Chapter Ten

483 Words
Milcah`s POV Pagod akong nagmaneho papunta sa kompanya ni Ranger para ipasa ang report na ginawa ko. Wala akong tulog since kahapon an umuwi ako galing sa opisina niya. “Good morning, is Mr. Collins in?” tanong ko sa secretary ni Ranger. “Yes, Ms. Lopez. He just arrived ten minutes ago,” sagot naman niya. “ Can I see him? May ipapasa lang ako sa kanya,” nakangiting pahayag ko. “May appointment po kayo sa kanya?” tanong naman ng secretary ni Ranger. “Uhm, wala. But may pinagawa kasi siya sa alin kahapon kaya ipapasa ko lang then I`ll leave,” ani ko tsaka pinakita sa kanya `yung hawak kong folder. Tinignan niya ako ng medyo alanganin pero pinayagan din naman ako maya-maya. Nginitian ko muna siya at nagpasalamat bago ako pumasok sa opisina ni Ranger. “Good morning, Mr. Collins!” masiglang bati ko sa kanya nang pumasok ako sa kanyang office. Nag-angat siya ng tingin pero hindi manlang niya ako binati pabalik. “What brought you here?” “Ipapasa ko `tong ginawa kong report. Binabawi ko na pala `yung hiningi kong extension,” ngiting saad ko. Nilapag ko na lang sa table niya `yung folder at umupo sa couch. Gosh, gusto kong matulog na lang dahil inaantok na ako. Wala na akong energy. “Did you even eat?” biglang tanong niya habang nakatitig sa `kin. “Hindi. Mamaya na pag-uwi ko,” mahinang sagot ko. “You look like a zombie,” komento niya. “Alam ko. Hindi ako natulog kagabi para matapos agad `yung report.” Hindi pa ako kumain since kahapon. “What`s wring with you?” seryosong tanong pa niya. Umayos ako ng upo at sinalubong ang tingin niya. “You know why I`m doing this. I want the project, simple as that.” “You declined it,” paalala pa niya. “I know and I was wrong for that. I`m sorry,” ani ko. Wala na talaga akong lakas para mag-explain pa. Pagod at puyat ako kaya pahinga muna ang kailangan ko. “Pwede ba akong umuwi? Magpapahinga lang ako, bukas na lang ulit kita kukulitin,” inaantok na pahayag ko. “Stay. Let me review the report,” pigil niya sa `kin. “Fine. Bilisan mo at nanghihina na ako,” sabi ko na lang. “Do you want to eat while waiting for me to finish reading the report?” tanong ulit niya. “Kahit `wag na. Kakain na lang ako sa condo.” Rest ang kailangan ko bago pagkain. “Just stay there for a while then.” “Sige,” maikling tugon ko. Kanina ko pa nilalabanan ang antok ko lalo na no`ng nagmamaneho ako papunta rito. Ngayon, mukhang lumala pa ang antok ko tapos hindi pa ako nakauwi. Hindi ko na namalayan na unti-unting pumipikit `yung mata ko hanggang sa nilamon na ako ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD