JASMINE NAPAHINTO siya sa paglapit ng matanawan ang isang babaeng nakatayo sa gilid ng sasakyan ni ER. At agad siyang kinabahan ng mamukhaan ito. Walang iba kundi ang asawa ni Xander, akmang lalapitan ito nang biglang may humila sa kanya. “S-Sino ka b-bitawan mo ako!” “Hindi mo ako natatandaan, Ms. Jasmine? Sa narinig ay kumunot ang kanyang noo. Iniisip kung sino ang lalaking ito at ayon pa dito ay kilala raw niya ito. “I’m sorry, hindi eh.” Nagyuko siya ng ulo at binabalikan sa isipan ang mga nakaraan kung saan ba niya nakita ang lalaking ito. At isang alaala ang pumasok sa isipan ang bahay na pinagdalhan sa kanya ni Xander noon. Pagkatapos ay tinitigan niya ito sa mukha. “Remember me?” “Ikaw ba yung pinsan ni Xander?” “Oo pinsan niya ako pero marami siyang pinsan. So, naalala mo n