Pumasok siya sa isang hallway. Nagmadali rin naman akong sumunod sa kanya. Sa gitnang bahagi ay huminto siya at binuksan ang isang pinto. Mas lalo akong nagmadali nang pumasok siya doon at hindi man lang ako nililingon.
Naabutan ko namang nakabukas ang pinto at dumadampi na ang lamig ng hanging nagmumula sa loob ng silid.
Natanaw ko siya sa loob na nakatayo at nakasandal sa harapan ng isang mesa habang hinihintay ang aking pagpasok. Nanatiling naka-cross ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib habang nakatitig sa akin.
"S-Sir..." Napakagat ako sa aking labi habang marahan na akong humahakbang papasok sa loob.
"Close the door," mahina niyang sambit.
Kaagad ko naman siyang sinunod.
"How's your finger?" mahinahon niya pa ring tanong sa akin. Saglit akong natigilan dahil ang inaasahan ko ay pagagalitan niya ako.
Tiningnan ko naman ang aking hintuturo na may balot na band-aid.
"Kaunting hapdi na lang po, Sir. Sorry po ulit. Sana hindi niyo po ako paalisin," nakayuko kong sabi sa kanya.
"Stop calling me sir. Just call me Charles." Umikot siya sa mesa at naupo sa isang swivel chair. Ako naman ay natigilan.
"C-Charles? P-Pero sir po ang tawag nila sa inyo."
"Don't you want to be my friend?" tanong niya habang may kinukuha sa drawer ng mesa.
Bigla naman akong napangiti. "Siyempre, gusto po," masigla kong sagot.
Napalapit na rin ako sa mesa at naupo sa upuang nasa tabi nito.
"Drop the po. Sinabi mo sa akin na kahit anong trabaho, kaya mo. Anong nangyari?"
Muli akong napasimangot. "Dumulas lang naman 'yong kutsilyo sa kamay ko, eh. Hindi ko naman sinasadya."
"Sanay ka nang nasasaktan ang sarili mo?"
"Ha?"
"You still have bruises on your arm and face, and now you've even added a wound to your finger."
"Hindi ko naman gusto 'yon," mahina kong sagot at hindi ko mapigilang mapanguso. Para akong batang pinangangaralan ng matanda.
"Change your clothes." Isang white shirt ang ibinaba niya sa mesa na malapit sa akin. Natulala naman ako habang nakatitig doon.
"H-Ha? P-Papalit ako?"
"Yes."
"Naku, hindi na, Sir--e-este, Charles." Napangiti ako ng alanganin. "Maayos naman ang damit ko, eh," kaagad kong pagtanggi kahit nagugulat ako sa mga iniaasta niya.
"There are blood stains on the hem of your dress. Gusto mo bang umuwi nang ganyan ang hitsura mo?"
"P-Pero k-kon--"
"No buts. Just go to the restroom and change," pinal niyang sabi at mukhang wala akong magagawa kapag siya na ang nag-utos.
"N-Nakakahiya, eh, pero sige kung mapilit ka." Dinampot ko na ang shirt at tumayo. "T-Teka, sa iyo ba ito?"
"No."
Bigla akong nadismaya. "Hindi? Sayang naman," bulong ko sa aking sarili.
"May sinasabi ka?"
"Ahm... p-pwede bang palit na lang tayo?"
"What do you mean?" kunot-noo niyang tanong sa akin.
"Di ba, friends na tayo? Sinabi mo 'yan."
"So?"
"Soooo... p-pwede palit na lang tayo. I-Ito na lang ang sa iyo tapos ako na lang ang susuot niyang sa iyo."
Bigla niya akong sinamaan nang tingin.
Muli akong napangiti ng alanganin. "S-Sabi ko nga ito na lang."
Nagmadali na akong pumasok sa banyo na itinuro niya sa gilid. Narito lang din naman sa loob ng kanyang opisina.
Napapaisip na lang ako kung ganito ba niya talaga itrato ang lahat? Baka nag-a-assume lang ako na special ang pagtrato niya sa akin dahil ayaw niyang tawagin ko siyang sir, hindi katulad ng iba.
Pero nakikita ko naman kung gaano siya kagiliw sa harapan ng lahat ng empleyado dito sa loob ng palengke maging sa lahat ng mga customer. Oh, baka gano'n lang talaga siya. Kung gano'n, kawawa naman ang lahat ng babaeng mahuhulog sa kanya.
Kailangan ko yatang patigasin ang puso ko. Ang kailangan kong itatak sa isipan ko ay ang mga kapatid ko. Sila lamang. Para sa kanila itong mga gagawin kong hakbang.
Matapos kong magbihis ay muli na akong lumabas ng banyo. Mabuti na lamang pala at medyo mahaba ang suot kong maong short. Umabot ang haba nito hanggang sa itaas ng aking tuhod. Maganda pa ring tingnan at simple kahit may kaluwagan sa akin ang shirt.
Sigurado ba talaga siyang hindi sa kanya ito? Eh, bakit parang kapareho ng amoy niya ang pabango nito at saka mukhang kasyang-kasya sa kanya, eh.
Naabutan ko siyang may kausap sa phone ngunit kaagad na rin siyang nagpaalam sa kung sino mang kausap niya nang makita niya ako. Napansin ko ang pagmasid niya sa aking kabuuan.
"Perfect. Take a seat."
Napangiti naman ako sa kanyang sinabi at mabilis na naupo.
"Anong tinapos mo?" tanong niya na ikinatigil ko.
"H-Ha?"
"What course or program?"
Tumitig siya sa akin na tila naghihintay ng aking isasagot. May isang papel sa kanyang harapan at isang ballpen ang kanyang hawak.
"C-Course? ... Program?"
"Yes. I'm planning to just put you in the mall across the street dahil mukhang hindi mo kakayanin ang trabaho dito--"
"Kaya ko!" bigla akong napasigaw. "S-Sorry," paghingi ko kaagad ng pasensya dahil mukhang nagulat siya sa ginawi ko. "H-Hindi ako nakatapos, wala akong tinapos k-kaya hindi ako bagay doon," nakayuko kong sagot.
"I can still put you there even if you haven't finished your—."
"Ayoko. Ayoko doon. Dito lang ako sa'yo."
"Hindi ba kailangan mo ng pera? Mas malaki ang sasahurin mo kung naroon ka."
"Ayoko pa rin. Lamigin ako. Hindi ako sanay sa aircon."
May bagay na dinampot siya sa gilid ng mesa at pinindot habang nakatutok sa kanyang ulunan. Napahabol ako ng tingin doon nang ibalik niya muli ito sa gilid ng mesa at nakita kong remote control iyon.
Nawala na rin ang hugong ng aircon at humina na rin ang lamig dito sa loob.
"P-Pasensya na, p-pwede mo namang buhayin, eh."
"It's okay."
Hindi na siya muling nagsalita at maya't maya ang buntong hininga. Hindi ako pwede doon dahil malalayo ako sa kanya at mahihirapan akong makahanap ng pagkakataon na mapalapit ako sa kanya.
"Wala akong maisip na magaang trabaho na babagay sa iyo dito."
Nanahimik ako at hindi nakasagot. Pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako dahil napakahirap naman talagang maghanap ng trabaho lalo na't hindi ako nakatapos ng pag-aaral.
"Follow me." Tumayo na siya at nagtungo sa pinto.
"Charles, ayoko doon, ha." Kung makatawag ako sa pangalan niya, para bang close na close na kami.
Hindi naman siya sumagot hanggang sa makarating kami sa tindahan ng mga frozen meat, hotdogs, langgonisa at mga kung ano-ano pa. Ramdam ko na naman ang pagtitig sa akin ng lahat.
"Aling Tess, isama mo na lang si April dito sa 'yo. Taga-benta at taga-kilo."
"Sige, Sir. Wala pong problema sa akin," nakangiting sagot naman ng babaeng siguro ay nasa singkwenta na ang edad.
"Huwag ka nang mag-alala. Ako na ang magpapasahod sa kanya."
"Ay, gano'n po, Sir? Naku, nakakahiya naman po sa inyo. Bibigyan ko na lang din po siya kahit papaano."
"Ikaw ang bahala. Okay na sa iyo 'to?" baling niya naman sa akin na kaagad kong tinanguan dahil mas malapit ito sa tindahan ng mga isda.
"Kaya ko na po ito, Sir. Salamat po," nakangiti kong sagot sa kanya at tanging pagkindat na lamang ang isinagot niya sa akin bago umalis.
Pakiramdam ko ay naputol ang pagkakakawit ng aking bra sa likod.
"Oh, halika na. Tandaan mo na lang ang mga ituturo ko sa iyo, ha."
"Opo. Salamat po sa pagtanggap sa akin."
"Walang anuman basta ayusin mo lang ang trabaho mo."
"Pangako po."
Mukhang mabait naman si Aling Tess at maayos niyang ipinaliwanag sa akin ang mga gagawin ko. Ang mga presyo ng paninda at tamang pagkilo kaya madali ko lang natandaan ang lahat.
***
Lumipas ang maghapon na busog ang aking mga mata sa pagtanaw kay Charles na abala sa pagtitinda ng isda at pagtulong sa iba. Malaking katanungan sa akin ang ginagawa niyang ito.
Isa siyang bilyonaryo. Napaka-imposible niya. Gano'n na ba siya kadesperado na makahanap ng babaeng katulad ng kanyang ina upang mapangasawa niya. Parang gusto ko na rin makita at makilala ang kanyang ina.
"Maraming pagkain sa canteen, baka gusto mong mag-uwi?" ani aling Tess na ngayon ay nagbibilang na ng pinagbentahan.
"Talaga po?!" gulat kong tanong sa kanya.
"Oo naman. Lahat maaaring mag-uwi kapag may mga natira. Kaysa masayang ang mga iyon."
"Titingnan ko po kung meron."
"Oh, sige. Heto na ang one hundred fifty. Pasensya na kung 'yan lang. Kakaunti lang ang sumobra sa puhunan at pangdagdag lang sa renta natin dito ang iba."
"Naku malaking bagay na po ito, Aling Tess. Maraming-maraming salamat po."
Kakaibang ligaya ang naramdaman ko dahil kung araw-araw ay ganito, kahit papaano ay maitatawid ko na sa gutom ang mga kapatid ko.
***
Masaya akong umuwi nang gabing iyon bitbit ang perang kinita ko at pagkaing sobra sa canteen. Iniwanan din ako ng five hundred pesos ni Charles kay aling Tess kaya naman abot-abot ang aking saya. Hindi na kami nagkita kanina matapos kong kumuha ng pagkain sa canteen.
"Tatay, huwag po! Ayoko po! Huwag mo po akong ipamigay!!!" Malayo pa lang ay naririnig ko na ang palahaw ng aking mga kapatid.
May napansin din akong ilang tao sa labas ng aming barong-barong.
"Tay?!" napasigaw ako at mabilis tinakbo ang daan makarating lang kaagad sa amin.
"Tatay, ayoko po! Dito lang ako. Huwag niyo po akong pamigay!"
"Manahimik ka!" Inabutan ko ang pagsampal ni tatay ng malakas sa pisngi ni Novem habang bitbit niya ito sa braso.
"Tay, tama na po!" Nabitawan ko sa sahig ang pagkain kong dala at mabilis inawat si tatay mula sa pagkaladkad niya kay Novem na pang-siyam sa aming magkakapatid.
"Ito na lang ang paraan para magkaroon naman kayo ng pakinabang sa akin!"
"Tay, parang awa niyo na! Huwag niyo pong gawin 'yan. May trabaho na po ako. Ito po ang perang kinita ko kanina." Umiiyak kong dinukot sa aking bulsa ang one hundred fifty pesos at iniabot sa kanya.
"Eh, tangina mo pala, eh! Saan ko dadalhin ang perang 'to! Ako ba pinaglololoko mo?!"
"Ah! Tay--uhmmn..." Hinawakan niya ng mahigpit ang aking baba at pinisil. Naramdaman ko ang pagpasok ng kanyang kamay sa bulsa ng suot kong short.
"Pinagtataguan mo pa ako ng pera, babae ka?!" Sinapak niya ako nang pagkalakas-lakas kaya naman humagis ako at tumama ang ulo ko sa dingding ng aming bahay. Bahagyang nagmanhid ang aking ulo at batok.
"P-Pagkain po 'yan ng mga k-kapatid ko, tay." Napahagulgol na ako sa sulok. Kaagad naman nagsilapitan sa akin ang mga kapatid ko at niyakap ako.
"Sa susunod na pagtaguan mo pa ako ng pera! Pagbabayarin ko ng malaki ang mga kapatid mo! Tandaan mo 'yan! Mga wala kayong kuwenta!"
Mabilis siyang nagmartsa palabas ng bahay. Wala na kaming nagawa kundi ang tahimik na lang na lumuha.
Nagmistula kaming alipin ng sarili naming ama.