Pareho kaming nagitla ni Uriel habang nakasunod ng tingin sa kakalabas lang na si Jelay ng ubod na lakas na sinarado nito ang pintuan ng unit. Niyanig ang buong unit sa lakas ng pagkakasarado niya. Sa kawawang pintuan yata binunton lahat ng galit, sakit at hinanakit na nararamdaman niya. Mula sa pintuan ay nalipat ang tingin sa akin si Uriel. He feels sorry. Tinaasan ko siya ng kilay at masungit na tinitigan. Nagpupuyos pa rin ang loob ko sa galit. “I’m sorry, babe-” ‘ “Uwi na ako,” di ko na siya pinatapos at mabilis na hinakbang ang mga paa patungo sa kanyang pintuan. “Babe! Sandali!” Kay bilis niyang hinuli ang isa kong kamay sabay hila sa akin padikit sa katawan niya. ‘Di na niya ako binitiwan at tila walang balak rin siyang bitawan ako. “Bitaw!” Sinubukan ko siyang itulak ngunit