It was Daniel looking at me intently. And his face tells me that he won't leave until I have answered his question. Tutal nasaksihan na niya ang lahat ng pag-iyak ko nang dahil sa kanya, it's time to open up my heart to him. Sa namamaos na boses ay sinagot ko ang katanungan niya.
"Because despite all the pain I've been through for the past five years of losing you and despite the pain of seeing you despise me, I still love you and could not hate you." Pilit akong ngumiti sa kanya kahit na muling dinadaluyan ng nga luha ang mga mata ko. I sighed.
"I wished... I wished for all you've said to happen too, you know. Na nasa tabi mo ako habang inaabot mo ang tagumpay at ang mga pangarap mo, na isa ako sa pag-aalayan mo ng mga iyon, na ako ang naging present at naging future mo, na ako ang maging pamilya mo. Pero hindi lahat ng gusto natin ay mangyayari na hindi natin isinaaalang-alang ang iba. Maraming dapat isaalang-alang para hindi tayo maghilahan pababa. You've told me na mas pinili ko ang pangarap mo kesa sa'yo. But you and your dream represent you. Both of them are you. No matter what I choose, it will always be you."
I smiled at him though my heart is in so much pain.
"In my eyes, everything around you is you. Kung pwede ko lang ibigay ang buong buhay ko para sa'yo, ginawa ko na. Ganon ka kahalaga sa akin. Ganon kita kamahal, Daniel. 'Di bale nang ako 'yung mang-iwan basta makita ko lang na nasa tuktok ka, okay na ako sa baba."
Umiling si Daniel at ngumiti.
"And I won't let that happen, Brian. I won't let it happen again. Because after achieving everything, I couldn't move up anymore. I am stuck at the place you've wanted me to be. At alam mo kung bakit? Dahil alam ng isip, katawan at puso ko na hanggang doon na lang ako. Hindi ko kayang namnamin ang lahat ng tagumpay ko na wala yung taong gusto kong kahawak-kamay ko sa susunod ko pang pag-angat. Wala ka... Wala ka pa sa piling ko." Nanlaki ang mga mata ko sa patutunguhan ng sinasabi niya. Nagsimulang tumibok ng malakas at mabilis ang puso ko. Halos hindi ako makapagsalita.
"At dahil naibigay ko na ang gusto mo, pwede bang ang gusto ko naman ang ibigay mo? Namaalam na ako kanina sa dating ako at sa dating ikaw. Pwede na siguro tayong magsimula ng panibagong kabanata sa buhay nating dalawa."
Napanganga ako at napatitig sa kanya nang maintindihan ko ang nais niyang mangyari.
"Pero akala ko ba...?" namamaos ang boses kong tanong.
"Good bye sa pagiging selfish natin. Good bye sa pagiging self-sacrificial natin. Mamahalin ko na ang sarili ko nang higit sa pagmamahal ko sa'yo noon. At dahil mas mahal ko na ang sarili ko ngayon kesa sa'yo, ito na ang pagbibigyan ko. Ang gusto ko na ang susundin ko. At alam mo ba kung ano ang pinakagusto ko? Iyon ay ang makakasama na ulit kita. Iyon ay ang mas mamahalin ulit kita nang higit pa sa sarili ko. Hindi na ako masasaktang muli nang sinuman dahil tiniyak ko nang wala nang magiging hadlang sa ating dalawa. Wala nang magpapahiwalay sa atin. Hindi ko pinakasalan si Erika, Brian. Sinusuportahan ko na lang ang anak naming dalawa. Inamin ko na rin sa kanya ang totoong estado ng relasyon natin noon. Maging ang pamilya ko ay pinaliwanagan ko. At dahil natupad ko na ang lahat ng gusto ko bukod sa pagpapakasal sa'yo, I think it's time para tuparin iyon."
Tulala pa rin ako sa lahat ng isinawalat niya kaya hindi ako nakakilos nang maglakad siya palapit sa akin at tumigil sa tapat ko. Napatingala ako sa kanya.
"Ikaw na lang ang pangarap ko na hindi ko pa naabot, Brian. Bakit hindi natin sabay abutin iyon? Marry me?" malamlam ang mga mata at buong pagsuyo niyang tanong.
"Daniel!" Napayakap ako sa kanya sa sobrang saya na halos magpasabog na sa puso ko. Kung kanina ay puno ako ng paghihinagpis, ngayon ay hindi mapantayang kaligayahan ang nadarama ko.
Masuyo siyang humiwalay sa akin at pinagmasdan ang luhaang mukha ko as he sweetly smiled at me.
"Balewala ang lahat ng pangarap kong naabot ko kung hindi ka kabilang sa mga iyon, Brian. Please make my last dream come true. Please, 'wag na nating isipin ang ibang tao. 'Wag na nating pigilin ang mga sarili nating maging masaya sa piling ng isa't isa. Let's move forward and reach our dreams together. And we could only reach them if you'll marry me and be with me for the rest of my life. Let's start our journey together by celebrating our Christmas together, Brian. Magpakasal na tayo ngayong Pasko." Malambing niyang hinalikan ang mga labi ko pagkatapos niyang sambitin Ang pinakamatatamos na mga salitang narinig ko sa buong buhay ko.
"Yes, Daniel. I will marry y--you...." maluha-luha kong sagot.
No one could describe the sweetest smile he has given me as he once again claimed my lips and kissed me with passion. I hugged him so tightly against my body after.
When we finally calmed down, we've decided to meet his family na naghihintay sa hotel nila. He told me that they are excited to see me and meet me once again.
As we drove away from the school where I work, we were so happy because we know that with just one more step, matutupad na ang pangarap naming dalawa - ang sabay na abutin ang mga pangarap naming dalawa na magkasama. At tama siya, bakit hindi namin simulan 'yun sa pamamagitan ng pagpapakasal ngayong Pasko?
Because of so much happiness and excitement, hindi na namin parehas na napansin that Daniel was driving over the speed limit dahil ang alam namin ay kami lang ang nasa gitna ng madilim at mahabang kalsada. Nasa isa't isa ang atensiyon naming dalawa na halos hindi na namin maihiwalay ang mga mata namin sa isa't isa.
Mula sa pagtititigan naming dalawa ay sabay kaming napatingin sa harap ng sasakyan nang isang malakas na busina ang bumingi sa amin. Sabay rin kaming nasilaw at napapikit sa malalaking ilaw na sumalubong sa aming mga mata.
Ilang sandali pa ay nakabibinging pagbabanggaan na ng mga metal ang pumailanlang sa paligid. Sumirko ng ilang beses sa ere ang kotseng aming sinasakyan at humagis ang sugatang katawan ni Daniel palabas ng sasakyan. My bleeding body was crushed inside of the broken car.
Daniel died right away from the accident. I died only seconds after him.