Chapter Fourteen

255 Words
Milcah`s POV “Bakit dito?!” pasigaw na tanong ko kay Ranger mula sa sasakyan ko. Nag-convoy kasi kami dahil hindi ko naman pwedeng iwan `yung sasakyan ko. Nagpumilit pa nga ako kay Ranger na dalhin ko na lang `yung kotse ko sa kung saan man kami kakain. “Ayaw mo?” tanong niya pabalik. “Hindi naman. Pwede namang sa Jollibee na lang,” sagot ko naman. “What`s that?” nagtatakang tanong niya. “Hindi mo alam ang Jollibee?! As in you never heard of it?!” gulat na giit ko. Umiling-iling pa siya bago sumagot. “Never heard of it.” “Talaga ba?! Hindi ka ba dinala ng parents mo sa Jollibee kahit no`ng bata ka pa?!” Jusko, saang lupalop ba lumaki itong si Ranger at hindi niya alam ang Jollibee?! “Nope, they never did.” “Jollibee was a part of my childhood! Gosh, saan ba ang parents mo? Nasa abroad ba sila? May mga branches naman ang Jollibee worldwide or baka sobrang yaman niyo kaya hindi ka na pinapakain ng food galing sa fast food chains,” mahabang linya ko. “My parents aren`t here,” maikling tugon niya. “Nasaan sila ngayon? May business trip ba? Hindi ko sila nakita sa bahay mo no`ng pumunta ako. Kakausapin ko lang si mommy mo bakit hindi ka dinala no`n sa Jollibee, masaya kaya do`n!” pabirong saad ko. Matagal siyang hindi sumagot at nakatitig lang sa akin ng matalaga. “They`re gone... My parents died years ago...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD