CHAPTER 4: Beautiful

1450 Words
Ilang beses muna akong huminga ng malalim bago napagdesisyunang katokin ang pinto ng opisina ni Charles. "C-Charles?" "Come in," dinig kong sagot niya mula sa loob. Napangiti ako at kaagad binuksan ang pinto. Naabutan kong kumakain siya ng umagahan sa kanyang mesa habang nakaharap sa computer. "Naku, pasensya na po. Kumakain pala kayo. Mamaya na lang p--" "No, c'mon. Samahan mo na akong mag-breakfast." Natigilan ako mula sa tangka kong pagsara ng pinto. "Pero kumain na po ako, Sir." "Charles," bigkas niya sa kanyang pangalan habang ang kanyang paningin ay nakatutok pa rin sa computer. "Ahm... C-Charles." "Halika na. Kumain ka ulit para may kasalo ako." Iniusog niya sa gilid ang isang mangkok na may lamang lugaw. Lugaw? Kumakain din pala siya ng ganyan? "Ahm... I-Isosoli ko lang sana itong t-shirt mo. Huwag kang mag-alala, nilabhan ko na 'to," sabi ko habang lumalapit sa kanya. "Sa iyo na lang 'yan." "Ha? S-Sa akin? Naku, nakakahiya naman... Pero sige, kung pipilitin mo ako." Nakita ko naman siyang ngumiti. "Kainin mo na 'to para madagdagan naman 'yang laman mo." Nilagyan niya ng isang extra na kutsara ang mangkok na ngayon ay nasa aking harapan. "Baka kulangin ang almusal mo." Umupo na rin ako sa silyang nasa harapan ng mesa. "I had breakfast earlier in the canteen. Naamoy ko lang kasi ito d'yan sa nadaanan kong karinderya. Hobby kasi ni mommy na paglutuan kami ng ganito. And because she's good at it, it has also become our favorite," nakangiti niyang saad habang patuloy sa pagkain. "Talaga po? Ang simple naman pala ng mommy niyo? Ang alam ko, pagkain lang ito ng mga mahihirap." Inumpisahan ko na ring kumain ng lugaw. "Sometimes, simple foods are even tastier than expensive ones. Besides, this is also my dad's favourite." "Ang swerte niyo po. Kumpleto pa kayo sa mga magulang at mukhang may masayang pamilya." "What do you mean?" "Aah, wala po. Nai-imagine ko lang ang pamilyang mayroon kayo," nakangiti kong sagot pero sa loob-loob ko ay naiinggit ako. Sana lahat may kumpleto at masayang pamilya. Perpekto ang buhay na mayroon siya. Yaman at pamilya, Wala na siyang hihilingin pa. "What's on the side of your neck?" "Ha?" Napansin kong nakatitig siya sa aking leeg. "Galos ba 'yan? Pasa?" kunot-noo niyang tanong. Kaagad ko namang inayos ang aking buhok at inilagay sa magkabila kong balikat para matakpan ang mga pasa ko doon. "Hindi po. Nagkatuwaan lang ang mga kapatid ko. Sinakyan nila ako sa batok kagabi." "Ilang taon na ang mga kapatid mo?" "Maliliit pa po kaya mas lulong pa sa paglalaro. Kayo po, ilan kayong magkakapatid?" baling ko kaagad sa kanya ng usapan. "We are six siblings in our family. Masipag silang gumawa, eh." Kinindatan niya ako habang nangingiti na naiiling. Hindi ko maiwasang kiligin dahil sa lakas ng karisma niya. Nakadagdag pa ang bilog niyang hikaw sa tainga na may kumikinang na bato sa gitna. "Sino po ang panganay? Ikaw ba?" tanong ko ulit. Sa tingin ko naman ay ayos lang sa kanya ang tinatanong siya. "Aha. What do you think my age is now?" Nakangiti siyang tumitig sa akin habang naghihintay ng sagot. Hindi ko naman mapigilang mailang. Naiilang ako dahil naco-conscious ako sa mukha ko na may mga tagiyawat. "Ahm... h-hindi ako manghuhula pero kung titingnan p-parang n-nasa twenty ka lang? T-Tama ba? Oh, baka nineteen." Bigla naman siyang natawa. "Gano'n na ba kabata tingnan ang mukha ko para mapagkamalan mong nineteen?" nakangisi niyang tanong sa akin. Sa mga sandaling ito ay nagrarambulan na ang mga lamang-loob ko, maging ang puso ko. "H-Hula nga lang, 'di ba?" "Alright. I'm turning twenty-four. How about you?" "T-Twenty-four? Ahm, e-eighteen pa lamang po ako." "Oh, is that so? I thought you were twenty-five." Napanganga ako sa kanyang sinabi. Sa huli ay bigla naman siyang tumawa. "Joke lang, parang iiyak ka na, eh." "Ahm--hindi po." Tumawa na lang din ako ng mahina. Gano'n talaga kapag hindi maganda. Napagkakamalang matanda na. Tsk. "Anyway, among my siblings, there's only one woman, and she’s the youngest. So, she’s like a princess if we consider her that way." "T-Talaga? Wow, ang galing naman. Halos puro lalaki pala kayo at iisa lang ang babae. Ilang taon na 'yong mga sumunod sa inyo?" "Twenty-two, twenty, eighteen, sixteen and fourteen." "Lahat pala kayo ay dalawang taon lang ang naging pagitan. Baka may plano pa silang dagdagan kayo at maging dose rin." Mas lumakas pa ang kanyang pagtawa kaya naman litaw na litaw ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin. "Maybe, bahala na sila. Wala namang kaso sa akin 'yon dahil masipag naman silang pareho mag-alaga ng baby," sabi niya habang kumikinang ang kanyang mga mata. "Ang swerte niyo po." Muli ko nang ipinagpatuloy ang aking pagkain upang maibsan ang nag-uumpisang paninikip ng aking dibdib. "Ahm... m-may isa pa po akong tanong." "What is it? I already told you to drop the word 'po.'" "Ahm... sorry. H-Hindi na." "Anong itatanong mo?" "Aahm..." Napakamot ako sa aking ulo. Nakakahiya na talaga itong gusto kong itanong sa kanya. Baka lang iba ang isipin niya. "What? Nanahimik ka na." "W-Wala. Nakalimutan ko na." Biglang nagbago ang isip ko. "Agad-agad? Ano nga?" "W-Wala. Nakalimutan ko na talaga. Sige na, salamat sa almusal at dito sa t-shirt mo. Siguradong hinahanap na ako ni aling Tess." Mabilis na akong tumayo at hindi na hinintay ang kanyang sagot. *** "Aling Tess, pwede po bang magtanong?" Si aling Tess na lang talaga ang naisip kong tanungin lalo na't siya naman ang mas nakakakilala dito kay Charles at mas nalalaman ang mga ikinikilos dito. "Ano 'yon?" sagot naman niya habang nagre-repack sa plastic ng mga langgonisa matapos niyang itong ikilo. "Aah... t-tungkol po kay Charles. Este kay sir Charles." Napakagat ako sa aking dila. Haayst. Baka isipin pa nitong wala akong galang sa aming amo at feeling close na ako. "Ano ang tungkol kay Sir Charles?" "Mayroon na po ba siyang girlfriend o nililigawan dito?" matapos kong itanong iyon ay bigla ko namang natanaw si Charles na naglalakad sa hallway patungo sa aming lugar. "Naku, ay wala pang kasintahan iyan. Hindi ko rin alam kung bakit sa dami naman ng mga magaganda dito ay mukhang wala pa siyang natitipuhan. Mga babae na nga ang nagpapapansin sa kanya dito." Para namang nagdiwang ang puso ko sa aking narinig. "Ate, pwede po bang magpabarya? Pasensya na po, naubusan ako ng panukli, eh." Napalingon ako sa babaeng lumapit sa aming booth na may hawak na isang libo. Sa tingin ko ay nasa edad bente pa lamang siya. Napatitig ako sa kanya dahil sa napakakinis at maganda niyang mukha. Napaka-giliw pa niyang ngumiti. "Aling Tess, meron po ba tayong pambarya sa kanya?" baling ko naman kay aling Tess ngunit ang aking paningin ay na kay Charles na ngayon ang nakatitig din sa amin. Hindi ko masabing sa akin o sa babaeng nasa harapan ko. Nagsisimulang lumakas ang kabog ng puso ko. "Sandali lang at titingnan ko," sagot naman ni aling Tess. Ilang dipa na lamang ang layo ni Charles sa aming kinaroroonan. "Heto na. Tag-i-isang daan ito," sabing muli ni aling Tess kaya napalingon na ako sa kanya. Kinuha ko ang perang tag-iisang daan mula sa kanyang kamay. "Hey, beautiful. How's your first day?" Sa pagbaling kong muli sa babae at naabutan kong magkaharap na sila ni Charles. "Charles, okay naman. Salamat ulit sa pagtulong mo sa akin kanina," magiliw na sagot sa kanya ng babae habang todo ngiti at bahagyang namumula ang kanyang pisngi. "Wala 'yon, basta ikaw," nakangiting sagot din naman ni Charles sa kanya kasabay nang marahang pagpisil niya sa pisngi nitong namumula. "Ang humble mo talaga." Bahagyang hinampas ng babae ang braso ni Charles. Hindi naman maalis-alis ang pagkakatitig ni Charles sa mukha ng babae. "Eherm. H-Heto na ang barya sa isang libo mo," agaw-pansin ko sa kanila sa mahinang tinig. Kaagad din namang bumaling sa akin ang babae. "Salamat." Iniabot niya sa akin ang buong isang libo at kinuha naman ang mga tag-iisang daan sa aking kamay. Hindi na ako sumagot pa. "Dito na ako, Charles. Salamat ulit, ha. Pwede ba tayong magsabay sa pagkain mamaya?" "Sure." "Ayiiieee! Excited na ako." Animo'y sinisilihan ang tinggil ng babaeng ito bago tumalikod at nagtungo sa katabi namin na booth. Napalingon ako kay Charles at hanggang ngayon ay nakatitig pa rin siya sa babaeng iyon. Gano'ng kilos ba ng babae ang gusto niya? Gano'n ba ang mommy niya noon sa daddy niya? Parang hindi ko kaya. "She's really beautiful and cute," usal ni Charles sa kanyang sarili habang nakangiti at nakatanaw pa rin sa babaeng iyon. Tumalikod na lang ako at napakagat sa aking labi. Ramdam ko ang pagkirot ng aking dibdib. Oo naman, maganda talaga siya. Makinis at maputi. At walang-wala akong panama do'n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD