Chapter Eight

1024 Words
Milcah`s POV “Bakit hindi mo agad sinabi?!” gulat na sigaw ko kay Maffie. “Bakla, pakihinaan `yang boses mo!” sita naman niya sa `kin. “Bakit naman kasi hindi mo sinabi agad sa `kin na nasa line up din pala si Joyce? Maffie naman, e!” reklamo ko sa kanya. Nagulat na lang ako nang malaman ko kay Maffie na kay Joyce mapupunta ang project kapag umayaw ako. Paano na ngayon? Tinanggihan ko na `yung project sa harap mismo ni Ranger. “Gaga ka kasi bakla. Hindi mo kasi pinakinggan muna si Mr. Collins bago ka tumanggi. Ayan `yung sinasabi ko sa `yo na `wag mong pairalin `yang kamalditahan mo.” Pinagalitan pa tuloy ako ni Maffie. Kasalanan ko ulit ang nangyari dahil sa ugali ko. Minsan talaga gusto ko na lang na iuntog ang ulo ko sa pader dahil sa kamalditahan ko. Nadadamay na pati trabaho ko, e! “Sorry na. Nainis kasi ako agad nu`ng nakita ko si Ranger,” ani ko. “Gusto talaga kitang sabunutan ngayon, gaga. Na-i-stress ang bangs ko sa `yo!” gigil pa na saad ni Maffie. Nilapitan ko na lang siya at niyakap ng mahigpit upang kumalma. Tsaka na lang kami mag-iisip ng solusyon kapag kalmado na siya. “Paumanhin po. Kasalanan ko naman talaga `yun,” ani ko pa. “Gusto mo bang mapunta kay Joyce `yung project? Hindi mo ba alam kung gaano kalaki `yung project na `yon. Matanda ka na kaya dapat hindi ka padalos-dalos sa mga desisyon mo,” mahabang paalala pa niya. “Ayokong mapunta kay Joyce `yung project, Maffie. Hindi ako papayag.” Okay lang sa akin kapag sa iba mapupunta `yung project basta `wag lang sa tuso na `yon! “Umayos ka ng upo at mag-iisip tayo ng solusyon. Sinayang mo `yung malaking project!” inis pang sabi ni Maffie. Umayos na lang ako ng upo sa couch para hintayin ang sasabihin niya. Sana may naisip na siyang paraan bago pumirma si Joyce sa kontrata. “Ang naisip ko lang na paraan ay kausapin mo ulit si Mr. Collins. Let`s hope you can woo him,” suhestyon niya. “Kakausapin ko siya?” Really? Hindi ba pwedeng `wag na lang? “May naisip ka pa bang ibang paraan? Ikaw ang may kasalanan kaya ikaw dapat ang lumapit sa kanya,” dagdag pa niya. “Nahihiya ako, bakla. Lalo na kapag naiisip ko `yung sinabi ko sa kanya kagabi,” pag-aamin ko. “Deserve mo `yan, gaga. Kung hindi ka lang malakas sa `kin baka kanina pa kita sinabunutan. Nakaka-stress ka ng beauty,” aniya. “Sorry na kasi. Oo na, kakausapin ko na si Ranger.” Wala naman na akong choice `di ba? “Mabuti naman. Akala ko papairalin mo ulit `yang pride mo,” prankang saad pa ni Maffie. “Aray naman! Paano kapag ayaw niya akong bigyan ng chance?” I doubt he would give me another chance after what I pulled last night. “Edi, akitin mo! Imposibleng hindi `yan maaakit sa ganda mo!” nakangising suhestyon niya ulit. “Oo nga `no? Akitin ko na lang kaya `yung mayabang na piratang `yon?” Madali lang naman siguro `no dahil lalaki si Ranger. “Joke lang `yon kaya `wag na `wag mong gagawin. Sasabunutan talaga kita kapag nalaman kong sineryoso mo `yung sinabi ko!” babala ulit ni Maffie. “Kakausapin ko lang siya,” sagot ko na lang. Labag sa loob ko na kausapin ulit si Ranger dahil nahihiya ako. Ma-pride talaga akong tao at inaamin ko naman na iyon `yung sakit ko na hindi mawawala sa `kin. “Sige na, mag-isip ka na kung kailan mo kakausapin. Be quick dahil wala na tayong oras, Milcah. Aalis na rin ako dahil aayusin ko `yung schedule mo next month sa Milan,” aniya. Tumango na lang ako bilang sagot. “Ingat sa daan,” maikling sabi ko. “I will. `Yung pinag-usapan natin, please take it seriously,” pahabol pa niya. “Opo. Don`t worry, I can handle this one. Leave it to me,” I assured him. Umalis na si Maffie at naiwan akong mag-isa rito sa sala. Kailangan ko na talagang ayusin ang problemang ginawa ko para hindi madamay si Maffie. Ramdam ko ang inis niya sa `kin at naiintindihan ko kung bakit. Nag-aalala lang siya para sa `kin. “Anong sasabihin ko?” tanong ko habang hawak ng cellphone. Nag-iisip pa ako kung tatawagan ko na lang ba si Ranger or mag-se-send na lang ako ng message. Ang hirap mag-decide lalo na kapag ang dami kong iniisip na iba pang bagay. To: Piratang Mayabang Hey, can I come to your office today? Kagat-labi kong sinend `yung text ko kay Ranger. Kibakabahan pa ako baka hindi mag-reply at kapag nangyari `yon, wala na akong choice kundi tawagan siya. Ilang sandali pa ang lumipas nang maramdaman kong na-vibrate ang phone ko. Nag-reply siya sa text ko! From: Piratang Mayabang Why? I`m busy. “Ano ba `yan. Busy daw siya ngayon.” Hindi pwede `pag bukas ko pa siya kakausapin. Baka nakapirma na si Joyce sa kontrata by tomorrow. To: Piratang Mayabang Kahit saglit lang. Give me ten minutes. Hindi kasya ang sampung minuto sa paliwanag ko pero bahala na. Hihingi na lang ako ng extension kapag nando`n na ako. From: Piratang Mayabang Fine. Come over. “Yes! I can talk to him!” masayang sigaw ko sabay suntok sa hangin. If ever na hindi ko siya na-convince na bigyan ako ng chance, proceed na lang ako sa sinabi ni Maffie. Aakitin ko na lang siya nang hindi nalalaman ni Maffie dahil lagot talaga ako do`n. “Okay. I can do this!” masiglang giit ko sa `king sarili. Kapag hindi nadaan sa usapan, daanin na lang sa santong paspasan! Ay, mali! Ang sumi na nang isip ko, jusko! Kapag hindi nadaan sa usapan, daanin na lang sa pang-aakit. I have to get the project no matter what. Hindi pwedeng si Joyce ang kukuha no`n. Sinumpa ko sa buong angkan ng Lopez na hindi ko hahayaang maging successful `yang ahas na `yan! Wala ka nang makukuha pa sa amin o sa akin, Joyce!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD