JASMINE POV. HINDI siya mapalagay habang naghihintay sa paglabas ni Xander. Kung ano-anong pumapasok sa isipan kaya ng bumukas ang pinto ay agad siyang umayos ng pagkakatayo. “Ano pala ang kalagayan ni Baby DX, anong sabi ng doktor niya malala ba raw ang kanyang sakit?” sunod sunod niyang tanong kay Xander pero sa halip na sumagot ay nagpatuloy na itong nag lakad patungo sa silid ng ina nito. “…. Xander, sagutin mo naman ako bakit nagkasakit si Baby DX?” muling tanong niya dito habang nakasunod siya sa likuran. Huminto ito sa paghakbang at humarap sa kanya. “Dahil hindi natutulog at iyak lang nang iyak. Ang sabi ni Uncle JC ay hinahanap ka raw ng bata kaya ganon.” bago muling humakbang at iniwan siya. Kaya mabilis ang hakbang na humabol dito. Hindi na rin siya nakasagot lalo pa at nasa