MASAYANG NAGKWEKWENTUHAN ang team palabas ng gymnasium. Kinukulit pa rin nila si Lexus na sumali na sa kanila. Maya't maya rin ang pang-aasar ng mga ito kay Jack at Reena na nginingitian na lang ng huli. Ngayon lang siya na-awkward kapag inaasar ng mga ito. Dati kasi ay gustong-gusto niya iyon dahil mas lumalaki ang chance na mapalapit pa siya kay Jack. Pero ngayong andiyan si Lexus, parang sobrang conscious na niya. "Guys, ano kaya kung mag-breakfast muna tayo?" biglang sabi ni Xander. "Nagugutom na rin kasi ako." Sumang-ayon ang mga kasama nila. Si Jack naman ay binalingan si Reena. "Nag-breakfast ka na ba? Sama ka na sa amin." "Ha? Nako. . . huwag na. Hindi pa naman ako nagugutom," nahihiyang tanggi ni Reena. Knowing that Lexus is around, alam niyang hindi siya makakakain nang maayos