Chapter Three

1239 Words
Chapter Three Kausap ko si Rose, dati kong katrabaho at kinakamusta ako. Hindi ko naiwasan na maikwento iyong nangyari kanina at kagabi, hanggang sa sinabi niya na baka may ibang babae si Primo. Saglit akong natulala. Napaisip sa sinabi ni Rose sa akin, napatingin sa paligid ng bahay hanggang sa muli kong narinig ang boses ni Rose sa kabilang linya. "You still there?" Napalunok ako ng laway at saka ako tumugon sa kaniya. "Oo naman." sagot ko trying to calm myself. "Uhm, sa tingin ko naman hindi magagawa sa akin ng asawa ko iyon. Magkakaroon na kami ng anak, Rose and he's responsible husband. He provided all my needs, i don't think he's that kind of guy." paliwanag ko pa sa kaniya. "Lila, Me and Fred have been married for almost six years now and look what happened to our relationship, we're struggling kasi akala ko sa loob ng anim na taon na iyon, akala ko kilala ko na ang asawa ko. We have two wonderful kids, Lila at hindi parin siya nagbago. Kahit siguro bigyan ko pa siya ng sampu o isang doseng anak. He doesn't changed." ramdam ko ang lungkot sa boses ni Rose ng oras na iyon. Alam ko naman iyon. Alam ko ang kwento ni Rose. Isa siya sa mga taong pumigil sa akin na pakasalan ko kaagad si Primo dahil sinabi niya na dapat ko raw muna kilalanin iyong tao, pero di ko siya pinakinggan. Pinakinggan ko ang nilalaman ng puso ko. Maybe, her relationship didn't end well. Siguro nasanay na siya sa ganoong sitwasyon kaya patuloy siyang niloloko ng asawa niya pero kung mangyari man ito sa akin? Sa aming dalawa ni Primo, i don't think I'll do the same thing. Hindi ako tatahimik. He make my life miserable, well I'll make their life miserable too. Alas otso na nang gabi umuwi si Primo galing sa trabaho. Dapat mga alas singko o ala-sais ay nandito na siya sa bahay, ayokong isipin na nasa ibang bahay siya nagpahinga ng ilang oras. Ayokong mapraning lalo na nagdadalang tao ako kaya inalis ko muna sa isip ko ang mga posibilidad na niloloko ako ng asawa ko. He looked exhausted. Umupo siya sa couch at kaagad na humiga at ipinikit ang mga mata. Lumapit ako para tanggalin ang suot-suot niyang sapatos, maging ang uniporme niya saka niya ako niyakap at hinagkan saka sinimulang halikan sa leeg. Nagpumiglas ako at sinabi ko na ang baho ko. Kakatapos ko lang din kasing magluto ng oras na iyon at hindi pa ako nakakapagpalit ng damit o makaligo. Tinignan niya lang ako ng masama nang hindi nagsasalita tapos tumayo siya at pumasok sa loob ng kwarto namin. Napakagat ako ng labi ko at bumuntong hininga nalang habang pinupulot ko ang mga nagkalat na gamit at damit niya sa lapag at pinasok ito sa loob ng kwarto at inilagay sa maruming basket ang mga damit na nagamit niya at laking gulat ko nang nakahubad na siya sa harapan ko ng minutong iyon. "Primo?" "Make love to me, Lila." napalunok ako ng laway ko habang pinagmamasdan ko ang magandang hubog ng katawan ng asawa ko. Pero pinigilan kong muli ang sarili ko. "Primo, pagod ka na. Maligo ka na at kumain saka magpahinga, okay?" I can see the disappointment in his face right after kong sabihin ang mga sinabi ko. Then he slammed the bathroom door at nanlaki ang mga mata ko sa inasal niya. Hindi na siya lumabas after niyang maligo. Natulog na kaagad siya, kaya niligpit ko nalang ulit iyong mga hinain ko sa hapagkainan at inisip na baka nagtatampo siya sa akin dahil sa mga sinabi ko. Kaya nang tumabi na ako sa paghiga sa kaniya and trying to make the first move, pumiglas siya at sinabi niya na maaga pa raw ang duty niya bukas. Saka siya tumalikod sa akin. Habang ako, tulala ng minutong iyon at hindi ko alam kung paano umusad sa nangyaring iyon. Kinabukasan, maaga akong nagising mga alas singko pero paggising ko wala na si Primo sa tabi ko. Inisip ko baka naliligo na siya pero ng tingnan ko siya sa banyo ay wala naman siya doon. Lumabas ako ng kwarto at wala din siya doon. Kaya muli akong bumalik sa loob ng kwarto upang kunin ang cellphone ko sa ibabaw ng side table at sinubukan kong tawagan pero ring lang ng ring ang cellphone niya. Hanggang sa nakaramdam ako ng kirot sa tiyan ko at nahihirapan akong huminga. Tinawagan kong muli ang number ni Primo pero patuloy lang ito sa pagring. Hanggang sa nainis na ako at hinagis ko ang cellphone ko sa kung saan at napasigaw ako sa sobrang sakit. Sigaw ako ng sigaw ng oras na iyon hanggang sa may narinig akong boses ng lalaki sa labas ng bakuran. Sumilip siya sa may bintana at naaninag ko ang mukha niya. Nagmumukhaan ko siya, anak siya ng kapit-bahay namin na si Mrs. Tamayo, Si Rence. Pinilit kong tumayo kahit hirap na hirap ako makarating lang ako sa may pintuan hanggang sa nahawakan ko na ang door knob at pinihit ito paikot at bigla itong bumukas pumalakda ako sa sahig ng bitawan ko ang door knob at nakita ko ang sapatos ni Rence sa harapan ng mukha ko at bigla nang nandilim ang paningin ko. Nang muli kong idilat ang mga mata ko, inaasahan kong si Primo ang unang masisilayan ko, ngunit hindi. Si Rence ang nasa tabi ko. Nakaupo sa may couch habang hawak-hawak ang kaniyang cellphone. Nang mapansin niyang tila nagising na ako, para siyang nataranta at kaagad na lumapit. Tinanong ako kung kamusta ang pakiramdam ko. Siyempre sinabi ko na medyo nahihilo pa ako at nang tingnan ko ang paligid ng kwarto, doon ko lang napagtanto na dinala pala ako ni Rence sa hospital. "Do you want me to call the doctor?" sabi niya sabay kamot ng kaniyang batok ng minutong iyon. Namumula pa ang pisngi niya habang kausap ako. Kaya hindi ko naiwasang mapangiti tapos napangiti na rin siya. "Nasaan ang asawa ko?" tanong ko kay Rence. Umiwas siya ng tingin saka niya ako inalok ng inumin o prutas. Para bang nais niyang baguhin ang dapat naming pag-usapan. "Rence, nasaan ang asawa ko?" madiin na tanong ko sa kaniya ng minutong iyon. Hanggang sa napansin kong tila kakaiba na ang galaw ni Rence ng minutong iyon, tila hindi siya mapakali at para bang may nais siyang sabihin na pinipigilan niyang sabihin sa akin. "Rence, ano ba? Ano bang nangyari?" Hanggang sa hinawakan ko nag tiyan ko at para bang wala na akong maramdaman sa loob ko. Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na may sugat ang tiyan ko at tila para bang galing ako ng operasyon at napatingin ako kay Rence at tumulo ang luha sa mga mata niya. Doon ko lang naramdaman ang sakit. Biglang otomatikong kumirot ang tiyan ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak at magwala ng minutong iyon hanggang sa pumasok na ang mga nurse at ang doktor na nag-asikaso sa akin kanina at inutusan niya nag nurse na turuan ako ng pampakalma hanggang sa naramdaman ko na may tumusok sa braso ko at napalingon ako kay Rence na umiiyak ng oras na iyon. Unti-unting nanghina ang katawan ko, at dahan-dahan na tumitiklop ang talukap ng mga mata ko hanggang sa wala na akong muling makita kundi ang kadiliman. …
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD