Fifth’s POV “Uriel! Buksan mo to! Mag-usap tayo! Please, babe… I miss your kiss. I miss your touch. I miss you inside me.” Mariing napapikit si Uriel at napayuko ng muling marinig ang sinabi ni Jelay. “Kunin mo na ‘ko Bro, please,” mahinang saad nito. “Wag ka kay Bro humiling, ‘di ka nababagay dun sa langit.” Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Babe naman…” I crossed my arms in front of my chest. Nanatiling masama ang tingin ko sa kanya. “Harapin mo na!” “Ayoko, babe…” “Pagkatapos mong labasan sa kanya, ayaw mo ng labasin? “Babe, naman. Pwede bang wag muna ngayon, babe?” Pakiusap nito sa akin. “Bakit? Dahil nandito ako? ‘Di mo malalandi?” Masungit na tanong ko sa kanya. “Hindi, babe,” sinubukan niyang abutin ang kamay ko ngunit umiwas ako. “Ikaw nga lang-” “Anong tawag mo d