Dead Hearts 3

1033 Words
But no one prepared me for this kind of pain as I hugged the pillow he used to use on my bed as I miss him every night. Isang linggo nang hindi ko siya nakikita. Isang linggo na mula nang magkahiwalay kami ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapakilos ang sarili ko para ayusin at iimpake ang mga damit ko. Isang linggo nang puwersado ang mga pagkilos ko. I desperately want to see him, to talk to him, to kiss him, to make love to him. And hate myself for desperately needing him like this. I hate my self knowing that I've caused him pain. My only consolation was that I won't be the cause of his downfall anymore. So after one more day of locking myself up in my room crying and silently begging for his presence, I packed my bags and left my condo. And as I set foot out of the building, I saw him... it seems that he was about to go to me. Nang makita niya ang dala kong maleta, muli kong nasaksihan ang pagluha niya. I wanted to cry, too. I wanted to run to him and hug him so tightly to once again feel his body agaisnt mine. But I fought all those feelings and clutched on the fear of him losing everything because of me. So I just looked at him in the eyes and said, "This is good bye, Daniel." Nagmamadali akong naglakad palayo sa kanya ngunit hindi ko inakalang hahabulin niya ako at yayakapin mula sa aking likuran. "Akala ko ba ititigil lang natin ang relasyon natin? Akala ko ba dito ka lang? Di ba nangako ka? Nangako ka sa aking hindi ka aalis sa tabi ko. Nangako kang hindi mo ako iiwan hanggang kailangan kita. Bakit ngayon aalis ka? Bakit iiwan mo na ako?" Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin na tila ayaw niya na akong pakawalan. Laking pasasalamat ko na lang na kami lang ang tao dito sa parking area ng condo. Ayokong magkaroon pa ng masamang isyu patungkol sa kanya kung may makakakita sa kalagayan naming dalawa. "Bakit iiwan mo na ako, Brian? Nangako ka di ba? Mahal mo ako, di ba?" Humagulgol siya ng iyak sa balikat ko at kahit anong pagtitiis pa ang gawin ko ay tuluyan na ring kumawala ang damdamin at pangangailangan ko sa kanya. I silently prayed to God to give me this one last moment of cherishing Daniel. Binitawan ko ang hawak kong maleta at humawak ako sa mga braso niyang nakapalibot sa aking katawan. Mas iyinakap ko pa ang mga iyon sa akin. Pumikit ako nang mariin at dinama ang init ng katawan niya habang patuloy kaming lumuluhang dalawa. God. I love this man so much that only his tears could make me feel as if I am about to die. He was my happiness. He was my succees. He was my weakness. He was my life. Kung bakit ba kasi natutunan ko siyang mahalin ng higit pa sa dapat? Kung bakit ba kasi natutunan naming mahalin ang isa't isa? Kung bakit ba kasi naging lalaki pa ako? Kung babae lang sana ako, hindi siya mapapahiya nang dahil sa akin. Walang mangunguwestiyon sa aming dalawa. Walang manghuhusga. Ngunit ano ang karapatan kong kuwestiyunin ang itinalagang kasarian ng Diyos sa akin? It was my mistake of falling in love with him because if I didn't, hindi magiging ganito kakumplikado ang lahat sa amin ni Daniel. And I have to clean up after my mess or it will cause bad things for the both of us lalung-lalo na sa kanya. And it won't happen hanggang kumakapit ako sa kanya, hanggang hindi ko siya binibitawan at pinapakawalan. It's time. It's time to let go. Pagkaraan ng ilang saglit pa pagkatapos kong mapagbigyan ang pinakahihiling ng puso ko ay pilit ko nang binabaklas ang mga braso niya paalis sa katawan ko. Humigpit man ang mga yakap niya nang maramdamang hihiwalay na ako sa kanya ay hindi ako nagpatalo. Saglit na naglaban ang mga lakas naming dalawa ngunit sa huli, ako ang nagtagumpay. "I'm sorry, Daniel. Hindi ko na matutupad ang mga pangako ko sa'yo. You have so much in store for you and I have to go back to my life in the US and face what's waiting for me. What I can only promise you that you will surely hold on to is that, hanggang nasa'yo ang tagumpay, hanggang nakikita kong naaabot mo na ang mga pangarap mo, ako... ako ang pinakamasayang tao dito sa mundo." Hinaplos ko ang pisngi niya at pinunasan ang mga luhang bumasa roon. "I'm so sorry for causing you pain, Daniel. God knows how much I love you and wanted to be with you. But I wasn't meant to be with you. And you aren't meant to be with me. Be happy, Daniel. G--good bye." Tumalikod ako sa kanya at nagsimulang maglakad palayo nang magsalita siya at ang mga salitang binitawan niya ay lalo pang humiwa sa puso ko. "Pero ikaw ang kaligayahan ko, Brian." Hindi ko na siya hinintay pang dagdagan ang sinasabi niya. Mabilis ko nang kinuha ang maleta ko at patakbong pumunta sa kotseng hiram ko. Iniwasan kong mapatingin sa kinatatayuan niya habang nagda-drive ako palayo sa lugar na iyon. Karuwagan iyon alam ko ngunit tanging iyon na lang ang kaya kong panghawakan sa ngayon upang hindi siya balikan sa kanyang kinaroroonan. Tiniis ko ang pait sa lalamunan ko. Tiniis ko ang hirap kong paghinga at ang sobrang sakit ng dibdib ko. Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng eroplano ay kaagad akong dumiretso sa palikuran nito. At doon, habang nakasalampak ako sa sahig at mahigpit na kipkip ang bibig ko ay umiyak ako nang umiyak. Iniyakan ko ang tuluyang paghihiwalay ng landas namin ng taong natutunan kong mahalin sa buong buhay ko. Iniyakan ko ang pananakit ko sa damdamin niya, ang hindi ko pagtupad sa mga pangako ko sa kanya at ang pagpapahirap ko sa sarili kong puso. When you love, you are willing to sacrifice even your own happiness just to make sure that the one you love will reach his dreams. And I just did that. I just did that for Daniel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD