Chapter Six

2049 Words
Milcah`s POV “Stop...” pigil ko sabay tulak sa kanya. “What?” kunot-noong tanong niya habang hawak ang labi. Hindi ako handa sa mga susunod pang mangyayari. He`s still a stranger to me yet I let him do things to my body. “Let`s stop this,” ani ko pa. Lalo pang kumunot ang kanyang noo na para bang naguguluhan. “I thought you like it?” tanong niya. “Look, if you`re looking for a woman to bed then go look somewhere else. Lubayan mo na lang ako,” matigas na sagot ko. Pakiramdam ko kasi pinaglalaruan niya ako dahil gusto niyang gumanti sa pagdawit ko sa pangalan niya. Aminado naman akong kasalanan ko `yon dahil hindi mali ang desisyon ko pero `wag naman niyang daanin sa ganito. “Do I look like I`m hungry for s*x?” walang emosyong sambit niya. “Then what do you want? Bakit ka pumunta rito?” taas-kilay kong tanong. “I was just messing around but I`m done having fun. Let`s talk,” seryosong giit niya at umupo sa couch. “Anong pag-uusapan natin?” Hindi ba pwedeng bukas na lang kami mag-usap? “I told someone to deal with the paparazzi. You can go out tomorrow line nothing happened,” panimula niya sa usapan. “You mean hindi na nila ako hahabulin kagaya kahapon?” Pagod na akong takbuhan ang mga paparazzi. “Yeah. Just don`t stir another issue and drag my name,” he said with a warning tone. “Hindi ko naman alam na big fish ka palang pirata ka. Akala mo ba gagawin ko `yon kapag alam kong very influential person ka pala,” ani ko at humalukipkip sa tabi. He smirked and leaned closer to me. “You don`t know me, luv.” “At wala akong balak na kilalanin ka,” dagdag ko naman. “After you claimed I`m your boyfriend?” he teased. Sinamaan ko siya ng tingin at inikutan pa ng mata. “Excuse me, correction lang ha? Ex-boyfriend, hindi boyfriend!” “But they think we`re still lovers,” he marveled with a playful grin. May punto siya dahil alam ko rin namang `yan ang iniisip ng mga tao. Ang hirap nilang paniwalain! “Whatever! The issue will die down, right? Salamat na lang sa pagtulong,” saad ko. Kahit mataas ang pride ko pero hindi ako gano`n kasama para hindi magpasalamat. Tinulungan niya pa rin ako kahit alam kong ayaw niya sa `kin. “I did it for myself,” he replied shortly. “Alam ko pero salamat pa rin dahil nabawasan ang problema ko,” sagot ko. I figured out he would say that pero thankful pa rin ako sa kanya. Nagbasa rin ako ng article kanina at nalaman ko `yung ginawa niya kagabi. He stepped up and lied for me. “I`m leaving,” paalam niya at tumayo mula sa couch. “Teka lang! Hindi ka ba kakain or coffee perhaps?” Baka hindi pa kasi siya kumain. Don`t me wrong, ginawa ko lang `to dahil may utang na loob ako sa kanya. “What`s wrong with you?” he asked. Ha? May mali ba sa akin? “Wala naman. Bakit?” tanong ko pabalik. “You`re acting nice. Are you high?” aniya habang nakatitig sa `kin ng mabuti. Nahulog ang panga ko dahil sa sinabi niya. “Ano?! Nagmamagandang loob na nga `yung tao tapos aakusahan mo pa?!” pasigaw na sambit ko. “Can you talk without shouting?!” iritadong giit niya. “Ganito talaga ako magsalita! Umuwi ka na lang dahil naiinis ako sa `yo,” inis din na saad ko. Tinulak ko pa siya papunta sa pinto. Hindi naman siya nagreklamo nang ginawa ko `yon. “Alis na!” pagtataboy ko pa sa kanya. “I won`t be here for two months,” aniya. Bakit niya sinabi `yon sa `kin. Nagpapaalam ba siya? Hindi naman kami magjowa. “Ah, gano`n ba? Good for you,” tanging sagot ko. “Yeah. Don`t create another problem while I`m not around.” “Talagang hindi na. Sila lang ang mahilig gumawa ng issue na hindi naman totoo,” reklamo ko pa. “Just behave for a while, Milcah,” he mumbled under his breath. “Bakit ang dami mo nang sinasabi? Hindi naman tayo magjowa,” pagtataray ko. Matagal akong nakatitig sa kanya habang naghihintay ng sagot pero wala siyang sinabi. Hindi siya sumagot at nagkibig-balikat na lang bago tumalikod. Kunot-noo ko siyang pinagmasdan na naglalakad paalis. “Ang labo niya namang kausap,” ani ko bago sinara ang pinto. Kinabukasan, nag-message ako kay Iris na magkita kami sa Teamid Café para mag-usap. Sinabi ko kasi sa kanya kahapon na ngayon na lang ko na lang sasabihin ang mga chika tungkol sa buhay ko. “Bakit dito mo naisipang magkita? Baliw ka ba? Paano kung dumugin ka na naman ng mga paparazzi?” nag-aalalang sambit ni Iris nang umupo siya sa harap ko. “Chill, okay? Hindi na nila ako aabalahin pa,” confident na sagot ko. “Ha? Paano nangyari `yon?” naguguluhang tanong pa niya. Uminom muna ako sa in-order kong milkshake bago siya nginitian ng malapad. “I don`t know how it happened. Hindi ko alam kung paano nagawa ni Ranger na patahimikin `yung mga paparazzi.” “Ano?! Can you explain what`s with you and that man? Kagabi pa ako nag-o-overthink dahil hindi ka naman nag-explain no`ng hinatid kita kahapon sa condo mo! Puyat ako, oh!” mahabang reklamo ni Iris tapos pinakita pa ang kanyang eyebags. “Sus! Alam ko namang kausap mo na naman si Siv kagabi kaya ka puyat ngayon. `Wag mo akong idamay ka paglalandi mo, Iris!” ani ko bago siya binatukan. “Aray! Oo na, kausap ko si Siv kagabi hanggang madaling araw. So, ano na? Magkwento ka na, dali!” aligagang sambit ni Iris. “Pwede bang mag-order muna tayo? Nagutom ako kahihintay sa `yo,” reklamo ko naman. “Sige na nga!” Tinawag na lang namin `yung waitress at nag-order ng mga pagkain. Carbonara at isa ulit na milkshake ang order ko habang si Iris naman ay lasagna at iced tea. Hindi kami nagtitipid, sadyang on diet lang talaga kaming dalawa. “Kwento ka na!” giit ulit ni Iris nang umalis ang waitress sa table namin. “Fine! Alam mo naman siguro `yung katangahang ginawa ko `di ba? Akala ko hindi sikat `yung pirata na `yon pero partida ang yaman pala niya! Alam mo bang pinakidnap pa niya ako at dinala sa bahay niya?!” Hindi ko makakalimutan `yung ginawa niyang `yon. “He did what?! Omg! Tapos anong nangyari?!” excited na sabi ni Iris na halatang gusto nang malaman ang mga sumunod na nangyari. “Gumising ako tapos nakita ko siya. Walang magandang nangyari dahil nagkasagutan lang kami. Pasmado ang bibig ng isang `yon, e! Walang magandang lumalabas sa bibig niya,” dagdag ko pa. “Pero aminin mo, nagwagwapuhan ka sa kanya `no? Sasabunutan kita kapag tinanggi mo pa,” saad ni Iris na nakatitig sa `kin ng matalim. Magsisinungaling pa ba ako? Alam na alam kasi ni Iris kapag nagsasabi ako ng totoo o hindi. Wala akong maitago sa kanya dahil alam niya lahat pati ang mga nakakahiyang ginawa ko. “Oo na! Ang gwapo naman kasi nu`ng piratang `yon pero hindi ko gusto ang tabas ng dila niya.” He`s always sarcastic and rude kaya ayaw ko sa kanya kahit aminado akong crush ko siya. “Sabi na, eh! Tapos ano pa? Magkwento ka pa.” “Hinatid ako ng chauffeur niya pauwi pero dinumog ako ng mga paparazzi. Ang ending, nawalan ako ng malay dahil sa stress at pagod. Mabuti na lang at naabutan ako ni Ranger bago ako nag-faint. Nabasa mo naman siguro `yung sinabi niya sa mga paparazzi kahapon, `di ba? Tapos ayun, bumalik kami sa bahay niya tapos doon na ako nagpalipas ng gabi,” mahabang paliwanag ko. “Tapos anong nangyari no`ng gumising ka?” curious na tanong ni Iris. Bigla kong naalala `yung nangyari kahapon sa kwarto ni Ranger kaya nag-init ang mukha ko. Umiwas na lang ako ng tingin at pasimpleng umubo. Ayoko nang magsalita, nahihiya ako. "Ano pang nangyari sa inyo doon sa bahay niya?” pag-uulit pa niya. “W-wala,” pagsisinungaling ko. Tinaasan niya ako ng kilay at tinignan ng mabuti na para bang alam niya agad na may hindi ako sinasabi. Lagot na! Bakit kasi ang talas ng pakiramdam ng isang `to?! “Gaga ka talaga. `Wag mo akong lokohin, Milcah,” aniya. “Oo na, magsasalita na ako. We kissed,” pag-aamin ko. “Kiss lang? Hindi ako naniniwala sa `yo, Milcah!” saad pa niya gamit ang mapang-asar na tono. Lalo pa akong namula. “Nag-makeout kami pero hanggang doon lang `yon kasi may bisita siya tapos tinakasan ko siya.” Malakas na tumawa si Iris dahil sa sinabi ko. “Kaya pala aligaga ka no`ng sinundo kita sa bahay niya. Tinakasan mo pala?!” giit pa niya habang tumatawa. “Sis, hindi ko kasi keri! Bigla akong nahiya dahil sa nangyari kaya tinakasan ko,” sabi ko sa mababang boses. “My gosh, Milcah! You`re such a torture!” natatawang sabi ni Iris. “Ha? Bakit naman? Sinundan nga niya ako sa condo ko kahapon, e!” Bigla-bigla na lang susulpot at manghahalik. Kung hindi ko pa pinigilan baka kung saan na naman kami napunta. “Talaga?! Tapos doon niyo tinuloy `yung naudlot na— Aray ko!” Hndi ko na pinatapos si Iris dahil binatukan ko na siya. “Pakihinaan `yang boses mo, Iris. Hindi nangyari `yang iniisip mo. Nag-usap lang kami, okay?” paliwanag ko sa kanya. “Ay, sayang naman!” ani pa niya na para bang nanghihinayang. “Ang dumi talaga ng utak mo. Hiyang-hiya pa nga ako sa nangyari do`n sa kwarto niya,” pabulong na saad ko. “Ano namang pinag-usapan niyo sa condo mo?” usisa pa niya. “Chismosa ka talaga, `no?” Bakit hindi na lang siya nag-abogado, bagay pa sa kanya `yon. “Wala akong magawa sa buhay ko, e. Nanghihina ako kapag wala akong naririnig na chika,” pabirong sagot niya. “Baliw ka talaga. Wala kaming importanteng pinag-usapan bukod doon sa sinabi niyang aayusin niya `yung issue. Sinabihan niya rin ako na aalis daw siya at two months pa bago siya bumalik. Nagulat nga ako no`ng lumabas ako kanina tapos wala nang humahabol sa `kin,” ani ko. “Wow! Jowain mo na lang kaya si Mr. Collins?” nakangising suhestyon ni Iris. “Sabunutan pa kita riyan, eh! Wala ka nang matinong sinabi! Ayoko nga sa piratang `yon. Nakalimutan mo ba `yung ginawa niya sa `kin sa barko niya?” paalala ko sa kanya. “Ikaw naman ang may kasalanan, e! Prank-prank pa kasi,” aniya. “Oo nga pero tinapon niya sa dagat `yung phone ko,” dipensa ko naman. “Ang kulit mo kasi. Mabuti nga at hindi ka rin tinapon no`n sa dagat,” tumatawang sabi ni Iris. Sinamaan ko siya ng tingin at inismiran. “He can`t do that to me. I`m Milcah Rae Lopez, period.” “Feeling ko may gusto `yon sa `yo,” ani Iris na nakatingin sa `kin. “Kinulang ka lang sa tulog pero bakit pati urak mo apektado?” Sa lahat ba naman ng pwede niyang sabihin, `yun pa talaga? “Isipin mo kasi, bakit niya aayusin ang issue oara sa `yo? Tsaka, pinuntahan ka pa niya sa condo mo para magpaalam. Anong tawag do`n?” seryosong sambit niya. “Ang dami mong alam, Iris. Hindi niya ako gusto at hindi ko rin siya gusto, period.” Walang namamagitan sa amin ni Ranger dahil magkaiba kami ng pananaw sa buhay. “Sure ka ba? Baka tinatago lang niya dahil takot sa commitment?” pagpapatuloy pa niya. “Hindi ko alam, okay? Thankful lang ako sa kanya kasi tinulungan niya ako. Sana na lang hindi ulit kami magkita,” ani ko. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ko siya gusto pero ang totoo ay naguguluhan talaga ako. Normal lang naman na magkagusto sa lalaki `di ba? Natatakot lang ako na panindigan ang nararamdaman ko dahil ayokong masaktan. Sana... panandalian lang ang atrasyon na nararamdaman ko para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD