Chapter X: Jack

1448 Words

MAAGANG PUMASOK sa school si Reena. Maaga kasing umalis ang Daddy niya papunta sa trabaho dahil marami raw siyang aasikasuhin. Ito kasi ang naghahatid sa kaniya papunta sa school. Ayaw naman niyang mag-commute dahil medyo hassle iyon lalo na sa umaga kaya sumabay na siya. Pasado alas sais pa lang ng umaga at halos wala pang tao sa school nila dahil alas otso naman ang unang klase. "Magandang umaga po, Mang Vener," nakangiting bati niya sa isa sa mga Janitor ng school na kasalukuyang nagwawalis sa school grounds. "Nako, mas maganda ka pa sa umaga, Reena! Ang aga mo ngayon, ah? Papanoorin mo na naman siguro ang practice nila Jack." "Po?" nakakunot ang noong tanong ni Reena. Nang mapagawi ang mata niya sa may gymnasium ay naalala niyang sinabi ni Jack na may practice sila sa araw na iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD