Chapter II: Lexus

2695 Words
KANINA pa palakad-lakad si Reena sa kaniyang kwarto. Simula nang magising siya sa may Clinic ay hindi na talaga siya mapakali. Hindi mawala sa kaniyang isipan ang lalaking nakabangga at naiinis siya dahil sa pagkahimatay niya. Nakakahiya talaga! Mabuti na lamang at sinabi ng nurse na marahil ay nangyari ang pagkahimatay niya dahil sa pagkahilo nang mabangga niya ang lalaki. Pero ang totoo ay alam niyang nahimatay lang talaga siya dahil sa pagkabigla sa pagkikita nila ng lalaking iyon na nalaman niyang Lexus pala ang pangalan. Nakausap ito kanina ni Maze habang wala pa siyang malay. Ipinagpapasalamat nga niyang wala na ito pagkagising niya dahil baka mag-histerikal lang siya kapag nagkita sila uli. Nagpaalam daw ang lalaki na may importante lamang aasikasuhin at babalik din kaagad. Pero bago pa man mangyari iyon ay nag-aya na siyang umuwi kay Maze. Mabuti na lang at pumayag ang nurse dahil hindi pa talaga siya handang harapin ang kahihiyang ginawa niya. “Maze, ayoko na! Sa dami naman ng pwedeng paraan, eh, sa ganoong sitwasyon pa talaga kami uli nagkita?! But why?” Napahilamos si Reena sa mukha at napaupo sa sahig dahil sa sobrang frustration. Patuloy lang siya sa pagmamaktol at halos maglupasay na nga siya roon. Napapailing na lamang si Maze habang pinagmamasdan siya. Hindi niya alam kung maiirita ba siya o maiinis sa inaakto ng kaibigan. Nang dahil lang sa isang lalaki ay nagkakaganoon ito. “Maze, paano kapag nakita ko uli siya sa school? Ano na ang mukhang ihaharap ko sa kaniya?” nagpa-panic na tanong ni Reena. Napabuntonghininga naman si Maze at pagkatapos ay bagot na tinapunan ito ng tingin. “Edi ’yang mukha mo pa rin, Reena! Alangan namang mukha ko?” Hindi na napigilan ni Maze na tarayan ito. Hindi na talaga niya alam ang gagawin sa kaibigan. Dahil din doon ay sumasakit na ang ulo niya. “Maze, naman! Damayan mo kaya ako? Namimilosopo ka pa, eh,” ani Reena na lalo pang nagmaktol. Nakabusangot na ang mukha nito. Muling binalingan ni Maze ang kaibigan at hindi makapaniwala ang tinging nakapukol dito. “Damayan? Paano kita dadamayan, aber? Saka . . . sino ba kasi iyon? Bakit ganiyan ka kung maka-react?” kunot-noong tanong pa niya. Nang hindi sumagot si Reena ay mas lalong sumama ang timpla ni Maze. “Bakit hindi ka sumasagot? Kanina pa ako nagtatanong pero wala naman akong matinong sagot na makuha sa iyo, ah? Iyong totoo?” dagdag pa nito. Seryoso nitong pinagmamasdan si Reena na tila binabasa ang bawat ekspresyon ng kaibigan. She’s really curious kung bakit ganoon ka-OA ang reaksyon ni Reena nang makita ang mukha ng lalaki . . . like she saw a ghost. Given nang OA naman ang kaibigan niya madalas, pero iba ang pagkakataong iyon. Nahimatay pa ito. “I don’t even know kung saan mo nakilala ang lalaking iyon. Reena, huh? Umayos ka!” makahulugang sabi pa uli ni Maze na seryoso pa rin ang tinging ibinibigay sa kaibigan dahil tahimik lamang ito at umiiwas ng tingin sa kaniya. Bumangon si Reena mula sa pagkakaupo sa sahig at lumapit kay Maze na nakahiga sa Hello Kitty-inspired niyang kama. May nakaukit na mukha ng sikat na pusa sa headboard niyon. Maging ang unan, kumot, at kobre-kama ay may disenyo rin na may kinalaman sa naturang karakter. Dahil nga paborito ni Reena si Hello Kitty ay halos puro na nga lang iyon ang makikita sa buong kwarto niya. Nilamon na ng sistema. Maya-maya pa ay nagsimula nang magsalita si Reena. “Naalala mo ba ’yong lalaki noong Sabado? Iyong sinusundan natin?” panimula niya nang makaupo sa bandang paanan ng kama. Mabagal ang bawat salitang binitiwan nito na tila ba nagdadalawang-isip pa ito kung ikukwento nga ba sa kaibigan ang lahat. Saglit na napaisip si Maze at halos hindi maipinta ang mukha nang maalala ang tinutukoy ng kaibigan. “Of course! I do remember that guy.” Bumangon na rin siya mula sa pagkakahiga para maharap nang maayos si Reena. Pinaningkitan niya ito ng mata. “Siya kaya ang dahilan kaya umitim ako ng like ten percent?!” Inismiran niya pa ang kaibigan matapos sabihin ngayon. Hindi pa rin kasi niya maiwasang mainis kapag naaalala niya ang bagay na iyon. “Ay, grabe ka! Kalkuladong-kalkulado talaga?” Reena pouted. Napatingin siya sa kaibigan at nang mapagtantong bahagya ngang nangitim ito ay napakagat siya sa labi at nag-iwas ng tingin dito. “Parang . . . hindi naman . . .” halos pabulong na niyang sabi. “Anong hindi? Saka, aba, oo naman ano?! Alam na alam ko ang changes sa skin ko. Alam mo namang mas mahal ko pa sa kahit anong bagay ang kutis ko ’di ba?” mahabang litanya nito. Hindi pa nakakapagsalitang muli si Reena ay muli na naman itong nagsalita na ikinagulat ng huli. Halos mapatalon na nga siya at napahawak sa dibdib. “Which reminds me. May utang ka pa sa aking supply ng gluta, ha. Baka makalimutan mo!” Umirap ito pagkatapos. “Syempre naman, hindi ko iyon nakalimutan. Ano ka ba? Ako na nga ang bahala roon.” Napaiwas ng tingin si Reena at napapikit nang mariin dahil ang totoo ay muntik na nga niya iyong makalimutan. Pasimpleng kinuha niya ang kaniyang cellphone at inilagay sa ‘to-do list’ niya ang pagbili ng sabon nito. Pagkatapos mag-set ng alarm para doon ay muli niyang binalingan si Maze at nginitian ito nang pagkatamis-tamis. Nanatili namang seryoso ang huli at sinamaan pa siya ng tingin. “Just make sure. Or else, kakalbuhin ko ’yang buhok mo,” pagbabanta pa ni Maze na awkward na lang na tinawanan ni Reena. Her friend could be really brutal sometimes but she knew that she couldn’t be that absurd. “Don’t laugh! I’m serious this time,” muling sabi ni Maze at nang mahimigan ni Reena na seryoso ito ay kabado naman siyang napahawak sa buhok at kinilabutan nang ma-imagine kung ano ang pwede nitong gawin sa buhok niya. “Ay, grabe ka talaga! Oo na nga! May word of honor naman ako. Saka huwag na huwag mo lang pakikialaman itong buhok ko, okay na okay tayo, my best friend!” malumanay na sabi ni Reena na tila pinapakalma si Maze. Ilang sandali pa itong nakipagtitigan lang sa kaniya bago ito sumagot sa kaniya na nagbigay ng kaluwagan sa dibdib ni Reena. “Good. Mabuti na ang malinaw,” Maze said triumphantly. “Oh, well, balik na nga tayo sa guy from Saturday. Don’t tell me . . .” Napaawang ang bibig ni Maze dahil sa reyalisasyon. Hindi pa sumasagot si Reena ay alam na niyang tama siya ng hinala dahil sa pagkakalukot ng mukha nito. “So, si Lexus nga ang lalaking iyon?” muling tanong ni Maze, gulat pa rin. Sunod-sunod ang pagtango na ginawa ni Reena. “Yes, that’s him,” pagkumpirma pa niya sa tanong nito. “What a coincidence? Seryoso ka ba?” muli pang tanong ni Maze. Tumango si Reena habang malapad ang pagkakangiti. “Grabe! Hindi talaga ako makapaniwala na magkikita kami uli. At dito pa talaga sa school!” excited na sabi ni Reena. Kulang na nga lang ay lumundag na ito sa kama. Parang kanina lang ay hindi ito problemado at kinakabahan na magkita uli sila ni Lexus. “Ang galing, ano?” sabi pa niyang muli at saka niya kinuha ang isang Hello Kitty pillow. Niyakap niya iyon at pagkatapos ay humagikhik ito habang tila nag-i-imagine na naman. Tinaasan ni Maze ng kilay ang kaibigan. “Ahh. So, ano ba iyan? Feeling mo, destined na kayo para sa isa’t isa niyan? Ganoon ba?” sarkastikong tanong niya rito. Kung makangiti kasi si Reena, akala mo, nanalo siya ng jackpot sa lotto. Binalingan niya si Maze na todo pa rin ang pagkakangiti. “Yes na yes! Feeling ko talaga, siya na ang destiny ko! Aba, in one over one million chances, akalain mo, nagkita uli kaming dalawa. That means something, Mazey!” Impit pang tumili si Reena bago ituloy ang sasabihin with full of confidence level at pati na rin conviction. “Alam mo, Mazey. Ramdam na ramdam ko talaga na . . . the universe perspires for the two of us!” Habang kilig na kilig si Reena, bwisit na bwisit naman ang kaibigan niya sa kaniya. Naalala pa niyang sinabi na rin ni Reena sa ibang mga crush niya na feeling niya ay meant to be sila sa tuwing kinikilig ito. Ayaw man niyang basagin ang trip nito pero sa nakikita niya ay nasosobrahan na talaga ito sa kahibangan. “Reena, hello? Una, maIiit lang naman ang mundo kaya huwag kang ano. Tigil-tigilan mo nga iyang kung ano mang tinitira mo. Mabuti naman sana kung sa buwan o sa ibang planeta nakatira ’yang si Lexus! Baka maniwala pa ako sa pantasya mo.” Inirapan ni Maze si Reena at pagkatapos ay bumuntonghininga. Iyon lang sana ang sasabihin niya, kaso may napansin din siya kanina sa binitawan nitong huling linya. Confident na confident pa naman ito sa pagkakasabi noon. Mabuti na lang talaga, siya lang ang nakarinig dito. Kung hindi, siguradong sira ang reputasyon nito. “Saka, hoy, anong perspire?! Baka conspire po iyon? Nagpapawis na pala ngayon ang universe?” Natawa pa si Maze dahil doon. Bigla tuloy nawala sa isip niya ang pagka-bwisit dito. “Ha? Conspire nga. Iyon nga ang ibig kong sabihin. Baka iba lang ang nasabi ko. Nahihilo pa kasi ako,” pagpapalusot naman ni Reena at humawak pa sa ulo at pumikit pa nang mariin na may kasamang pagdaing para sa mas convincing na pag-acting. Nang lingunin niya si Maze ay mapang-asar ang tingin nito sa kaniya na binalewala na lang niya. “Ah, basta, iyon na iyon! Destined for each other talaga kami ni Lexus. Huwag ka nang kumontra!” pagmamatigas pa nito at saka ito humiga sa kama at tumingala sa kisame na parang nangagarap na naman nang gising habang yakap-yakap ang unan. Napapailing naman ang kaibigan niya at napasapo na lamang sa noo. “Bahala ka nga riyan! Wala ka na talagang pag-asa!” sabi pa niya bago muling bumuntonghininga. Wala nang nagawa si Maze kundi ang sukuan ang kaibigan. Sabagay, hindi naman na bago ang ganoong eksena sa kaniya. She just sighed. *** HINDI mawari ni Lexus kung bakit kanina pa siya napapangiti. Pakiramdam niya ay sobrang saya niya sa araw na iyon at walang maaaring makasira ng mood niya. Isa lamang ang naiisip niyang dahilan noon; ang babaeng nakabanggaan niya kanina. Kung bakit hindi ito mawala sa kaniyang isipin ay hindi niya maintindihan. Sayang nga lang at hindi niya ito pormal na nakilala. Nang bumalik kasi siya sa may Clinic ay nalaman niyang nakaalis na pala ito kasama ang kaibigan. Ang sabi ng nurse ay nagsabi raw ito na uuwi na at sa bahay na lamang magpapahinga. Kasalukuyan siyang nakatambay sa condo ng pinsan na si Xander. Ang ama nito na si Alexander Anderson ang may-ari ng University na nilipatan niya – ang Anderson University. Sila naman ng pinsan ay malapit na talaga sa isa’t isa noon pa mang mga bata sila. Hindi rin nagkakalayo ang edad nila kaya magkasundo sila. Na-miss niya nga ito nang pumunta sila sa States at doon na nanirahan. Ngayon na lang uli sila nagkasama dahil sa tuwing magbabakasyon sina Lexus sa Pilipinas ay nagkakataon namang sina Xander ang nasa ibang bansa. “Hey, nabalitaan ko ’yong nangyari kanina,” biglang sabi ni Xander na nagpalingon kay Lexus. “What?” maang-maangan niyang tanong na tinawanan pa ito. “Ano bang nangyari?” muli pang tanong niya at saka muling napangiti nang maalala ang eksena sa umagang iyon. Napahagalpak nang tawa si Xander dahil sa ginagawa ng pinsan at pabirong sinuntok ang braso nito. Halata naman kasing nagkukunwari lang itong hindi alam kung ano ang tinutukoy niya. “Kunwari ka pang hindi mo alam. Bro, I’m talking about Reena. Grabe na talaga ’yang ka-gwapuhan mo, hinihimatay ang mga babae!” Natawa na rin si Lexus sa sinabi nito at pagkatapos ay umiiling na binalingan ito. “No, it’s not like that. Nagkabanggaan nga kasi kami. Napalakas yata ang impact kaya nahilo siya at nahimatay. That’s what happened.” “Ahh, malakas pala ang impact,” tumatangong sabi ni Xander habang may ibig sabihin ang ngiting ibinibigay sa kaniya. “Kaya naman pala hindi na siya mawala diyan sa isipan mo, eh. O mas dapat kong sabihin na na-stock na rin siya riyan sa puso mo?” pang-aasar pa ni Xander dito na tinawanan lang ni Lexus. “Dude, and corny mo!” sabi pa nito at napapailing. “Nah! Tama ako,” seryoso nang sabi ni Xander at itinuro pa ang sariling mukha. “It’s written all over your face, Lexus Reigan.” Napatikhim naman siya dahil doon at saka saglit na napaisip. Nang balingan niya si Xander ay seryoso na rin siya. “I don’t know, but there’s really something with her.” Matapos sabihin iyon ay muling nag-iwas ng tingin si Lexus at napunta ang atensyon sa kung saan. Tila malalim ang iniisip. Well, totoo naman iyon. It seems like he has seen her before. Hindi nga lang niya maalala kung saan at kailan. It’s just strange because, usually, if he sees a face just like that . . . he never forgets it. Ang isa pang nakapagtataka ay base sa reaksyon ni Reena nang makita siya ay parang kilala siya nito. Nang tanungin naman niya ang kaibigan nitong si Maze ay wala rin itong idea tungkol sa bagay n a iyon. So, there he was . . . left in the verge of curiosity. Naagaw lang ang atensyon ni Lexus nang muling magsalita ang kaniyang pinsan. “Yeah. She’s really something, I see.” Tumango-tango pa ito. Well, knowing Reena, she’s really a special girl. Sikat ito sa school nila dahil sa kakaibang karisma nito. Hindi na siya nagtaka na pati ang pinsan niya ay nabihag ng kamandag ni Reena. “Maybe, that girl’s a witch. She cast a spell on me,” Lexus suddenly said and then laughed at his own thought. Hindi naman kasi talaga siya naniniwala sa mga ganoon kaya hindi niya alam kung bakit iyon pumasok sa isipan. Isa pa ay masyadong maganda ang dalaga para maging isang mangkukulam. Reena was rather a goddess than a witch. That’s her name according to Maze, Reena’s bestfriend. “Ugh! Whatever. I shouldn’t be thinking about her,” muling naibulalas niya at umiling pa nang ilang beses para iwaksi ang nasa isipan. Hindi si Lexus ang tipo ng lalaki na nahuhumaling sa isang babae. Nasanay kasi siya na ang mga babae ang nahuhumaling at lumalapit sa kaniya. What girl could resist a Lexus Reigan Adams, anyway? He could make every girl fall for his charms. Halos nasa kaniya na nga kasi ang lahat – talent, fame, money, at lalong-lalo na ang looks. Hindi na nga niya kailangan manligaw dahil babae na ang gumagawa niyon para sa kaniya. Half-Filipino, half-American si Lexus. Sa edad nitong dise-nueve ay lampas anim na talampakan na ang tangkad nito. Maganda rin ang bulto ng kaniyang pangangatawan dahil sa pagkahilig sa sports at regular na pagdyi-gym. May pagka-messy ang kaniyang kulay kapeng buhok, nangungusap ang kulay kapeng mga mata, at tila labanos sa puti ang balat. Maraming nagsasabi na halos carbon-copy lang siya ng kaniyang ama. Sa mata nga lang nagkatalo dahil nakuha niya ang kulay ng mata ng kaniyang ina. “You’re smitten, bro!” tatawa-tawang sabi ni Xander. Tila nag-e-enjoy ito sa natuklasan sa kaniyang pinsan. “Stop teasing me, Xan. Baka nakakalimutan mo kung bakit ako nagpunta rito sa Pilipinas,” seryosong sabi ni Lexus. Kinuha niya ang huling slice ng Hawaiian pizza na binili nila kanina sa isang fast-food restaurant at inisang subo iyon. Seryoso pa siya habang nginunguya iyon at tila nag-iisip na naman. Natigilan naman si Xander dahil sa sinabi ni Lexus. Tama ito. Hindi niya dapat ito tinutukso sa kung sino mang babae. Iyon mismo ang puno’t dulo ng lahat kaya siya ngayon nasa Pilipinas. Kaya kahit na anong mangyari ay hindi siya dapat lumalapit sa problema. Kahit pa sa babaeng animo’y ginayuma raw siya. Hindi maaari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD