Chapter Seven

2013 Words
Two months later... Milcah`s POV “Pagod ka na?” tanong ni Maffie nang lapitan niya ako after ng photoshoot ko. “Yeah. Diretso ako sa condo para matulog,” sagot ko havang hinihilot ang sentido. Tatlong oras ang tinagal ng photoshoot kaya naman sobra `yung pagod ko. Masakit na rin ang ulo ko dahil kulang ako sa tulog kagabi. Tumawag kasi sa `kin si Iris kaya nagkwentuhan na lang kami hanggang madaling araw. “Sige. Sabihan ko na lang ang mga staff na mauna ka na. Hindi muna kita sasamahan dahil may meeting pa ako mamaya,” paalam ni Maffie. “Tungkol sa bagong offer?” tanong ko. “Yes. Gusto ng CEO na pag-usapan `yung kontrata,” aniya. Nagmamadali ba `yung CEO na `yon? Kahapon lang nag-offer ng project tapos contract signing agad? Okay lang din basta si Maffie ang makiki-meeting. “Sige. Update mo na lang ako kapag kailangan nila ako sa contract signing.” Mabuti na lang at si Maffie lang ang kailangan nila sa meeting para naman makapag-rest muna ako. “Sure. Balita ko gusto ng ibang models ang project na in-offer sa `yo,” bulong sa `kin ni Maffie. “Let`s see. If hindi ako available sa schedule na gusto nila, ibigay na lang natin sa iba,” ani ko. Hindi naman ako madamot sa trabaho. Kapag hindi tugma sa schedule ko ang ibang projects ko, mag-re-recommend na lang ako ng ibang models na available. “Are you sure? This project is a big one,” paalala ulit sa `kin ni Maffie. “I can give it to other models as long as it`s not Joyce. Alam mo naman kung bakit `di ba?” mataray na sabi ko. “Kumukulo ang dugo ko kapag naririnig ko ang pangalan ng inggitera na `yon!” inis na saad naman ni Maffie. Natawa na lang ako sa ekspresyon niya na para bang gusto niyang manakit. Naiintindihan ko naman kung bakit galit siya kay Joyce dahil matagal ko nang karibal `yon sa pagmomodelo. Nag-iinit agad ang ulo ni Maffie kapag naririnig niya ang pangalan ni Joyce. “Chill. Kagagaling mo lang sa salon kahapon,” pabirong giit ko sa kanya. “Ugh. Just go home muna and rest. Ako na ang bahala rito,” aniya. “Okay. I have to go na. Bye!” paalam ko sa kanya bago kinuha ang bag ko. Naglakad na ako palabas ng building kung saan kami nag-photoshoot. Nagmamadali ako dahil dadaan pa ako sa Starbucks para bumili ng frappe. “Hey, luv...” Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa lalaking nakasandal sa sasakyan ko. “Bakit ka nandito?” pagtataray ko. “Nice to see you too,” sarkastikong sambit niya. Naglakad siya palapit sa `kin at huminto sa harap ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang na-iisip kung bakit bigla siyang sumulpot sa parking lot. “Bakit ka nga biglang sumulpot? Akala ko nasa dagat ka pa.” Hindi ako natutuwa na nagpakita ulit siya sa `kin. “Tapos na ang dalawang buwan. Nagpaalam ako sa `yo bago ako umalis `di ba?” aniya. “Oh, tapos?” taas kilay kong sambit. “I came here to see you,” kalmadong giit niya. “Hindi ako natatawang makita ka ulit,” masungit na saad ko. Anong plano niya? Bakit bigla na lang siyang susulpot at kakausapin ako na para bang matagal na kaming magkakilala? Hindi na ako natutuwa sa piratang `to. “Excuse me at uuwi na ako,” ani ko bagi siya nilampasan. Pinaandar ko na ang kotse at handa nang umalis pero nakatayo pa rin siya sa labas. Tahimik lang siyang nakatitig sa `kin pero walang ekspresyon ang kanyang mukha. Mukhang may topak yata `tong Ranger na `to. “What?!” iritadong tanong ko sa kanya. Nakadungaw ako ngayon sa bintana habang naghihintay ng sagot mula sa kanya. Ano bang pakay niya rito? “You didn`t cause another issue whike I was away. That`s good,” aniya. “Sino bang may gusto na palaging na-i-issue? Trabaho ang inatupag ko nitong nakaraang dalawang buwan!” pasigaw na saad ko. Iyan lang ba ang sasabihin niya? Hindi na sana siya pumunta pa rito. Nakakaabala siya ng peace of mind. “But you were always out drinking and dancing with other men,” kalmadong giit niya pero may diin ang bawat pagbigkas niya sa mga salitang binitawan. Nagulat pa ako sa sinabi niya pero agad naman akong nakabawi. “How did you know that?! Were you stalking me for the past two months?!” Medyo assumera ako sa sinabi ko pero gusto ko lang namang manigurado. Bakit niya alam ang mga pangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraang buwan? “I have my ways, luv,” seryosong sagot niya. “Oh, right but whatever! I`m going home. Bye!” paalam ko sa kanya. “See you around,” sambit pa niya habang nakangisi ng malawak. “Trust me when I say I don`t want to see you again,” mataray na sambit ko bago sinuot ang dala kong shades. “Let`s see...” pahabol niya tsaka kusang lumayo. Pinagmasdan ko pa siyang sumakay sa kotse niya. Nang pumasok siya sa loob, tumingin siya sa direksyon ko at kumindat bago sinara ang bintana. “Kadiri!” inis na sigaw ko bago tuluyang umalis sa parking lot. I know he was teasing me again and I hate that I just let him. Nakakainis talaga, gusto kong gumanti sa kanya! Hindi pwedeng siya lang ang may karapatang mang-asar ng gano`n. Dapat fair para masaya ang buhay, mamaya siya sa `kin! “Oh?” wala sa mood na bungad ko sa tumawag sa `kin. “How about dinner tonight?” agad akong nagpreno nang mabosesan ko `yung tumawag. Nanlaki pa ang mata ko noong binasa ko ang pangalan nu`ng tumawag. Ang tanga ko kasi hindi ko ba naman chineck kung sino `yung tumatawag bago ko sinagot. “Mag-dinner kang mag-isa mo!” Nakakainis talaga bakit siya tumawag? Hindi tuloy tuwid ang pag-iisip ko! “Can you stop shouting?! Hindi ka ba napapagod sa pagsisigaw mo?” iritadong saad niya mula sa kabilang linya. “Hindi kaya `wag mo ulit akong tatawagan!” pinatay ko na lang ang tawag at binato ang cellphone ko sa passenger seat. “Ano na namang kagaguhan ang tumatakbo sa isip ng piratang `yon at nagyayaya ng dinner?” tanong ko sa sarili bago binilisan ang takbo ng sasakyan. Ayaw namin sa isa`t isa at alam naman niya `yon pero bakit siya ang unang lumapit sa `kin? Parang kinakabahan yata ako sa mga inaakto ni Ranger. Gabi na no`ng makatanggap ako ng chat galing kay Maffie. Gusto daw akong makita ng CEO para pag-usapan ang mga terms and conditions ng project bago pumirma sa kontrata. Ayos naman sa akin `yon pero dinner meeting kasi ang schedule. “Sayang, magpapahinga pa sana ako ngayon.” Tamad akong bumangon sa kama at dumiretso sa cr para mag-shower. Mamayang seven pa ang dinner pero nag-re-ready na ako kahit may dalawang oras pa bago mag-seven. Agahan ko na lang na pumunta sa sinend ni Maffie na location bago dumating `yung CEO. “s**t, I have to move faster!” natatarantang saad ko at binilisan ang paghahanda. Ayokong ma-traffic dahil siguradong mag-iinit na naman ang ulo ko. Isa pa, nakakahiyang ma-late sa meeting baka isipin nu`ng CEO na hindi ako professional. “Okay naman siguro `to?” ani ko habang nakatingin sa salamin. Nakasuot ako ng black pencil cut skirt na pinaresan ko ng cropped basic top at mid-lenght coat. Since all black ang suot ko ngayon, ginawa kong fierce `yung makeup ko para bumagay. Pinili kong magsuot ng coat para hindi ako masyadong lamigin mamaya. Exposed pa naman ang legs ko pati na rin ang aking pusod. “Damn, I look good!” puri ko sa aking sarili. Hindi naman masama kapag pinupuri ang sarili lalo na kung totoo naman. Sabi ni Maffie, semi-formal daw nag isuot ko para presentable tignan. Pasado naman siguro ang looks ko ngayon, `di ba? Nag-chat na lang ako kay Maffie at sinabihan siyang papunta na ako sa venue. Agad naman siyang nagreply ng mga reminders at paalala na `wag ko raw tarayan `yung CEO. “Good evening, Ms. Lopez! Please come with me and I`ll show you your table,” magalang na bati sa `kin ng waitress. “Yes, please. Thank you,” sagot ko naman. Tahimik ko siyang sinundan papunta sa VIP Lounge at napansin kong ako lang ang client dito. “Here`s your table, Ms. Lopez. Kindly ring us if you need something,” anang waitress. “Sure, I will. Thanks.” Nang umalis `yung waitress, agad kong nilabas ang aking phone para magtanong kay Maffie tungkol sa schedule ko bukas. Wala pa naman `yung ka-meeting ko kaya pwede pa akong magbabad online habang naghihintay. Naging busy na ako kaka-scroll sa IG at hindi ko na namalayan `yung oras. Nawala lang ako sa focus no`ng naramdaman kong may umupo sa harap. Nagtaas pa ako ng tingin at nanlaki ang mga mata sa nakita. “Evening, luv!” bati sa `kin ni Ranger. “Bakit ka nandito?!” Naiirita agad ako sa kanya kahit wala pa naman siyang ginagawa. Nakangisi pa rin siya sa `kin kahit masama ang titig ko sa kanya. Ang galing niyang mang-asar! Inis na inis na ako sa kanya, promise. “Ano nga?!” pag-uulit ko pa. “I invited you for a dinner, right?” casual na saad niya. “I declined, remember?” Tumanggi ako nang tumawag siya sa `kin kaninang hapon. “Are you that clueless, luv?” tanong pa niya. “What do you mean?” naguguluhang tanong ko sa halip na sumagot sa tanong niya. “Aren`t you`re here for a meeting?” aniya. “Oo, bakit? May meeting ako ngayon tungkol sa bago kong project. CEO ng kompanyang `yon ang ka-meeting ko ngayon,” ani ako. Naguguluhan pa rin ako kung ano ang pinupunto niya. Bakit hindi na lang kasi niya sabihin ng diretso para maintindihan ko kung ano ang nangyayari. “And I`m that CEO, luv,” giit ni Ranger na may panunukso sa tono ng boses. Para akong binuhusan ng yelo dahil nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ako makagalaw dahil sa gulat. “You w-what?” utal na tanong ko. “So, are you going to sign the contract now?” tanong niya at hindi pinansin ang sinabi ko. Mabuti na lang at nakabawi agad ako sa pagkagulat. “Hindi ako pipirma!” sigaw ko. “What the f**k?” halatang gulat na sambit ni Ranger. Ako naman ang ang ngumisi ng malawak ngayon. “Kailangan ko bang ulitin? Ayoko. Hindi ako pipirma sa kontrata kung ikaw din lang ang magiging boss ko!” “Really? You won`t accept the project. It`s a big one,” he replied and gave me a challenging look. “No thanks. I don`t want it,” pagmamatigas ko pa. Hindi kasi sinabi sa akin ni Maffie na si Ranger pala ang CEO na tinutukoy niya! Sinadya ba niyang hindi sabihin sa `kin o talagang hindi niya alam? “Okay. Your loss,” ngiting-aso na sambit niya. Tumayo na lang ako mula sa table at handang umalis. “Thanks for inviting me here but I have to leave. Pakibigay na lang sa iba `yung project, thank you. Have a nice dinner, Mr. Collins!” Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil diretso akong lumabas. Alam kong hindi tama ang inasta ko pero nagiging gano`n na lang talaga ang ugali ko kapag kaharap ko si Ranger. Sana hindi na kami magkita para hindi ako ma-guilty. Baka nga iniisip na niya na nakapa-unprofessional ko, oh my gosh! Nasa parking lot na ako nang makatanggap ako ng text mula sa kanya. From: Piratang Mayabang You look beautiful tonight. We`ll see each other again, luv. Bigla akong kinabahan sa text ni Ranger! Hindi ko tuloy mawari kung saan ako kinabahan. Sa parte ba na pinuri niya ako o doon sa sinabi niyang magkikita ulit kami? Baka naman dahil sa dalawang `yon? "Ah! Mababaliw na yata ako!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD