Dead Hearts 4

1763 Words
5 years later "We'll see you after the break, Coach Brian!" "Yeah! And make sure to bring me some presents!" Kunwari ay galit kong sabi sa kanila but when their eyes rolled back and boredly told me 'yes', I laughed at them. Sumabay sila sa pagtawa sa akin bago kumaway at naglakad palayo. Nakangiti rin akong tumalikod and unconciously sighed bago pinagmasdan ang paligid ng gym na kinaroronan ko. It's been five years at sa loob ng gym na ito ko ibinuhos lahat ng atensiyon at oras ko training players and making them the top notch players of the school's basketball team. Halos dito na nga ako nakatira na nagbunga naman ng maganda dahil ang eskuwelahan namin ang 3 year champion team sa larangan ng Basketball sa aming division. Kung may choice lang ako, hindi na sana ako uuwi sa bahay ko dahil wala naman akong daratnan doon. My family went to the Philippines to spend the holidays there. They were somewhat mad at me dahil hindi ako sumama sa kanila and I didn't even explain my self to them. Sinabi ko na lang na kung mapagdedesisyunan ko ay maaring sumunod ako sa kanila roon pero ang totoo ay wala akong balak umuwi ng Pilipinas. That country will just rekindle the hidden pain and frustration in my heart. And I don't want to feel that sort of pain once more. Hanggang ngayon naman ay nasa puso ko pa rin ang sakit at hapdi but unlike the first years I came back, kayang-kaya ko na iyong itago ngayon. Isa ring rason kung bakit mas madalas pa akong naririto sa school gym kesa sa sarili kong tahanan ay upang hindi na bigyan ng pag-aalala ang mga magulang ko. They were so curious and worried when I went back here in the US broken hearted. Hinayaan ko na lang silang isipin ang gusto nilang isipin but I didn't tell them the real reason and what really happened to me in the Philippines. Maintindihin naman ang pamilya ko at hindi nila ako pinilit na sabihin sa kanila ang lahat and I am thankful for that. Sinabi rin nilang hihintayin nila ang oras na ako mismo ang magsasabi sa kanila ngunit alam ko sa sarili ko na hindi na mangyayari iyon. I intend to keep everything for my self alone. Sa loob rin ng limang taon ay sinubukan ko na ang hindi makibalita tungkol kay Daniel. Kahit gayunpaman, nakarating pa rin sa akin na muling nasungkit ng koponan nila ang kampeonato mula sa isang international tournament na sinalihan ng team nila. Sapat na ang marinig how successful he is right now to at least settle my heart and prove to myself that I've made the best decision for Daniel and me. I don't need to know how happy he is with his own family. Though it's what I've expected and wanted, ayoko nang dagdagan pa ang bigat na dinadala ng puso ko. Kinipkip ko ang suot kong winter jacket upang mabawasan ang panlalamig na nadarama ng katawan ko. It's time for me to go home, finally go home. Isang tingin pa ang ginawa ko sa kabuoan ng malawak na school gym bago ako tumalikod. Nakakadalawang hakbang pa lang ako nang maestatwa ako sa kinaroroonan ko. Bumagsak ang panga ko nang makita ko ang taong nakatayo sa tapat ng pintuan ng gym. "Da--Daniel?" Nawawalan ng hininga kong sambit sa kanyang pangalan. He smiled at me and I saw how he seemed to study me and memorize the look on my face. "Brian." Just hearing his voice saying my name made my knees tremble. At dahil hindi ko na maikilos ang katawan ko ay siya na ang kusang naglakad papalapit sa akin. And as he walked towards me, I settled my eyes at his face. He still has that magnetic charm, that boyish look. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang blue and black winter clothes. At nakadaragdag pa iyon sa lakas ng impact niya sa akin na lalo pang nagpabilis sa t***k ng puso ko. Nang nasa tapat ko na siya ay siya na rin ang unang nagsalita. "How are you, Brian? It's been almost five years," kaswal niyang tanong sa akin. I cleared my throat and answered him as relaxed as I could possibly be. "Back to being coach," pagkikibit-balikat ko. "I see. Masaya ako na nagtatagumpay ka na sa larangang pinili mo," tango niya sa akin. "I--ikaw? Kumusta na? What brought you here?" Napansin kong nagkatensiyon ang mga balikat niya sa pangungumusta ko bago niya ako sinagot. "I am with my family. Nag-decide kami na dito sa US mag-celebrate ng Christmas and New Year. During our flight naalala kong malapit lang 'yung sinabi mo sa akin noon na eskuwelahan na pinapasukan mo so I've decided to see you to personally thank you for all the things you've done to me. Salamat, Brian. I was able to do what you've wanted me to do. I was able to reach my dream. Natupad ko na ang pangarap ko at okay na ako sa pamilya ko ngayon." He didn't need to tell me but I already know na ang tinutukoy niyang pamilya ay ang pamilya nila ni Erika. And it successfully broke my heart once again both in happiness for his success and in pain for knowing that he has finally forgotten his love for me. "I... I am so happy for you, Daniel," nanhahapdi ang lalamunang bati ko sa kanya. At upang itago ang mga luhang namumuo sa mga mata ko ay ako na mismo ang humakbang papalapit sa kanya at walang alinlangang yumakap sa kanya upang hindi niya makita ang mga ito. I used all my strength upang hindi tuluyang bumigay ang katawan at puso ko sa harap niya. I was supposed to just feel happiness dahil nangako ako sa kanya noon na ang tanging kaligayahan ko lang ay ang tagumpay niya. But knowing that he is happy with his and Erika's family brought a throbbing pain in my chest. Bumitaw ako sa kanya pagkatapos kong punasan ang mga luha sa pisngi ko ngunit hindi ko siya hinarap. "I... I have to go. My family is waiting for me back home. I hope you know your way out. I... I'll see you around, Daniel," pagsisinungaling ko sa kanya upang may rason na nakaalis na ako. Humakbang na ako paalis ngunit hinawakan niya ang isang beaso ko dahilan para mapatigil ako sa pagkilos palayo. "Pero hindi pa rin ako masaya, Brian. Hindi pa rin sapat ang lahat ng tagumpay na natatamo ko. May kulang pa rin sa buhay ko." Napilitan akong humarap sa kanya pagkatapos niyang sabihin iyon. "Daniel..." "Alam kong alam mo kung bakit hindi pa rin ako masaya. Alam kong alam mo kung bakit hindi pa rin sapat ang tagumpay at ang pagkakaabot ko sa mga pangarap ko para tuluyan akong sumaya." Taimtim siyang tumitig sa akin and right before my eyes nakita ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya. "Dahil wala ka sa tabi ko noong maabot ko ang mga iyon, Brian. Wala iyong tanging tao na naniwalang maabot ko pa ang mga iyon, ang tao na pinapangarap kong kasama ko sa pag-abot ng mga pangarap ko. Noong una, galit ako sa pang-iiwan mo sa akin. Punung-puno ako ng hinanakit dahil iiwan mo rin pala ako pagkatapos mo akong muling paasahin na may magagawa ako para sa sarili ko at muli akong maipagmamalaki ng pamilya ko. Hindi ko matanggap na nagawa mo akong paibigin sa'yo, para lang sa huli ay tatalikuran mo rin kagaya ng ginawa nila sa akin noon." Nahigit ko ang hininga ko sa mga sinabi niya. Nanuyo ang lalamunan ko at halos hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. "Alam mo ba, totoo iyong mga sinabi ko sa'yo noon. Totoo na handa kong talikuran, kalimutan at bitawan ang lahat para sa'yo. Ganon kita kamahal. Ganon ako kadesperado na hindi mo iwan. Sabi ko sa sarili ko, ano ang silbi ng tagumpay ko kung wala naman ang taong pinakamamahal ko sa tabi ko? At noong araw na tinalikuran mo ako at iwan mo, alam mo bang hinabol ko pa ang sasakyan mo? Takot na takot akong mawala ka sa akin. Masakit na masakit sa akin ang bitawan mo at sukuan mo. Hindi ko matanggap na kayang-kaya mo akong ipagpalit sa pangarap ko. Hindi ko matanggap na mas pinili mo ang pangarap ko kesa sa akin na nagmamahal nang sobra at handang kalimutan ang lahat ng pangarap ko para sa'yo." Tuluyan na akong napahagulgol ng iyak sa huling sinabi niya dahil ramdam ko ang sakit at pait sa bawat salitang lumabas sa bibig niya. "Pero kung hindi mo ako iniwan noon, hindi ko mare-realize na nagtatapang-tapangan lang pala ko sa harap mo. Hindi ko mare-realize na may kaya pa palang magmahal sa akin nang higit pa sa pagmamahal na ibinigay mo. Alam mo ba kung sino 'yun, Brian? Ang sarili ko. So, thank you. Not for the success I've achieved through your help but for making me realize my self-worth. And this time, Brian, it's my turn to say good bye to you. I may've loved you more than I loved my self before but this time I will love my self more than I've loved you. And I will not let anyone hurt me and leave me anymore like you did. No one after you could hurt me anymore. Good bye, Brian. Thank you for coming to my life and for teaching me the most important lesson I could've learned." Pagkatapos niyang punasan ang kanyang basang mga pisngi ay isang ngiti ang iniwan niya sa akin bago niya ako linampasan at tuluyang iniwan. Napasalampak ako ng upo sa sahig ng gym. My own sobs have deafened me. The pain was unbearble this time that I feel like dying. Ilang minuto rin ako sa ganong kalagayan hanggang sa unti-unting humina ang pag-iyak ko at kusa na iyong tumigil at tanging pagsigok na lang ang ginagawa ko. When I got my strength back, I pushed my self to stand up. I took my time getting out from the gym. Halos wala na ako sa aking sarili. Ni hindi ko na alam kung saang direksiyon ako tumutungo. Ni ang ganda ng lugar na nilalakaran ko ay hindi na nakikita ng mga mata ko. What's the use of seeing the beauty of my surrounding if my heart was bleeding in pain? Damn. Paskong-pasko ngunit napakalungkot ko. "Brian..." I didn't know who called me but I stopped walking. "Why did you cry so hard for me?" Sapat na ang katanungang iyon para lingunin ko ang nagtatanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD