Chapter Fifteen

225 Words
Milcah's POV “I`m sorry to hear that. I didn't know,” paumanhin ko. And dami ko pang sinabi tungkol sa parents niya tapos malalaman ko lang pala na wala na sila. Minsan talaga ayaw ko nang magsalita dahil nasosobragan, e. “Don't apologize, you didn't kill them,” maiklng tugon pa niya. “Grabe ka naman! Wala ka talagang magandang sasabihin `no?” inis na sabi ko. Paano ba naman eh matino ko siyang kinakausap tapos gano`n na lang ang sagutan niya. Nakakainis talaga! “What?” painosente pa na tanong niya. Siniko ko na lang siya at nauna nang pumasok sa restaurant na pinili niya. Ang gara talaga ng piratang `yon, kakain lang naman tapos dito pa. “Saan tayo uupo?” tanong ko sa kanya nang abutan niya akong nakatayo sa lobby. “I did a reservation. Sa VIP lounge tayo,” aniya. “Wow, ha! Anong meron? Birthday mo ba?” hindi ko mapigilang tanong. “Silly. It's not my birthday,” sagot naman niya. “Oh, okay.” So, ganito ba siya magwaldas ng pera? Simpleng dinner lang tapos sa mamahaling restaurant pa. Don't get me wrong, ha? Hindi kasi sa ganitong paraan ko ginagastos `yung pera ko. Kapag pagkain ang pinag-uusapan, mas gusto ko pa rin ang mga lutong-bahay. Ang problema ko lang talaga ay hindi ako marunong magluto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD