Chapter III: Reason

2369 Words
ONE MONTH AGO . . . “Hey, bro, I just saw Scarlet crying! Did you somehow . . .” Napabuntonghininga na lang ang binata nang makita ang kawalan ng interes sa kaibigan. Hindi na niya itinuloy ang sasabihin dahil alam naman niyang wala ring magiging matinong sagot ito. Napagtanto rin niyang hindi naman na talaga dapat siya nagtatanong dahil knowing Lexus ay tama na agad ang hinala niya sa nangyari. Kampante lamang na nakaupo si Lexus sa driver’s seat ng kaniyang pulang sports car na Ferrari. Nilingon niya ang kaibigang si Stephen na kapapasok lang ng kaniyang sasakyan. Nakatanaw na ito ngayon sa dinaanan ng babaeng tinutukoy nito. “Well . . . she’s a little bit annoying, so . . .” Iyon lang ang sinabi niya bilang pagkumpirma sa sinabi ng kaibigan. Well, Lexus just dumped another girl. Si Scarlet ay isa sa mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya. Wala naman sanang problema roon. Maganda naman ang babae at sexy pero hindi niya na lang talaga kinayang makisama rito. Una ay wala naman silang relasyon nito pero kung makaakto ang babae ay parang pag-aari siya nito. Noong una ay hinayaan na lang niya ito dahil kaibigan niya rin ang pinsan nito. But at some point, he realized that Scarlet was too much to take. Habang tumatagal ay mas naging possessive na kasi ito sa kaniya at clingy. She even causes fights in the campus. Bukod doon, demanding din ito sa kaniya. Marami itong gusto at kapag hindi napagbibigyan ay para na itong nawawala sa katinuan to the point na mag-e-eskandalo na ito. Ang pinakahindi ma-take ni Lexus ay ang pagkakalat nito na girlfriend niya ito. Nagawa pa nga nitong magpakilala sa mommy niya. Which really pissed him off. He never introduced someone to his parents. At dahil naubos na ang pasensya niya ay prinangka na niya ang babae. Iyon nga ang nasaksihan ng kaibigan niyang si Stephen. Nang kausapin niya ang babae ay nag-iiyak ito at halos maglupasay na sa pagmamakaawa sa kaniya. Pero hindi na niya hinayaan pa na mas lumala ang sitwasyon niya kaya sinabi niya na ayaw na talaga niya itong makita. At walang makapagpapabago sa desisyon niya. Ini-start na niya ang sasakyan at saka pinaharurot iyon. “Will Scarlet just be fine?” muling tanong ng kaibigan niya. Seryoso niyang sinulyapan saglit si Stephen. Minsan ay napapaisip siya kung bakit sobrang concerned ng kaibigan sa babaeng iyon. Hindi kaya may gusto ito sa babaeng iyon? Never naman kasing nakialam ito sa mga issue niya sa babae. Kay Scarlet lang talaga. “That’s not my problem anymore,” Lexus said coldly. In the first place, ang babae naman ang nagpipilit ng sarili niya. So, definitely, she should find her way out. Suit herself. Hindi na lang sumagot si Stephen at hinayaan na ang kaibigan. He’s actually one of the closest friends of Lexus in US. Well, more of, he’s really the closest one. Maybe because they were both Fil-Am and their mothers were in the same circle of friends with each other. Hindi na sila nahirapan maging magkasundo dahil halos parehas din naman sila ng mga hilig at libangan. “By the way, where are we going?” maya-maya ay tanong ni Stephen. Ilang minuto na rin silang nasa byahe. “Sa The Dark Mist. Let’s have some fun,” simpleng sagot ni Lexus na ang tinutukoy ay ang paborito nilang club. Napapailing na lang si Stephen pagkarinig sa lugar. Knowing Lexus, may papaiyakin na naman itong babae sa gabing iyon. He’s used to him. Ganoon talaga ito. Mahilig sa babae pero wala namang sineseryoso. Actually, swerte na ang babae kung maka-hangout nito nang dalawang beses si Lexus. Mas swerte ang babae kung pagkatapos ng pagkikita nila ay makikilala siya ni Lexus o magkakainteres pa ito sa kaniya. Tumango na lamang si Stephen at komportableng ihinilig ang ulo sa head rest. Saglit niyang ipinikit ang mga mata at ilang beses na bumuntonghininga para mawala ang gumugulo sa isipan. *** LEXUS was comfortably sitting on the couch while a girl he met at the bar was kissing his neck, trying to seduce him. Her hand found its way inside his shirt and started playing with his abs, while her other hand was caressing his chest. Lexus stayed still while talking with his friends. Of course, they have their own thing. “I heard you broke up with Scarlet,” the girl suddenly said. Her name is Beatrice. She’s a ramp model. Doon ito nag-aaral sa isang campus malapit sa pinapasukan nila. Pagpasok pa lang nila sa bar ay kaagad na itong lumapit sa kaniya at kinuha ang atensyon niya. Beatrice is tall and has a slender body. She also has a tan skin which he finds so sexy. His brows furrowed when he heard the name of Scarlet. It almost made him cringe. Kilala rin pala ito ng babaeng kasama niya ngayon. Siguro ay nakikita rin sila nitong magkasama roon. “Like we’ve been together? We were not even dating,” he said, feeling annoyed. Nakakunot na ang noo niya. Naramdaman ni Lexus na tumigil sa paghalik sa kaniya ang babae. Lumayo rin ito sa kaniya. Nang lingunin niya ito ay may kalituhan ang ekspresyon nito. “So, it isn’t true that Scarlet’s your girlfriend?” the girl asked again. Curiosity was all over her face. “Yes, baby . . .” he answered sweetly then planted a kiss on the girl’s lips. Kahit pa nararamdaman ni Lexus na malapit na siyang mainis dito ay pilit niyang pinakalma ang sarili dahil ayaw niyang masira ang gabi niya. “Really? That is great! I love to hear that,” she said seductively. She looked at Lexus with desire in her eyes. Her happiness couldn’t be contained. As soon as Lexus nodded in response, she started kissing him again. Mas naging mapusok pa ito sa ginagawang paghalik sa kaniya. Lexus kissed the girl back, giving the same intensity. “You taste so sweet . . .” bulong ni Lexus dito nang matapos ang kanilang halikan. Nang akmang hahalikan uli siya ng babae ay pinigilan niya ito at mapaglaro ang mga tinging binalingan ito. “Do you want to go somewhere else?” nakangiting tanong niya. The girl bit her lips and then nodded. *** NAGISING si Lexus sa sunod-sunod na katok sa kaniyang kwarto. Nang i-check niya ang oras ay nakita niyang alas nuebe na pala ng umaga. Alas kuwatro na siya nang madaling nakauwi kaya naman medyo inaantok pa siya. Isa pa ay parang may tama pa siya dahil sa dami ng alak na nainom. “Who’s that? I’m still sleeping!” sigaw niya. But it pissed him even more when the knock on the door just went on. Sa inis niya ay napilitan siyang bumangon. Padabog siyang bumaba sa kama at papungas-pungas na pumunta sa pintuan. Nang buksan niya ang pinto ay nagulat siya nang makita ang ina. “Mom! What are you doing here?” bati niya rito. Yayakapin niya sana ito nang bigla itong umiwas. Nang pagmasdan niya ang ina ay saka niya napansing seryoso ito. “What’s wrong, mom?” “We have something important to talk about,” sagot nito sa kaniya. Seryoso pa rin ang ekspresyon nito. Bihirang maging ganoon sa kaniya ang kaniyang ina. Kadalasan ay nagkakaganoon lamang ito kapag may nagawa siyang kasalanan. Pero wala naman siyang naalalang may nagawa siyang kalokohan nitong nakaraan. Bago pa man muling makapagtanong si Lexus ay naunahan na siya ng ina. “Just go downstairs after you wash up.” Tumango na lang si Lexus. Nang makalabas ang mommy niya ay hindi niya mapigilang mapaisip kung ano ang pag-uusapan nila. Mukhang hindi iyon basta-basta. *** “MOM . . . Dad . . .” bati ni Lexus sa mga magulang pagkababa. Nakaupo ang mga ito sa mahabang couch. Seryoso pa rin ang mommy niya, samantalang tinanguan naman siya ng daddy niya. “Have a sit, son,” sabi ng daddy niya na imwinestra pa ang sofa. Tahimik lang namang tumalima si Lexus. “How are you?” tanong ng ama niya pagkalipas ng ilang sandali. “I’m cool, dad,” matipid na sagot ni Lexus. Tumango ang daddy niya. Alam niya na sinusubukan lang nitong pagaanin ang usapan. Pero gusto na niyang masagot ang katanungang kanina pa bumabagabag sa kaniya. “What are we going to talk about?” muli niyang tanong at salitang tiningnan ang mga magulang. Tumikhim ang ama niya at pasimpleng sinulyapan ang kaniyang ina. ‘What’s really wrong?’ “You’re going to the Philippines.” Ang ama muli niya ang sumagot. Tumikhim pa ito pagkatapos sabihin iyon. Saglit namang natigilan si Lexus. ‘Why Philippines? Ano ang gagawin ko roon?’ Kunot ang noo ni Lexus na binalingan ang ama. Parang sumasakit tuloy lalo ang ulo niya. “What? Why am I going to the Philippines? I’m still studying here, dad.” Wala siyang maisip na dahilan tungkol sa bagay na iyon. Hindi mapigilang madagdagan ang mga tanong sa kaniyang isipan. “You’ll move to another school. Sa school ng pinsan mo,” sagot naman ng kaniyang ina. Ang kaniyang ama naman ay kinuha ang kape sa katabing lamesa nito at humigop doon. Halos hindi maiproseso sa utak ni Lexus ang sinabi ng ina. Bakit ba talaga niya kailangang lumipat sa Pilipinas? “Are we going to live in the Philippines?” Iyon ang unang pumasok sa isipan niya. Maaaring iyon ang rason. Baka na-miss lang nila ang Pilipinas. “No. Ikaw lang ang pupunta roon. Naka-ready na ang mga papeles mo,” her mother said again and gave him a folder. Nang i-check niya iyon ay maayos na rin pati ang kaniyang school records. May plane ticket na roon at passport. Hindi alam ni Lexus kung ano ang mararamdaman. Are they sending him away? Gusto niyang isatinig iyon pero hindi niya magawa. Nanatili lang siyang tahimik habang naghihintay pa sa sasabihin ng mga ito. “You’ve been getting through a lot of troubles. So, we thought that it’s best for you to move. Matagal nang naka-ready ang pag-transfer mo. Kinausap kami ng school na pinapasukan mo. Sila rin ang nag-advice sa amin na ilipat ka na ng school,” mahabang paliwanag ng kaniyang ama. ‘So, this explains this all.’ “But, why, Philippines? Pwede rin namang dito sa US?” muling tanong niya. Ang mommy niya ang sumagot sa tanong na iyon. Seryoso pa rin ito hanggang sa pagkakataong iyon. “This is the best option, Lexus. We think that the environment you’re in is not good for you. Maybe you need another environment, so, you could change.” “Mom!” bayolenteng reaksyon niya. Hindi niya alam pero may sakit na bumahid sa kaniyang dibdib sa sinabi ng mga ito. Maya-maya pa ay muling nagsalita ang mommy niya. “Nakausap ko kahapon si Scarlet. She’s crying over the phone. Nakita ka raw niya na nasa bar at may kasamang ibang babae. She even sent us pictures. I did not raise you to be like that, Lexus. I’m really disappointed. Scarlet is a good girl,” mahabang litanya nito na pinagagalitan siya. Doon niya na-realize na si Scarlet pala ang may kagagawan ng lahat ng iyon. ‘That crazy girl! Ano bang problema niya?’ Gigil na gigil si Lexus. Kung kasama niya lang ngayon si Scarlet ay baka kung ano pa ang magawa niya rito. Ilang sandali pa ay nagawa niyang pakalmahin ang sarili at muling hinarap ang mommy niya. Huminga muna siya nang malalim bago magsalita. “Mom, she has nothing to do with me. She’s not my girlfriend,” protesta ni Lexus. “We’re not even dating.” “I’m not buying that, Lexus. And even if that’s true, you should’ve just stayed away from those girls. Not playing with them.” Mas lalo lamang sumeryoso ang mommy niya sa isinagot niya. Well, he’s not expecting her anyway na paniwalaan siya nito. Mukhang pati nga ito ay napaikot na rin ng babaeng iyon. Una ay ang best friend niya. Ngayon naman ay ang mga magulang niya ang pumapanig kay Scarlet. “Honey. . .” Hinawakan ng kaniyang ama ang balikat ng kaniyang ina, pinapakalma ito. Pagkatapos ay binalingan siya nito. “Just agree with our decision, son. Your mom has been stressed about this stuff,” anito at binigyan siya ng makahulugang tingin. Natahimik si Lexus. So, naging source of stress pa pala siya sa mommy niya. Too bad of him. Wala na yata siyang nagawang maganda. Pero bakit ba niya kailangang magpaubaya kung wala naman talaga siyang ginagawang masama. In the first place, si Scarlet ang nagpumilit ng sarili sa kaniya. Tinapos lang niya ang kahibangan nito. “Lexus, anak, para sa iyo rin ito,” her mom said then sighed. Mukhang kumalma na ito. Si Lexus naman ay hindi na maintindihan ang nararamdaman. Halo-halo na ang kaniyang emosyon. “Please, I don’t want to see you like this. Nandoon naman ang pinsan mo. I know you’re close with Xander. At hindi ka nila pababayaan ng Tito Alex mo. We’ll visit you when we have time,” dugtong pa nito sa sinabi na tila pilit na pinapaintindi sa kaniya ang sitwasyon. “Doon ka na lang tumuloy sa condo natin,” sabi naman ng daddy niya. “Malapit lang iyon sa Anderson University kaya magiging maayos ang lahat para sa iyo.” Tinapik ng daddy niya ang kaniyang balikat matapos sabihin iyon. Bakas ang simpatya sa mga mata nito pero sa kabila noon ay mukhang final na ang desisyon nito. ‘So, this is it? My mom and dad are sending me away and I have nothing to do with it?’ Ano pa nga ba ang magagawa niya? Kung hindi siya aalis ay mahihirapan lang ang mommy niya. Nai-stress na nga raw ito. At siyempre, pati na rin ang daddy niya ay mahihirapan sa sitwasyon. He loves them both kahit sobrang pasaway niya, so kahit mabigat sa kalooban niya, he should really go. No, he must. Lexus gave out a deep sigh before turning back his attention to them. “I’m so sorry for causing you trouble. I’ll go to the Philippines, then,” he said before walking away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD