CHAPTER 2: Sensation

1466 Words
"Ahm... O-Okay lang ako. S-Salamat." Kaagad na akong umayos nang aking pagkakatayo. Binitawan na rin naman niya ako pero nanatili sa akin ang kanyang paningin at tila pinag-aaralan ang aking kabuuan. "Are you sure? Ano 'yang nasa pisngi mo?" "Ha?" Bahagyang nanlaki ang aking mga mata. Alin kaya ang tinutukoy niya? Huwag niyang sabihing napansin niya kaagad ang mga tigyawat ko?! Nakakahiya! "Yang nasa pisngi mo." Bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan nang bigla niyang hinawakan ang aking baba at ipinaling sa kaliwa. "Pasa ba 'yan?" "H-Ha--aw!" napadaing ako nang bigla niyang pisilin ang isang bahagi sa aking pisngi. "See? Pasa nga. Saan galing 'yan? You also have on your arm." Sa kanang braso ko naman ngayon siya nakatingin. "H-Ha? Ahm... w-wala 'to. Nadapa lang ako kahapon." Hinaplos-haplos ko ang aking braso na nakita kong may pasa nga. Marahil ito 'yong mga tinamaan ng kahoy kahapon na ginamit ni tatay kay June. "Mukha ngang wala kang sustansya dahil sa katawan mong napakanipis kaya kaunting tabig lang sa 'yo, hahagis ka na kaagad sa malayo." "Sobra naman 'yon, napaupo lang naman ako kanina," nakanguso kong sagot. "Sino ba kasing tinitingnan mo do'n?" Sinulyapan niya ang booth na kinaroroonan niya kahapon at saka muling bumaling sa akin habang may kakaibang ngiti na naman sa kanyang labi. "Ha? Ahm... w-wala. N-Naghahanap ako ng isda." Guwapo at matabang isda. "Hmn... Akala ko ako ang hinahanap mo," nakangisi niyang saad. Kaagad namang umakyat ang dugo sa aking pisngi kaya napabaling ako sa ibang direksyon. "H-Hindi, ah. A-Ang totoo, n-naghahanap ako ng pwede kong pasukan dito. K-Kailangan ko kasi ng trabaho." Napayuko ako dahil hindi ko mapigilang makaramdam ng hiya. "Anong trabaho? Tindera? At saka, parang ngayon lang kita nakita dito." "Oo sana o kahit ano." Bigla siyang nag-cross arms sa aking harapan at muling pinagmasdan ang aking hitsura. "Ano naman ang kayang gawin ng ganyang klase ng katawan?" Napalunok ako sa klase ng kanyang pagtitig sa akin. Napalingon din ako sa paligid at ngayon ko lang napansin na lahat sila ay nakatutok na sa amin ang paningin at halos lahat ng mga babaeng naririto ay matatalim na ang pagkakatitig sa akin. "Aaah.." Bigla akong na-tense at pinagpawisan ng malapot. Alam ko namang siya ang boss dito hindi lang halata dahil sa suot niyang mukhang kargador. Sira-sira ang manggas ng kanyang black shirt gano'n din ang suot niyang pantalon samahan pa ng hikaw sa kaliwa niyang tainga at nakasuot lamang ng tsinelas ang kanyang mga paa. Pero hindi naman iyon nakabawas sa taglay niyang kakisigan at kaguwapuhan. Mas lalo pa nga itong pinatingkad ng simple niyang postura. Mas lalo lang siyang nakaka-akit sa paningin ng lahat ng mga kababaihang naririto. Pero wala ba siyang opisina dito para naman magkaroon kaming dalawa ng privacy at formal na pag-uusap? "Done staring?" "Ha?" Bigla akong natauhan. "Ahm... s-sorry po." Napakagat ako sa aking labi. Seryoso na siya ngayong nakatitig sa akin at naglaho na ang kanina ay maganda niyang ngiti sa kanyang labi. Napaiwas na lamang ako ng tingin. "K-Kung wala, o-okay la--" "Aling Maria." "Po, Sir?" Bigla akong napalingon sa kanyang tinawag na nasa aking likuran. Isang matandang babae ang ngayon ay may hawak na malaking kalabasa. Nasa loob siya ng booth na tindahan ng mga gulay. "Hindi ba't naghahanap ka nang makakasama? Kunin mo na lang siya. Ako na ang bahala." "S-Sige po, Sir. Halika na babae," tawag sa akin ng matanda na may pangalang Maria. Siguro ay nasa edad sitenta na siya. "What's your name again?" Muli akong napalingon sa kanilang boss at nasa ganoon pa rin siyang posisyon habang nakatitig sa akin. "A-April po. April Anne Gomez," nakayuko kong sagot sa kanya habang hindi pa rin matigil sa malakas na pagkabog ang aking dibdib. "April. You can start now," walang emosyon niyang sabi at saka tuluyan nang tumalikod at nagtungo sa gitna ng tindahan ng mga isda. "Hoy, halika na. Ano pang itinutunga-tunganga mo d'yan? Huwag mo nang pagpantasyahan si Sir Charles dahil hindi mapapasa-iyo 'yan," masungit na sabi ni Aling Maria habang abala sa paghihiwa ng kalabasa. "O-Opo," sagot ko na lang at lumapit na rin sa kanyang booth. "Akala niya siguro ay maaakit niya at magugustuhan siya. Hmp! Imahinasyon niya ang limit." "Ke-bago-bago kung makatitig sa Charles natin." "Oo at nakuha pang magpa-cute. Jusko, patawarin siya. Nakita ba niya ang sarili niya sa salamin? Mukha siyang tigyawat na tinubuan ng mukha." "Tama ka d'yan, beshy." Napatiim-bagang ako nang marinig ko ang malalakas na pag-uusap at tawanan ng ilang kababaihan na tindera rin sa tabi namin na booth. "Hoy, April. Marunong ka bang maghiwa nitong mga gulay na ito? Para ito sa magiging pakbet. Pakbet ha, hindi kabet." "A-Alam ko po." "Kung gano'n, dito ka. Ikaw ang maghiwa dito." Umalis siya sa harapan ng mga tambak na gulay na kanyang hinihiwa sa mesa at ako naman ang pumalit. "Ahm... p-pwede po bang magtanong, aling Maria?" "Ano 'yon?" sagot niya naman habang ang ibang mga gulay naman ang kanyang inaayos. "M-Magkano po kaya ang m-magiging araw ko dito? A-Ang ibig kong sabihin, 'y-yong sasahurin ko po. H-Hindi po ba't kayo ang magpapasahod sa akin?" "Ako nga at lingguhan ako nagpapasahod. Libre ang almusal, tanghalian at hapunan. Mayroon tayong malawak at sariling kusina. Libre dahil dito lang din sa palengke natin kinukuha ang mga lutuin." "Gano'n po ba? Ang galing naman po. Sa ibang palengke ay wala namang ganitong libre." "Iyon ay napagkasunduan na gawin dito at lahat ay nag-aambag mula sa kanilang mga paninda. Yong mga hindi makaambag dahil mahina ang benta ang siyang nakatoka sa pagluluto at paghuhugas ng mga kinainan." "Aah... Ang galing naman po." Muli kong tinanaw ang kinaroroonan ng gwapong nilalang at napansin kong nasa ibang booth naman siya at doon tumutulong sa pag-aalok ng mga isda sa mga mamimili. Muli kong nasilayan ang napakatamis niyang ngiti sa labi. "Ah!" napadaing ako nang madaplisan ng kutsilyo ang dulo ng aking daliri. Kaagad itong dumugo. "Ano ba 'yan?! Magdahan-dahan ka naman! Saan-saan ka ba tumitingin?! Unang araw mo pa lamang ay problema na agad ang dadalhin mo sa akin!" "S-Sorry po, aling Maria. M-Masyado lang pong matalas ang kutsilyo," sagot ko habang hinihipan ang dulo ng aking daliri at hindi ko malaman kung saan ko ito ipupunas dahil sa dami na ng dugo at wala akong makita dito kahit na anong basahan. "Matagal ko nang ginagamit 'yan at ni minsan ay hindi pa ako nasusugatan!" Sa lakas ng tinig ni aling Maria ay naagaw na namin ang lahat ng atensyon ng mga taong naririto. "What happened?" Bigla na lamang sumulpot si Charles at dumungaw sa loob nitong aming booth. Kaagad kong ipinulupot ang laylayan ng suot kong bestida sa dumudugo kong daliri. "Naku naman, Sir. Heto namang babaeng ito. Tatanga-tanga naman, Sir! Unang araw pa lamang ay bibigyan na agad ako ng kunsumisyon!" "S-Sorry po, Sir. H-Hindi ko po sinasadya." Pakiramdam ko ay maiiyak na ako. Natakot ako at kinabahan ng sobra dahil siguradong kakaladkarin na nila ako palabas ng palengkeng ito. "Pahinging band aid," sabi niya sa ilang tinderang nakikiusyoso na sa amin. Halos palibutan na nilang lahat ang buong paligid ng booth. "Heto po, Sir." Isang babaeng kita ang puno ng dibdib ang nag-abot sa kanya at halos isiksik pa niya dito ang kanyang sarili. Mabilis naman niyang kinuha ang band aid sa kamay nito at pumasok dito sa loob ng booth at lumapit sa akin. "Give me your hand," mahina niyang ani habang nakahayin sa aking harapan ang kanyang kamay. "S-Sir, s-sorry po. Hindi na po mauulit. Huwag niyo po akong tatanggalin. Kailangan ko po ng trabaho," maluha-luha ko nang sabi sa kanya. "I said, give me your hand." "Sir, h-huwag na po. Magaling na po it--aah." Nagulat ako nang bigla niyang hinila ang aking braso kasabay nang pagtiim-bagang niya. Nakita kong namumutla na ang aking daliri at muling lumitaw ang dugo nito sa sugat dahil naalis sa tela ng aking bestida. Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang bigla niyang isubo sa kanyang bibig ang aking daliri at sinipsip ito. Nagkanya-kanya nang bulungan ang mga tao sa paligid. Ako naman ay natulala habang nakatitig sa ginagawa niya. Ang init ng loob ng kanyang bibig ay kakaibang sensasyon ang naghatid sa aking mga ugat at lamang-loob. Ramdam ko ang pagkapit ng kanyang dila sa aking daliri. Pinagpawisan ako ng malapot. Kumalat ang init sa buo kong katawan. Diyos ko, hihimatayin yata ako! Matapos niyang gawin iyon ay saka niya itinapal ang hawak niyang band-aid. "Follow me," walang emosyon niyang sagot saka walang lingong lumabas ng booth. Tulala ako at hindi pa rin makagalaw. Ramdam ko ang matalim na pagtitig nilang lahat sa akin at mga kanya-kanya nilang bulungan. "April!" "Po! Opo! Nand'yan na po, Sir." Nagkumahog na ako sa paglabas ng booth at hindi na lang pinansin ang mga intrigerang mga taong ito. Hmp! Mainggit kayo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD