DX EARLIER…. Pagdating nila sa mansion ay agad na umakyat sila at tumuloy siya sa kanyang silid. Naiwan sa labas si Jasmine at doon naghihintay. Nang makapasok ay dali daling tinawagan ang kanyang ina. “Mommy, paki tawagan si Uncle JC, sabihin mo dadalhin ko si Baby DX ngayon sa Gonzalgo Hospital at sa VIP room ng mga Montemayor siya mag-stay. At kapag nagtanong si Jasmine palabasin hindi maganda ang kalagayan ng aming anak.” “Bakit kailangan gawin yon at tuturuan mo pang magsinungaling ang tiyuhin mo?” “Please mommy kasi naririto si Jasmine sa labas ng aking silid. Pupunta kami dyan sa kwarto mo ngayon pero kailangan mo siyang dalhin sa dining room. At ako na ang bahala kay Baby DX.” “Fine!” “Thank you mommy ko.” alam niyang hindi kumbinsido ang ina sa gagawin niyang kasinungalinga