Chapter Sixteen

237 Words
Milcah's POV “Salamat sa dinner,” ani ko nang nasa parking lot na kami ng building namin. “Yeah. No problem,” sagot naman niya. “You don't have to do that,” ani ko. Kaya ko naman ang sarili ko. Hindi na niya kailangang gawin `yon. Baka kasi kapag may nakakita pa sa amin ay gagawa na naman ng panibagong issue. “I only invited you to eat. Anong mali doon?” naguguluhang tanong niya. Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot. “Mahirap na. Kapag may nakakita sa atin, baka kasi gagawa na naman ng issue at madadawit ulit `yung pangalan mo.” Ayaw niyang mangyari `yon `di ba? Hindi ko rin naman siya gustong i-involve ulit sa magulong buhay ko. “And?” giit pa niya. “Ayaw kong mangyari ulit `yung nangyari noong. Gusto mo bang ma-issue ulit?” Hindi ba`t ayaw niyang mapunta sa sitwasyon na gano`n? “I can pay them to shut up,” casual na sambit pa niya. “Nagsasayang ka lang ng pera,” komento ko naman. “It`s fine. I have many,” pagmamayabang pa niya. Tignan mo `to ang yabang talaga kahit kailan. Nakakainis! Kahit may pera siya pero ayaw kong may makakita sa amin. “Umuwi na ka,” pag-iiba ko sa usapan. Bukas ko na lang ulit siya kakausapin tungkol sa project. Sa ngayon, uuwi muna ako at matutulog. “Fine,” maikling tugon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD