"Uno, hindi mo sinabi sa akin na nagtatrabaho ka na pala sa palengke, ah. Kaya pala ilang araw na kitang hindi napapansin," ani Weng habang nagsasabon ng kanyang mukha at naliligo sa aking harapan.
Ako naman ay abala sa pagbomba ng tubig dito sa poso na nasa labas lang ng aming mga barong-barong at nakasahod ang isa kong timba.
"Oo. Pasensya na kung hindi ko naipaalam sa iyo. Si Charles ang tumulong sa akin na makapasok doon bilang tindera."
"Charles?! Weeee?!" gulat niyang tanong habang puno ng sabon ang kanyang mukha at isang mata lamang niya ang nakadilat at nakatingin sa akin.
"Ssh! Huwag ka ngang sumigaw. Marinig ka pa ng mga tsismosang kapitbahay." Luminga ako sa paligid. Mabuti na lamang at wala pang gaanong tao dahil maaga pa naman.
"Anong ginawa mo? Paano nangyari 'yon? At saka, first basis agad-agad? Hindi ba't sir ang tawag sa kanya ng mga tindera doon?"
"Eh, 'yon ang gusto niya, eh." Hindi ko napigilan ang mapangiti. Tinitigan naman ako ni Weng nang may kahulugan.
"Ikaw ha, hmmn. Parang may naaamoy akong malansa."
"Tumigil ka nga. Hininga mo lang 'yon. Bilisan mo na d'yan at mag-toothbrush."
"Hmmnn... kapag ako may nabalitaan na lang d'yan isang araw. Hmmn.." Binigyan pa rin niya ako ng titig na tila ba namimintang o para bang may gagawin akong hindi maganda.
"Manahimik ka. Teka, ano ba 'yang sabon na gamit mo? Parang maganda 'yan, ah. Pampawala ba 'yan ng tigyawat?" Napansin ko ang hawak niyang sabon na kulay orange na ginamit niya sa kanyang mukha.
"Ay oo, best! Subukan mo ito, sobrang ganda at effective. Siguradong puputi, kikinis at mawawala ang 'yong mga tigyawat dito! Mabango pa at siguradong mai-in love na sa 'yo ang boss mong si Charles!" Lumapit siya sa akin at ipinagduldulan ang sabon sa aking ilong ngunit kaagad kong nailayo ang aking mukha nang manoot ang tapang ng amoy nito.
"P-Parang ang tapang naman niyan. Hindi ba mas lalong masira ang mukha ko d'yan? Ano bang sabon 'yan?"
"Ano ka ba naman?! Ganyan talaga ang kojic! Kung walang tapang 'yan, hindi 'yan eepekto. Lalo naman na sa mukha mo na bukod sa maitim, makapal ay puno pa ng butlig! Sige na, bumili ka na nito. Murang-mura lang sa akin. May diskwento ka pa." Laglag ang aking panga sa kanyang mga sinabi.
"P-Parang personalan na 'yon, ah."
"Hindi naman, best. Nililinaw ko lang sa 'yo ang katotohanan sa mukha mo."
"Gano'n? A-Ang ibig mong sasabihin, nagbebenta ka niyan?"
"Oo naman, no. Kailangan ko ring rumaket. Oh, ano? Ilan ba ang sa 'yo? Tatlo, lima?" tanong niya habang kumukutitap ang kanyang mga mata sa pagtitig sa akin.
Napangiwi ako. Kaya naman pala ang lakas mang-alok at manlait nito dahil siya ang tindera.
"Susubukan ko lang muna ang isa."
"Haayst. Tatlo- isang daan lang naman 'yan. Murang-mura."
"Isang daan?!" napasigaw ako sa gulat. "Ang mahal naman pala. Huwag na lang, pangkain na 'yon ng mga kapatid ko. Ipahiram mo na lang muna sa akin 'yang gamit mo na." Siya naman ngayon ang tila nalaglag ang panga.
"Haay, ang kuripot ng babae. 'Di ba't may trabaho ka na?" Napahinga ako ng malalim.
"Kinukuha ni tatay ang sinasahod ko. Kaunti lang ang naitatago ko para sa mga kapatid ko."
"Haaay. Sige na nga, sa 'yo na lang muna ito. Kakabukas ko pa lang naman niyan, eh. Basta sa susunod, bumili ka na, ha."
"T-Talaga?! Aaaay! Salamat, Weng-weng!" Napalukso ako sa tuwa at kaagad inagaw sa kanya ang sabon. Dumulas pa ito sa kamay ko at halos tumalon sa lupa.
"Anong weng-weng?! Ginawa mo pa akong ambulansya!"
Hindi ko na siya pinansin. Kaagad akong kumuha ng tabo at binasa ng tubig ang aking mukha. Ginamit ko na kaagad ang sabon at kinuskos ng mabuti ang aking pisngi.
***
Charles
"Anak, narito na kami sa mga lolo at lola mo. Anong oras ka uuwi dito? Naghihintay sa iyo si bunso."
"After lunch, Mom. Where's dad?"
"Narito na rin siya, anak. Hindi na kami nakadaan d'yan sa iyo dahil nagkakagulo ang mga kapatid mo sa sasakyan. Naiinis na ang daddy niyo."
"Bakit na naman?"
"Dahil sa mga dare-dare nila na 'yan. Natalo si Chloe at Chase kaya binura nila ang mga ml sa phone nila at one-week hindi pwedeng maglaro!"
