Fifth’s POV I was watching How to Get Away with murder with Uno inside my unit. Hindi ko alam kung bakit nasa unit ko siya nanonood ng TV eh, may sarili naman siyang TV mas malaki pa nga yung kanya. Halus gabi-gabi na lamang pagkatapos niyang mag-aral ay sumasaglit siya rito para makinood ng TV sa akin. Hindi ko tuloy mapapunta-punta si Uriel dahil nandyan siya. Pakiramdam ko tuloy ay binabantayan pa rin niya ako kahit pa aprobado na nila yung relasyon naming dalawa. Nalipat ang tingin ko mula sa TV sa cellphone ko ng mag vibrate ito. Nang makita ko ang word na Babe ay napangiti ako. Umalis ako sa pagkakasandal kay Uno at lumayo hanggang sa pinaka-edge ng couch upang ‘di niya mabasa ang text message ni Uriel. Alam niyo na kahit lalaki ang kapatid ko pero nikikimarites pa rin ito sa love