April “Nakatitig na naman siya sa akin! Oh my Gosh!” ani Jennifer, na animo’y sinisilihan ang pwet sa harapan ng aking tindahan habang pasulyap-sulyap kay Charles, na ngayon nga ay nakaupo sa isang tindahan ng mga prutas at tila nakatitig sa aming pwesto. Siya iyong magandang babaeng tindera sa tabi namin, at lantaran niyang ipinapakita ang malaki niyang pagkagusto kay Charles. “Sigurado ka?” tanong ko sa kanya. Medyo malayo ang kinaroroonan ni Charles kaya hindi ko talaga matiyak kung sino ang kanyang tinitingnan. “Oo naman, sa ganda kong ito?! Ako na yata ang pinakamaganda dito sa buong palengke! Ayaw niyang mawaglit sa kanyang mga mata ang kagandahan ko!” Napataas ang aking kilay sa kanyang sinabi at lihim akong napangiwi. “Aah, lakas ng hangin,” tamad kong sagot saka ko siya pai