Bigla akong natawa sa sinabi ni mommy na nasa kabilang linya ng telepono.
"Talagang magkakagulo ang mga 'yan," I said while I was inside my car. Katatapos ko lamang magtungo sa church dahil sunday ngayon at maaga akong nagsimba.
"Kuya, don't forget my pasalubong, ha. I miss you!" I heard Charlotte's shrill voice on the other end. She's the youngest of our siblings and the only girl.
"I miss you too, baby. Hindi ba't kayo ang dapat may pasalubong sa akin dahil kayo ang bagong dating? Baligtad na yata ngayon," I said as I started the engine of my car.
"Baka nakakalimutan mo ring birthday ko ngayon, ha at may utang ka pa sa akin!" Muli akong natawa dahil siguradong sa mga sandaling ito ay nagkakandahaba na naman ang nguso niya at pwede nang sabitan ng palayok.
Just last month, she received an award from the dance competition she participated in. Hindi ko alam na may talent pala ang bunso naming ito sa pagsasayaw.
Nag-celebrate sila at ako lang ang hindi nakarating. Bukod sa pag-aalaga sa market, ako rin ay na-assign na pamahalaan ang tatlong malls na itinayo ni Dad dito sa lalawigan ng Mindoro. Isa sa bayan ng Pinamalayan, isa dito sa bayan ng Socorro kung saan ako naroroon, at isa sa Calapan na malapit sa pier ng mga barko.
"Kuya!"
"Heto na nga po. Ano bang gusto mo habang naririto pa ako sa bayan?"
"Yesss! Bilhan mo na lang ako ng special na cake kasi mukhang wala naman d'yan ang gusto ko, eh."
"A'right." Sinimulan ko nang patakbuhin ang aking sasakyan.
"Bilisan mo, kuya, ha."
"Sige na nga po. I'm going to go there after I buy your cake."
"Take care, kuya! Mwaah! Mwaah!" Muli akong napangiti dahil sa kabibohan ng kapatid ko kahit malapit na siyang magdalaga.
Anyway, kahit naman big girl na siya ay siya pa rin ang nag-i-isang baby namin. Iyon ay kung hindi na siya masusundan. Mukhang hindi papaawat ang mga magulang namin sa pagpaparami sa amin. Tsk.
I turned off the phone line and went to the cake shop located in the mall. Since this town already has a shopping mall, the number of people here has also increased.
Marami ang nagkaroon ng negosyo at mga trabaho at siguro ay iilan na lamang ang nakakaisip na magtungo sa siyudad dahil naririto na rin naman ang mga hinahanap nila.
I just parked my car in front of the cake shop. Isang guwardiya ang nag-assist sa akin na malayo pa lamang ay nakaabang na sa aking pagdating.
After turning off the engine, I immediately exited the car.
"Good morning po, Sir. Gusto niyo po bang ako na ang maglipat ng inyong sasakyan?" magalang na alok sa akin ng guwardiya. Perhaps he was referring to the spot where only my car could park.
"No, thank you, Kuya. May bibilhin lang ako."
"Sige po, Sir." He smiled and nodded in response.
I immediately went to the shop and saw a few people inside. It's Sunday, and there are probably many people in town right now, just like earlier at the church. Kaya nga inagahan ko ang pag-attend sa misa.
I went inside; my eyes focused on their ube macapuno cake displays.
Siguradong magugustuhan ito ni Charlotte. Minsan ko na rin itong natikman at masasabi kong napakasarap nito.
***
I spent almost three minutes inside the shop waiting for the clerks to finish wrapping my ordered cake. While waiting, they asked me questions, and I learned the names of all the women shopping inside.
Ang hirap talaga maging pogi. Tsk.
Paglabas ko ay saglit akong natigilan at napakunot ang aking noo nang matanaw ko si April sa tapat ng isang SPA dito pa rin sa mall na kahilera ng cake shop.
Napangiti ako at naisipan kong lapitan siya, ngunit habang malayo pa lamang ako, nakita kong isang matandang lalaki ang lumabas din sa shop at lumapit kay April. I saw that the old man handed her a few hundred bucks.
Nakita ko rin ang ginawa nitong pagbulong kay April habang nakangiti.
April also smiled slightly and nodded at the old man. Tumalikod ang matanda at nagtungo sa kotse na nasa harap lang ng kanilang kinaroroonan.
"April?" tawag-pansin ko sa kanya.
Kaagad naman siyang lumingon sa akin at tila napatda sa kanyang kinatatayuan.
"C-Charles?! I-Ikaw pala. A-Anong ginagawa mo dito? K-Kanina ka pa ba d'yan?" I noticed her paleness and wondered if she was feeling unwell.
"Hey, are you alright? Ngayon pa lang naman. Kakakalabas ko lang sa cake shop," I said, unable to stop me from gently tucking a few strands of her hair behind her ear.
Tila nailang naman siya sa aking ginawa at hindi makatingin sa aking mga mata ng tuwid.
"Aaah... a-alis na ako. H-Hinihintay na ako ni aling Tess."
"H-Hey, wait!" I called out, trying to stop her, but she quickly fled.
"Sige na, Charles!" Tinawid niya ng mabilis ang kalsada patungo sa palengke na nasa tapat lang nitong shopping mall.
I just rested deeply. Gusto ko pa naman sana siyang isama sa amin.
What the hell is happening with that woman? And what was she doing here at this body massage spa? And that older man—who is he?