Chapter Two
Nasa kama kaming dalawa ng gabing iyon at nagbabasa siya ng libro nang tumabi ako sa kaniya. Kinuwento ko sa kaniya na may tumawag sa akin kagabi ngunit hindi naman ito nagsalita. Sabi ko parang pinapakinggan niya lang ang boses ko. Bigla niyang hininto ang pagbabasa niya ng libro at hinarap ako ng may pagtataka sa kaniyang mga mata.
"Patingin nga ako ng number?" utos pa niya sa akin. Ngumiti ako at pinisil-pisil ko ang braso niya saka ko sinabi na binura ko na iyong number kasi baka nga nanloloko lang iyon. Bumuntong hininga siya ng malalim saka siya biglang tumayo at sinabi na may pupuntahan lang siya ng oras na iyon. Nagtaka ako siyempre at sinabi ko pa sa kaniya na anong oras na, kasi alas diyes na nang gabing iyon pero pursigido parin siya at parang ayaw magpapigil.
"Babalik kaagad ako." sabi niya Pagkatapos niyang masuot ang damit niya at hinalikan ako sa noo saka siya lumabas ng kwarto namin. Sumilip ako sa may bintana at nakita ko na para siyang nagmamadali. Pinaharurot pa niya ang kotse hanggang sa hindi ko na ito masilayan.
Napasandal ako sa kama at kinuha ang cellphone ko sa may side table at tinawagan si Emily pero ring lang ng ring hanggang sa naisip ko na tawagan ang Nanay niya ay sinagot naman ni Tita Emilia.
"Tita, nandiyan na po ba si Emily?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya.
"Oo, anak. Ano bang nangyari dito sa kaibigan mo, kanina pa ayaw lumabas ng kwarto. Nag-aalala na kami kasi buong araw na siyang walang kain." halata sa boses ni Tita Emilia na nag-aalala sa kalagayan ng kaniyang anak.
"Hindi ko rin po alam, Tita. Ayaw niyang sagutin po ang mga tawag ko." buntong hiningang sagot ko sa kaniya.
"Ano bang nangyari? Pumunta lang siya diyan sa inyo tapos pagbalik niya ganito na ang nangyari?"
"Tita, nagmamadali raw po siyang umuwi sabi ng asawa ko. Alas singko po nang umalis siya dito ni hindi na nga po siya nakapagpaalam sa akin." tugon ko.
"Pagdating niya dito, tulala na siya tapos iyak ng iyak hanggang sa pumasok na nga siya sa loob ng kwarto niya at di na lumabas hanggang ngayon." malungkot na tono ng boses ni Tita Emilia ng minutong iyon.
"Sana po maging okay po siya. Balitaan niyo nalang po ako kapag pwede na po siyang makausap, pasensiya na po kayo, Tita." sabi ko sa kaniya at maya-maya ay binaba na ni Tita Emilia ang tawag ko sa kaniya.
Biglang bumigat ang pakiramdam, sumikip ang dibdib ko. Umayos ako ng pagkakaupo at huminga ng malalim hanggang sa nakarecover na ako ng paghinga ng oras na iyon at bumaba ako para uminom ng tubig saka ko tinawagan si Primo, ngunit ring lang ng ring ang phone niya at di niya sinasagot ang tawag ko. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala, paano ba naman kasi iyong kaibigan ko biglang may kakaibang nangyari tapos ang asawa ko naman biglang naman wala sa tabi ko, sinong hindi mag-iisip ng kung ano-ano sa ganitong sitwasyon.
Kinabukasan.
Alas otso na nang umaga umuwi si Primo at tila para bang hindi niya ako nakita nang dumating ito ng oras na iyon. Kaagad na dumiretso siya sa banyo at naligo. Pagkatapos ng ilang minuto sa banyo ay lumabas na ito, doon lang kami nagkaroon ng oras para mag-usap tungkol sa nangyari kagabi.
"Saan ka galing, bakit ngayon ka lang umuwi?" ang tono ng boses ko ay hindi pagalit bagkus nag-aalala ako sa kaniya ng oras na iyon. Hindi siya makatingin ng maayos sa akin at kaagad niyang kinuha ang isang baso ng kape na nasa lamesa at hinigop ito.
"Primo," tinawag ko na ang pangalan niya at doon lang siya tumingin sa akin.
"Galing ako kanila Jerick, may problema iyong tao kaya sinamahan ko muna." Kilala ko si Jerick. Although, hindi kami close na dalawa. Naipakilala lang siya sa akin ni Primo noon sa bar. May ari ng isang Vape Shop si Jerick at base sa kwento ni Primo noon ay suicidal nga raw itong kaibigan nila.
"Bakit di ka man lang nagsabi na uumagahin ka ng uwi, sana di na ako nag-antay sa iyo. Napuyat ako kakaantay sa iyo tapos di mo pa sinasagot iyong tawag ko." may pagtatampo sa tono ng boses ko ng minutong iyon sabay kuha ng tinapay sa plato at kinagat ito habang nakatitig sa kaniya.
"Sorry na, Honey. Nalowbatt ako at walang kaparehong charger si Jerick." Dahilan pa niya sabay muling higop ng kape.
"Ano man lang ba iyong makitext ka o makitawag ka sa kaniya, siguro naman may load iyang kaibigan mo. Nagawa ka nga niyang itext kagabi e, hindi ba?" kumunot ang noo niya sa nasabi ko.
"Huh?"
"Diba, kaya ka nga nagmamadaling umalis kagabi kasi pupuntahan mo siya?" doon lang siya tumango na para bang doon niya lang nagets iyong nais kong sabihin.
Pagkatapos niyang inumin iyong kape ay nagpaalam na ito na matutulog na nang oras na iyon. Bukas pa naman ang balik niya sa trabaho kaya hinayaan ko nalang siya na magpahinga kaso naiinis parin ako sa kaniya kasi gusto ko sanang magpasama sa hospital para magtanong doon sa doctor namin kung pupwede pa ba kaming magsiping kahit na six months na iyong dinadala kong bata, kaso ang lakas na nang hilik niya. Siguro napagod sa kakabantay sa kaibigan niyang suicidal.
Napatingin ako sa cellphone niya na nailapag niya sa side table. Napalunok ako ng laway at pinipigilan ko ang sarili ko na gawin ang bagay na iyon dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako kayang gawan ng kalokohan ni Primo. Alam niya ang pinagdadaanan ko sa mga lalaki, lalo na doon sa huling nakarelasyon ko na handa ko na rin sanang pakasalan na niloko ako at nalaman ko na may iba na pala siyang babae. Malaki ang tiwala ko sa asawa ko sa anim na buwan ng pagsasama namin hindi ko pa nakakitaan ng kung anong kalokohan si Primo, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. Primo is a epitome of a perfect husband.