eyebrow. Hindi pinansin ang pagsikdo ng puso ko. “So?” “So? Wala lang naman. Just informing you, little sis.” He smirked. “Are you trying to pair me with Chris?” May pagdududa sa tanong ko. He sighed. “Kahit ipagtulakan kita sa kanya, malakas ang kutob kong tatanggihan ka lang noon. Masasaktan ka lang din kaya hahayaan ko na lang kayong dalawa. If you end up together, good. But if you don't, that's also fine with me. Pero ayoko dun sa mga lalakeng nalilink sa'yo sa Paris at sa America, baby girl. The latest one, is he a rock star? Mukha pa lang halatang adik na.” I rolled my eyes pero nakangisi ako. It's a relief to know that he likes Chris for me. “Rumours lang yun kuya. Nag dinner lang kami ni Chester. Malay ko bang may mga paparazzi na nakabuntot sa amin.”                 He scoffed. “Whatever.” Lumapit ito sa kinauupuan kong sofa at yumuko para halikan ang tuktok ng aking ulo. “Love you.” “Love you.” I smiled. Kuya Lawrence is a man of few words’ kaya pag ganitong pinagsasabihan niya ako ay imbes na mainis ay natutuwa ako. Mas nararamdaman ko kasi kung gaano ako kahalaga kay kuya. Oh, I love him to death. I'd really wish would find a girl who could make his world turn upside down. So far, wala pa akong napapabalitaan. That crazy b***h Cathy was his latest fling and my god, I wanted to kick her ass every time we met. Kulang nalang maging anino siya ni kuya kasi kahit saan ay nakasunod ito. Masyadong papansin ang babaeng iyon. She knew I hate her kaya napapansin ko ang madalas nitong pag-iwas sa akin tuwing gumagala ito sa hotel. Oh well, she'd rather be, or I'll burn her. Siguradong sunog agad siya because that girl is definitely made of plastic. Natapos na ang pinapanood kong series pero hindi ako nakapagfocus sa mga ganap. Ang isipan ko ay naglalakbay doon sa ClubMix. Kung nandoon si Chris malamang pagpi-pyestahan ito ng mga babaeng sagigilid. Naningkit ang mata ko sa mga imaheng pumapasok sa utak ko. Chris dancing seductively with random girls! Or worse nakikipaghalikan na ito ngayon! Mabilis akong tumayo. “You'd better behave there or gigilitan kita sa leeg!” Nanakbo ako sa pagpanhik sa aking kwarto para magbihis. Pinili kong suotin ang backless, fitted black dress na hanggang hita ko lang umaabot ang dulo ng damit. I paired my dress with my Victoria Secret pumps and light make up lang ang nilagay kong kolorete sa aking mukha, but I used red lipstick para mas lalong ma-enhance ang natural na mapupula kong mga labi. Nilugay ko ang aking lagpas balikat na buhok at hinayaang magulo ng hangin. Messy hair would only add extra hotness on my look tonight. Isang pasada pa ang ginawa ko sa aking sarili bago tuluyang lumabas ng aking silid. Bago ako lumabas ng penthouse ay tumawag na ako sa front desk para ikuha ako ng taxi. Pag labas ko ng lobby ay nakaantabay na doon ang taxi na magdadala sa akin sa ClubMix. Hindi ko dadalhin ang sasakyan ko dahil balak kong sumabay kay kuya mamaya pag-uwi. If I ride with him, siguradong hindi niya pasasakayin si Cathy at malamang, taxi ang maghahatid sa babae pauwi sa kanila. And Cathy will hate me even more! And that's more I like it! I smirked. I always have my ways. Selfish? No. I am just protecting my brother from the likes of Cathy. Me, a b***h? Hell! I am the baddest b***h on the planet so don't she dare! Humimpil ang taxi ilang metro malayo sa mismong entrada ng ClubMix. Ang dami naman kasing sasakyan ang nakahimpil sa gilid ng kalsada. Punuan na tiyak ngayon sa loob lalo na't Linggo. Nilinga ko saglit ang malaking billboard ko na nasa tapat mismo ng bar. I am currently an ambassadress for L’Oréal Paris make-up collection. Ano kaya ang iniisip ni Chris sa tuwing nakikita niya ang mga billboard ko? Ah, paniguradong minamaliit na naman nito ang kanyang sarili. I sighed as I started walking towards the main entrance. Buti nalang at namumukhaan ako ng dalawang bouncer kaya malayo pa lang ako ay sinalubong na ako at ginwardyahan. Marami-rami din kasing mga tao ang tumatambay sa labas ng bar. Nagpasalamat ako sa bouncer at diretso na ako sa pagpasok sa loob. As expected, dagat ng tao ang sumalubong sa akin. Habang naglalakad patungo sa minibar ay may mangilan-ngilang itinuturo ako pagkatapos ay magbubulungan. Ang kalalakihan ay magsisikuhan at kakagat sa labi habang sinusuri ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa. I rolled my eyes for the nth time. Sanay ako sa ganitong klaseng atmosphere. Kung sa ibang pagkakataon ay baka kinawayan ko pa sila at nginitian pero wala talaga ako sa mood ngayon. Huwag lang din silang magtangkang hawakan ako kahit dulo man lang ng kamay ko dahil hindi ko sila uurungan. I arrived at the minibar unscathed. Umupo ako sa pang isahang stool at nag-order ng vodka. Natigilan pa saglit ang bartender bago nagmamadaling ibigay sa akin ang hinihingi ko. Inisang lagok ko ang laman ng shot glass. Gumuhit agad ang init sa aking lalamunan patungo sa aking tiyan. “Where are they?” I asked the bartender na nakatulala sa akin. “Ah....sino Ma'am?”           “James and the gang.” He blinked at pagkatapos ay nilingon ang isang waitress na lumapit at nagsabi kung anong inumin ang ihahanda nito. Tinanong ito ng bartender. “Bea, sila sir James nasa VIP lounge ba?” I looked at the waitress beside me. Sinuri ko ang kabuuan nito at tumigil ang mata ko sa mukha niya. She's quite a beauty. “Ay aba, malamang.” The girl wrinkled her nose prettily. “Ma'am, nasa VIP lounge daw sila Sir. Katapat lang nito at nasa dulong lounge sila madalas nakapwesto, malapit po sa exit.” Itinaas nito ang kamay para ituro ang tapat. I looked over my shoulder. Sa dami ng tao sa dancefloor, hindi ko maaninag ang kabilang parte ng bar. Masyadong dim din kasi ang mga ilaw. “Veronica Dela Vega? Ikaw ba si Veronica Dela Vega?” Bulalas ng waitress. Amazement was written on her face. Nakanganga pa itong nakatitig sa akin. I simply nodded. “Miss! Ang ganda-ganda nyo pala talaga sa personal! Fan mo ako! I have collections of your magazines! Oh my god! You look perfect! Ako nga pala si Bea. Nice to meet you, Miss!” She waved her hands simultaneously. I smiled widely. The girl is spontaneous. “Nice to meet you, Bea.” Bea gasped at tumingin sa bartender. “See? I told you. Hindi suplada si Miss Veronica katulad nang binabalita sa entertainment news! She smiled at me Johnson!” Tinutop nito ang bibig nang marealize ang sinabi at humingi ng depensa. “No harm done.” Nakapaskil pa rin sa labi ko ang ngiti. Nang maipatong ng bartender ang order ni Bea sa bar counter ay nagpaalam ang dalaga para ihatid ito sa table ng costumer. Nang malagok ko ang pangalawang shot glass ko ay umikot ako sa pagkakaupo para makaharap sa dancefloor. Ang dalawang siko ko ay nakatukod sa counter at isinandal ko ang likod doon. Ginalugad ng tingin ko ang dancefloor at baka sakaling may mamataan akong di kaaya-aya. At ganun na lang din ang panliliit ng aking mga mata nang makita si Chris na lumalapit sa isang mestizang babae. Pumwesto ito sa likod ng babae at hinawakan ang baywang nito. Napasinghap ako as I made a fist. Damn it. Hindi ko aakalaing may tinatagong landi sa katawan si Chris! At bakit nga ba ito nandito ngayon? Hindi ba nito kasama sa pagluwas ang kanyang mag-ina? I was about to stand up when I saw the girl shoved Chris' hand away from her waist. Mukhang hindi nagustuhan ng babae ang ginawa ng lakake. Good girl. You just save your life from doing that. Umalis sa dancefloor ang babae kasama ang ilan pang kasama nito. Meanwhile Chris went back to their lounge habang nagkakamot sa batok. I hissed. “Disappointed ka Chris because you got busted by that girl?” I emptied my third shot of vodka and stood up. Now I know where you are. Naglakad ako patungo sa dancefloor. Thank goodness dahil medyo nagka-espasyo na rin at hindi na siksikan. Makakahinga ako habang sumasayaw sa maharot na tugtugin. Wala akong kilala sa mga tao dito pero dahil nakainom na ako, wala ng natitira pang hiya sa katawan ko. Kasusuklaman ko ang sarili ko bukas pero sa ngayon, magpapakatangay muna ako sa kagustuhan ng alak sa aking sistema. Oh well, ang huli kong punta sa bar ay noong after-party ng graduation ko. I was so drunk that time dahil masama rin ang loob ko. Kuya Lawrence immediately left nung graduation ko dahil may ka-meeting daw itong mahalagang tao. How about me? Hindi ba ako mahalaga? Pero na-realize ko lang din kung gaano ako kamali noon. He went back after the said meeting and got angry at me for getting drunk. I felt embarrassed that time. Not to the people that I knew of, but of him. At dahil masama ang loob ko ngayon, and I’ve had three shots of vodka in my system, bahala na ang bukas. I closed my eyes as I swayed my hips. My hands went up to my hair to ruffle it as I danced erotically to the music. I used my right hand to feel my cheek, pinadausdos ko ito ng marahan sa aking leeg as I looked up, tracing the softness of my shoulder blade down to my forearm. Napangisi ako nang maramdamang may yumakap sa akin mula sa likuran. Hinapit pa ako nito kaya napahawak ako sa brasong nakayapos sa akin. Obviously, it's a man's arm dahil mabalbon ang braso at matigas. Hindi na ako nag-abala pang lingunin kung sino man ito. Kung ganito lang din naman ang posisyon namin, wala akong nakikitang masama doon. Pero napamulat ako ng mata nang marinig ko si kuya na sumisigaw. “Hawakan nyo si Chris!” Kumunot ang noo ko. Hindi ko namalayang halos nasa harapan na pala ako ng lounge nila. Silang limang magkakaibigan ay nakatayo na samantalang si Chris ay nakaupo habang nakayuko. Hindi ko makita ang kanyang ekspresyon. Ang grupo ni Cathy ay nagsialisan na tila natatakot sa nangyayari. Si kuya ay naniningkit ang matang nakatingin sa akin. Mabilis ako nitong nilapitan. “Veronica!” Hinila ako ni kuya ngunit masyadong malakas ang pagkakagapos ng lalake sa akin. Napasubsob lang din ako pabalik sa dibdib ng lalake. Nilingon ko ito. I gasped when I realized how tall and masculine he is. His arms are full of tattoos at may ring pa sa labi. Oh my god. “We are still dancing, dude.” Matatas magsalita ng ingles ang lalake na mas lalong nagpalinaw sa akin na ito ay isang banyaga. “Your dancing with my sister, motherfucker! Let her go!” “Nope. This hot chick is mine.” The man grinned na mas lalong nagpatindig sa balahibo ko. Hinawakan ako nito sa baywang at hinarap sa kanya. Mabilis kong tinukod ang dalawa kong palad sa kanyang dibdib para magkaroon ng espasyo sa pagitan namin. The man's eyes were red at nalalanghap ko ang tapang ng alak sa kanyang hininga. Gross. “Ian! Hawakan nyo ni Jack si Chris! Huwang nyong palapitin dito!” Kuya groaned in frustration. “Let go of me!” Hiyaw ko nang maramdamang dinidiin nito ang sarili sa akin. “Putangina!” Mura ni kuya na sinuntok ang banyagang lalake. Ngunit tanging mukha lang ang gumalaw dito. Hindi man lang ito natinag. My eyes grew in horror. Pag sinuntok nito si Kuya sigurado akong mapupuruhan ang kapatid ko! “Chris! Dito ka lang daw!” Rinig kong sigaw ni Ian. “Holy s**t! Hawakan nyo si Chris! He will kill that bastard pag nakalapit yan dito!” Kuya yelled at them. Hindi na alam nila Ian at Jack ang gagawin dahil mabilis nakawala sa hawak nila si Chris. Si Reid na humarang kay Chris ay wala ring nagawa or rather, hinayaan lamang nitong makalampas si Chris sa kanya. Nanginig ako sa paraan ng pagkakatitig ni Chris sa lalakeng humahawak sa akin. I saw red and anger in his eyes. He stretched his neck sideways. His arm muscles tensed and both hands are curled into fists. It seemed like he's preparing himself for a bloody war. Dark aura was illuminating from his body. “What are you doing here wearing that piece of s**t of a cloth, Dela Vega?” He gritted his teeth as he looked at the man with deadpan stare. “You know I hate it when someone is groping you, sweetheart. I am seeing red. My head is throbbing right now, and my hands are itching. Do you know how you can stop me?" He smirked. I shivered. “Please let me go. Please.” Pakiusap ko sa banyaga. Hindi ako kinakabahan para sa sarili ko. Kinakabahan ako sa maaaring gawin ni Chris sa kanya. Ayokong mapahamak si Chris ng dahil sa akin! Pero hindi pa nakasagot ang banyaga ay umigkas na ang kamao ni Chris sa panga nito. May tumalsik na dugo mula sa bibig nito. Nang lumuwang ng bahagya ang hawak nito sa akin, ay mabilis akong umatras. Chris pulled me at akma ko na itong yayakapin ngunit tinulak ako nito kay Kuya Lawrence na bigong-bigo ang ekspresyon ng mukha. Sinugod ni Chris ang banyaga at magkasunod na suntok ang ginawad nito sa ulo at sa dibdib. Higit na matangkad ang estranghero but Chris' punches are solid and powerful. Bawat tama nito sa lalake ay hindi na ito nakakabawi. Tila ba ay hilong hilo agad sa suntok ni Chris. One more flying kick to the chest of the stranger bago ito tuluyang matumba at nawalan ng malay. Ngunit akala ko ay titigil ni si Chris. Patuloy pa rin nitong sinuntok ang mukha ng lalake na hindi na makilala dahil puno na ng dugo. “Pigilan nyo siya! Pigilan nyo siya!” Mapapatay yan ni Chris!” Tili ko. f**k! Why is everyone just watching! This is not a f*****g movie! I yelled again to get their attention. Sumenyas si James at saka pa lang lumapit sila Reid, Ian at Jack kay Chris. Ang mga bouncers ay nagmamadaling kinarga paalis sa harap ni Chris ang wala ng malay na estranghero. Kumawala ako kay kuya at nilapitan si Chris na nakaupo sa sahig. Ang parehong kamao ay duguan. Lumuhod ako sa harap niya at dinungaw ito. “Chris, please look at me.” Banayad kong sabi. My hands were trembling while I cupped his face. Nanatili lamang nakayuko ito. His body was still shaking. Naghahabol ito ng hininga. “I can kill him with my bare hands, Veronica. I will kill and die for you. See? This is all I can offer to you! I am a broken man. A broken soul, Veronica. I will never be good enough for you. Never.” His voice broke. Umiiling ako habang umiiyak. “Ako ang magpapasya, Chris. Hindi ang opinyon ng mga tao at lalong hindi ikaw. Ako ang magpapasya kung ano at sino ang makakapagpasaya sa akin. Ako ang masusunod.” Hinawi ko ang basa nitong buhok sa kanyang noo. “Ihahatid kita sa inyo at hindi mo ako mapipigilan.” Hindi ito umimik at nang hinila o ito patayo ay sumunod naman ito. Nagpaalam ako kay kuya at sa mga kaibigan nila. Tanging tango lang ang ginawa nito bilang sagot. James assisted me hanggang sa makakuha kami ng taxi. Humingi rin ako ng pasensya dahil sa gulong nagawa ko sa bar nila. “I'll pay all the damages.” Sabi ko ngunit tumawa lamang si James. “Don't worry, marami pang naka-stock na gamit. Normal lang sa bar na magkaroon ng komosyon.” Sumulyap ito kay Chris na nasa loob na ng taxi at tahimik. “Take care, both of you.” Pareho kaming walang imik sa loob ng taxi. Sumulyap si Chris sa gawi ko at nagmura. Hinubad nito ang jacket na suot at pinatong sa nakalitaw kong mga hita. Ang sunod nitong tinanggal ay ang T-shirt at binalibag sa dibdib ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. “Wag mo akong tatanungin kong ano ang problema ko dahil alam kong alam mo kung ano yun!” Snghal nito. Kumikibot-kibot pa ang labi nito. Siguro kung nabibilang ko lang ang mga murang nabulalas niya ay siguro lagpas isang daan na. Nang humimpil ang taxi sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin, bumaling ako kay Chris. “Dito ka ba nakatira?” Nag-alangan akong magtanong. May mga batang naglalaro sa kalye. Ang iba'y nakapaa pa habang naghahabulan. Alas diyes na ng gabi ngunit tila ba gising na gising pa ang mga tao dito. Pinasuot ni Chris sa akin ang kanyang medyo duguan na T-shirt. Nang makababa kami ng taxi, tinali nito ang jacket paikot sa aking baywang para matakpan ang hita ko. Hindi ko maiwasang matakot sa kinalalagyan ko ngayon. May grupo ng kalalakihan sa kanto na halatang mga lasing at panay ang kantahan. Sa kabila naman ay grupo ng mga kabataang tila nagsusuntukan. Where exactly on earth am I? “Yumakap ka sa akin at yumuko ka lang, Veronica. Kahit na anong mangyari ay wag kang titingin sa paligid, naiintindihan mo?” He asked. Banayad na ang pagkakatanong niya sa akin kaya nabawasan ang kaba sa aking dibdib. He kissed my forehead before he pulled me closer to his. Pagpasok pa lang namin sa eskinita ay amoy ng imburnal ang agad na sumalubong sa akin. Mas lalo kung binaon ang aking mukha sa dibdib ni Chris at sinamyo ang amoy nito. Kahit pawisan na at may halong amoy-alak na dumikit sa kanyang katawan, nagugustuhan ko pa rin ang bango nito. His chest muscle tensed at nagmura ito ng panibago. Could he stop cursing? Mas lalo lang kasing naging sexy iyon sa pandinig ko. Ang hilo ko kanina dahil sa alak ay unti-unti na namang gumagapang sa aking ulo. “Are you okay?” He asked. Tumigil kami sa paglalakad. “Inaantok ako Chris.” Sagot ko at naghikab. Nakabaon pa rin ang mukha ko sa dibdib niya. His chest vibrated because of chuckles. Kahit paano ay naibsan ang tensyon sa katawan ko dahil sa tawa niyang iyon. “Akala ko naman kung ano.” May tumatawag sa kanyang pangalan tuwing napapadaan kami sa mga nagkukumpulang mga tao. Bawat tindahan ata sa barangay na ito ay may grupong nag-iinuman. Ang alam ko'y may curfew na pinapatupad ang gobyerno ng Davao ngunit bakit gising pa ata lahat ng tao dito? May binuksang bakal na bakod si Chris at pumasok kaming dalawa doon. He opened the door at kinapa ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto. Giniya ako nito sa upuang pandalawahan. Mula rito ay kita ko ang kitchen at ang di kalakihang kama sa sulok. Ang isang pintuan sa tabi ng lababo ay paniguradong comfort room. May maliit na mini ref ito sa sulok. Kumuha ito ng pitsel mula roon at nagsalin ng tubig sa baso. Nang makainom ay nagsalin ulit ito at inabot sa akin. “Drink this. Para mabawasan ang sakit sa ulo mo.” Tumango ako at tinungga ang laman ng baso. Ngayon ko lang napagtantong uhaw na uhaw na pala ako kanina pa. “Maliligo lang ako sandali. Manood ka muna ng TV.” He turned it on. Sinundan ko lamang siya ng tingin habang kumukuha ito ng bihisan sa isang plastic na cabinet sa tabi ng higaan. Nang pumasok ito sa banyo, naghikab ulit ako at huimiga sa maliit na sofa. Namaluktot ako doon ngunit hindi ko na inintindi ang discomfort. Tuluyan akong pumikit at nakatulog. Hindi pa malalim ang tulog ko nang maramdaman ko ang kamay ni Chris na pumalibot sa aking hita at ang isa ay sa aking batok. I opened my eyes ngunit madilim na ang paligid. “Chris.” Malat na boses na tawag ko sa kanya. Karga ako nito. “Ililipat kita sa higaan ko, Veronica.” He whispered. Umungol lamang ako. Lumapat ang likod ko sa kamang manipis lamang ang mattress. Hindi iyon matigas ngunit hindi rin naman malambot. Gayunpaman ay hindi iyon mahalaga sa akin. Babalik na sana ako sa pagtulog nang maramdaman ang pagtaas ni Chris sa T-shirt ko. “What are you doing?” “I'm helping you to change. Marumi na tong T-shirt ko at ganun din ang damit mo.” Bumangon ako kahit kumikirot ang ulo ko. “Kaya kong magpalit ng damit, Chris.” Nakaposisyon ito sa harap ko kaya ang mukha namin ay magkatapat sa isa’t isa. Hindi ito sumagot ngunit ang kamay ay dumako sa likod ko. Unti-unti nitong binaba ang zipper ng aking dress. Napapikit ako. His eyes lingered on me kaya hindi ko iyon kayang salubungin. Napapaso ako sa paraan ng titig niya. Kahit naman kasi nakapatay ang ilaw ay pumapasok ang liwanag ng poste sa loob ng bahay kaya ang pagkinang ng kanyang mga mata ay hindi maipapasubali. Nang bumaba ang zipper ay inangat ko ang sarili ko para tuluyang matanggal ang damit. Tanging under garments na lamang ang naiwang saplot sa aking katawan. Chris' breaths were fanning through my face and neck. “Are you going to sleep with your bra on?” He asked casually. Kumagat-labi ako at umiling. He had seen me almost naked before pero nahihiya pa rin ako. Gamit ang isang kamay ay natanggal ni Chris ang pagkaka-hook ng bra sa aking likod. “Sanay na sanay ka atang magtanggal ng bra, Chris.” Hindi ko napigilang maibulalas ang inis sa boses ko. He gave me his sexy lopsided smile. Jerk. I crossed my arms to cover my chest nang matanggal ang bra ko. Chris sighed. “I won't touch you, Veronica. Wala akong karapatan.” Inabot nito ang malinis naT-shirt na nakatupi sa gilid at sinuot sa akin. He's treating me like a child, seriously. Kumilos ulit ito. Mula sa pagkakaupo ay humiga ito sa gilid ng kama, his arm reaching me. Nagpatianod naman ako at umunan sa matipuno niyang braso. “Go back to sleep now, Veronica. Don't worry, naitawag ko na sa kuya mo na dito ka muna sa akin matutulog.” “Okay.” I replied. Tumagilid ako para kita ko ang kanyang mukha. Nakatihaya kasi ito. Ang ulo ay naka-unan sa kanyang kanang braso. “Don't stare at me. Sleep.” He said, reprimanding me. I pouted. “Aren't you going to kiss me good night?” He side-eyed me. “No. If I kiss you now, bukas pa kita patutulugin. Sleep now, sweetheart. Hayaan mong tanawin ko ang pagtulog mo. Kahit ang mga oras na nakatanaw lamang ay matatawag kong akin. Watching you sleep has never been so satisfying, sweetheart.” I smiled at him as I closed my eyes. Alright Chris. Pagbibigyan kita ngayon. Pero bukas, we'll have to talk. And I hope magiging maayos na ang lahat sa ating dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD