Chapter Nine

1419 Words
Milcah`s POV “So, why are you here?” seryosong tanong sa `kin ni Ranger. Kakarating ko lang sa opisina niya a minute ago tapis `yan agad ang tanong. Hindi ba pwedeng umupo muna ako? Wala talagang manners ang isang `to. “Hindi pwedeng hayaan mo muna akong umupo? Napagod kaya ako sa byahe!” reklamo ko bago umupo sa visitor`s seat. Hindi siya tumingin sa akin dahil naka-focus lang siya sa laptop niya. Busy yata siya ngayon. “Anong gusto mong kainin?” tanong ko. Kunot-noo niya akong tinignan bago nagsalita. “What?” “Anong gusto mong kainin. Kukunin ko para sa `yo,” pag-uulit ko pa. “Are you trying to bribe me?” aniya na masamang nakatitig sa `kin. “What? No, hindi. Gusto ko lang namang tulungan ka para hindi ka masyadong ma-stress,” palusot ko pa. “Really?” mapanuring tanong niya. Kinakabahan talaga ako sa mga titig niyang `yan. Feeling ko kasi kinikilatis niya ang buong pagkatao ko. Ang awkward tuloy. “Oo nga. Baka may gusto kang ipagawa sa `kin? Like, help you with paperworks maybe?” I offered. “Can you actually do some paperwork?” he challenged me. “Anong tingin mo sa `kin, bobo at hindi nakapagtapos sa college? I graduated c*m Laude sa course kong Business Management!” inis sa sigaw ko. Ihampas ko pa sa mukha niya `yung mga awards ko noong studyante pa ako, e! Nakakainis, mukha ba akong walang alam sa paningin niya?! “If that`s the case then why did you chose modeling?” tanong niya sabay tingin sa akin. “Anong masama do`n? I pursued modeling because I that was my dream. Tsaka ko na lang mamanahin ang family business namin kapag ready na ako,” paliwanag ko naman. Pinayagan ako ng parents ko na sundin muna `yung pangarap ko bago ako magseryoso sa business namin. Ako lang kasi ang anak nila mommy kaya sa akin mapupunta `yung Lopez Inc. Since nasa mid-40`s pa lang ang parents ko, sila na raw muna ang bahala sa kompanya. “Spoiked brat,” he commented with a teasing grin. Kumulo na naman ang dugo ko. Wala talagang magandang lumalabas sa bibig ng isang `to. Gusto ko siyang tarayan pero `wag na lang dahil madadagdagan ang problema ko. “Alam ko. So ano nga? May ipapagawa ka ba? Akin na,” pag-iiba ko sa topic. “Review last month`s financial statement and make a report about it,” utos niya. Bigla akong nagsisi na nag-offer pa akong tulungan siya. Hindi ba pwedeng sa madaling task muna bago `yung mahirap? Alam ko namang sinasadya niyang pahirapan ako. Peke akong ngumiti sa kanya at kinuha ang hawak niyang makapal na folder. “Sure. Sisiw lang naman `to.” Bwiset talaga! Parang gusto kong ihampas sa kanya `tong financial statement na hawak ko. Sana lang bigyan niya ako ng time para makagawa ng report. “Kailan ang deadline, sir?” tanong ko. “Tomorrow,” walang emosyong sagot niya. “Ano?! Bukas agad?! Grabe ka naman hindi ba pwedeng next week?!” reklamo ko. He glared at me. “I want the report tomorrow.” Bumagsak ng mga balikat ko doon. “Pwedeng humingi ng extension?” pakiusap ko. Nag-puppy eyes pa ako sa kanya. Ginawa ko na ang lahat ng alam kong pagpapa-cute baka sakaling pumayag siya sa gusto ko. Matagal niya akong pinagmasdan. “Fine. I`ll give you three days,” aniya. “Yes! May puso ka naman pala, e!” masayang sambit ko. Effective ang pagpapa-cute ko sa kanya. “Tsk. Just three days, Milcah,” striktong pahayag pa niya. “So strict, geez!” Mas strikto pa siya siya sa tatay ko. “Tell me what you need. You`re not here to do some charity work, aren`t you?” sarkastikong sambit ni Ranger. Malakas din talaga ang radar ng mga pirata `no? Sasabihin ko na ba sa kanya? “Hurry up,” dagdag pa niya. “Okay, hear me out. Last night, I said things I didn`t mean...” panimula ko. “Really?” ngising pahayag ni Ranger. “Oo nga. Don`t judge me muna, okay? Madami pa akong sasabihin,” ani ko. “Talk.” “I`m sorry, okay? I was rude last night for leaving you. Nainis kasi agad ako nang malaman kong ikaw pala `yung ka-meeting ko,” paliwanag ko. “You turned down the offer,” aniya. “Honestly, I`m here to talk about that. I know this is too much but can you give me anither chance?” diretsahang giit ko. I`m so hopeful na bigyan niya ako ng chance. Kahit 1% lang ang pag-asa ko, susugal pa rin ako. He scoffed and stared at me intently whike smirking. “I thought you don`t want to work with me?” Ayaw ko naman talaga! Gusto kong sabihin sa kanya `yon pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Ang totoo niyan, kanina pa ako inis na inis. “Gusto ko. Stressed lang kasi ako kagabi kaya ang dami kong sinabi.” Hanggang kailan ba matatapos ang mga palusot ko? “You always talk like that everytime, Milcah. Don`t fool me,” he mumbled coldly. Ah, gusto niya pala ng prankahan? Sige, magsasalita na ako. “Naiinis ako everytime na nakikita kita kaya ang sungit ko sa `yo. Kung may alam kang basic GMRC, baka hindi gano`n ang pakikitungo ko sa `yo.” “And here I thought you`re professional, Ms. Lopez,” pormal na sabi niya. That hit some nerve. Harsh pero may punto naman siya. I can`t tell excuses to justify what I did. “I am but my emotions took over, I`m sorry. If you will give me anither chance, I will make sure to work hard,” I promised him. “Try harder,” aniya na halatang hindi pa kumbinsido sa mga pahayag ko. “My manager told me you`re looking for an ambassador. If you will hire me, your profit will surely increase because my fame isn`t a joke. I`m not bragging, by the way,” I muttered. “Still, I`m not convinced.” “Try me and you won`t regret it, I promise!” sabi ko pa. Pilyo siyang ngumiti bago nagsalita. “Oh, I really want to.” Hindi ako tanga para hindi ma-gets kung ano `yung gusto niyang iparating. “Stop thinking dirty. Hindi pa ako tapos na magsalita.” “Well, go on.” “I was thinking of helping you with your job to make amends,” ani ko. “In exchange for the contract, you mean.” “Mismo. Ano, payag ka na?” Ang hirap naman niyang kumbinsihin. Ang dami ko tuloy sinabi. “ No. You rejected the project and someone`s willing to do it,” matigas na saad niya. Si Joyce? Siguradong siya ang tinutukoy ni Ranger. Huli na ba talaga ang lahat para sa `kin? Hindi talaga niya ako bibigyan ng chance? “Wala ba talagang last chance? Pag-isipan mo muna baka i-consider mo ulit na ibigay na lang sa `kin `yung project,” pangungulit ko. Kulang ba ang convincing power ko o sadyang ayaw niya lang talaga sa akin? Ano ba `yan, feeling ko dapat gawin ko na `yung Plan B ko bago pumirma si Joyce sa contract. “I don`t give second chance, luv. If you mess up, it`s over and you just did,” aniya. Wow! Antipatiko talaga! Hihintayin ko na lang talaga na dumating `yung panahon na siya naman ang hihingi sa akin ng chance. Makakaganti rin ako! “Balik na lang ako bukas. Tatapusin ko na `tong pinapagawa mo,” dismayadong sambit ko. “Bye,” paalam ko pa sa kanya. Bagsak ang mga balikat akong umalis sa kompanya ni Ranger. Wala akong gana pero kailangan kong tapusin agad `yung summary ng Financial Statement. Ipapasa ko agad kay Ranger bukas baka sakaling mag-iba ang isip niya. “Kaya ko `to. I have to do this,” I told myself. Naiiyak akong tumingin sa langit at mapait na ngumiti. Nahihirapan pa rin ako hanggang ngayon kahit apat na taon na ang lumipas. Kinakaya ko ang lahat para makaganti kahit paano. “Nahihirapan na ako,” ani ko at pinunasan ang mga luha sa `king mata. Hindi ako pwedeng umiyak ng ganito lalo na kapag madami pa akong dapat gawin. I can`t be weak and fragile, I have to act strong in front of everyone. Kuya, ang hirap na. Bakit kasi kailangan mo pa kaming iwan dahil sa babaeng `yon? Miss ka na namin, sobra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD