"Weng, bakit naman ganito ang sabon mong 'to?! Nagtitiklapan ang mukha ko! Peke yata 'to, eh!" mangiyak-ngiyak kong sabi kay Weng habang naririto kami sa poso at sabay na naliligo. "Gaga! Natural, magtitiklapan 'yan! Sa kapal ba naman ng mukha mo, kulang pa nga 'yan, eh. Dapat nga, eh mga isang inches pa ang matuklap d'yan para kasama na rin ang mga laman-laman ng mga butlig mo!" "Sira-ulo. Tigyawat lang 'to, hindi butlig," nakanguso kong sagot habang inuumpisahan ko na muling sabunin ang aking mukha. "Ang ibig sabihin lang niyan, umi-epekto sa iyo ang sabon. Sa una lang naman 'yan. Basta ituloy-tuloy mo lang. Pasasaan ba't kikinis din 'yan at lalabas ang tunay na Dyosa at maiinlab na sa iyo ng bonggang bongga ang isang napakaguwapong Prinsipe ng palengke ng Socorro. Ayiikkkk!" Napasim