Charles "Kuya, linisan ko po ulit ang kotse niyo!" I suddenly looked out my car window and saw the little boy carrying a rag again. He started wiping every part of my car. To my knowledge, he's only ten years old. "Ikaw ulit?" I asked him with a smile. I turned to the gasoline boy, who was still finishing loading my car with gasoline. Noong isang araw ko pa siya napapansin dito sa gas station, inaabangan ang bawat sasakyang nagpapagasolina at inaalok ng paglilinis ng kotse. "Sige na po, Kuya! Para palaging malinis at makintab ang kotse niyo, at hindi madudumihan ang gelpren niyo kapag isinakay niyo siya dito!" masigla niyang sagot. Todo-ngiti pa siya kaya naman naglitawan ang kulang-kulang niyang mga ngipin. "Alright. Sige, galingan mo, ha," nakangiti ko muling sagot sa kanya. "Opo!