CHAPTER- 4

1834 Words
DX POV. SA ilang araw pa lamang ng aking bakasyon ay marami ng nangyari sa buhay ko. Ang dating tahimik kong buhay sa military ay biglang nagkagulo gulo. Nagsimula iyon sa break up namin ng aking fiancée. “Pinsan, kaya naman pala natutuliro ka ay talaga namang napakaganda ni Jasmine.” Sa aking narinig ay napalingon ako sa parating na babae. At hindi ko agad siya nakilala sa kanyang ayos. “Hey! General Deanz Xander! Hoy! Wala na natulala ka na riyan huh!” “Ha? May sinasabi ka ba, Princess Martha?” “Ay wala po General, ang sabi ko ay pwede na tayong umalis. Kasi naririto na ang dewata ng kariktan.” Pang-aasar ng pinsan ko habang pakindat kidat pa sa akin kaya kumilos na ako. “Let’s go…. “Oh, akala ko nasa labas na kayo at naghihintay sa tapat ng main door?” akmang sasagutin ko si Mommy ng unahan ako ni Princess Martha. “Hay, naku! Tita Cassy, ito kasing si General DX ay gustong siya ang unang makakakita sa kanyang lalabs. Kaya gustong dito raw kami maghintay.” Sa aking narinig ay pinandilatan ko ng mata si Princess Martha. Kung ano-anong lumalabas sa bibig na hindi naman dapat. Pero sadya yatang may kakulitan ang pinsan kong ito. At sa halip ay humagikgik pa ng tawa. “Aalis na po kami Mommy.” At humalik na ako kay Mommy. “Mag-ingat kayo.” “I will, Mommy.” Subalit hindi kami sa shopping mall humantong kundi sa mansion ni Tita Samantha. Kaya inulan na naman ako ng tuksuan mula sa triplets na sina Snow, Winter at Summer. “Kuya DX, bilis bilisan mo at nang abutan mo pa ang magiging mga anak mo sa college.” Panunukso sa akin ni Summer, at napahilot na lang ako sa aking leeg. Bakit kasi umedad ako ng ganito at wala pang asawa kaya tampulan tuloy ng tukso. “Magsitigil kayo at ikaw Summer, parating na ang Daddy mo. Kapag nakarating sa kanya ang tungkol sa yung mga babae. Wala na akong magagawa sayo, siguradong raratratin ka na naman ng semon.” “Bakit kasi binibigyan mo ng pansin ang mga yon Mommy ko. Mga flirt naman ang mga babaeng yon na nagpapanggap silang babae ko kahit ang totoo ay hindi ko nga sila kilala huh!” “Tantanan mo ako Summer, baka gusto mong tawagan ko ang Kuya Ken Ken mo?” “Joke lang po Mommy ko. Good boy na po ako at promise hindi na ako titingin sa mga babae.” Natawa na lang ako sa pagka playboy ni Summer. Mukhang nagmana kay Uncle Levi ang isang ‘to. “Kuya DX, look at her ‘di ba bagay sa kanya ang suot niya?” sabay sabay kaming napalingon sa malakas na boses ni Princess Martha. At nang makita ko ang pinasuot niyang damit kay Jasmine ay mabilis kong nahubad ang suot kong jacket. “Bakit ganyan ang pinsuot mo sa kanya?” sabay balot ko sa katawan niya ng jacket ko. Dahil ang mata ng triplets ay nakatutok sa halos hubad ng si Jasmine. “Bakit bagay naman sa kanya ah!” “Hindi bagay, masyadong maikli. Nasaan ba ang mga damit na sinasabi mo?” “Ang mabuti pa ay umakyat ka na sa Private room ni Princess Martha. Ikaw na ang mamili doon ng papasa sa paningin mo. At ikaw Princess tawagan mo ang Kuya Ken Ken. Sabihin mong umuwi muna dito at naririto ang Kuya DX.” “Sure, Mommy ko.” “Go, DX, umakyat na kayong dalawa.” “Sige po Auntie Samantha,” at naglakad na akong paakyat habang hila ko si Jasmine. Pagdating namin sa elevator ay hindi na ako nakatiis. “Ayaw kong nagsusuot ka ng ganyan kaikli.” “Sorry Xander, iyon kasi ang pinasuot sa akin ng pinsan mo.” “Kaya nga sa susunod ay huwag mo ng uulitin yon.” “O-Okay.” Pagdating namin sa isang silid na may nakasulat na "Princess Martha Private room." Pumasok agad kami sa loob, ang malawak na silid ay puno ng mga gamit pambabae. Kumpleto iyon mula sa accessories, bags, shoes, sandals, make up at etc. Gano’n din ang lahat ng damit mula pang summer hanggang pang winter. At dahil nasa Pilipinas naman kami ay doon ko siya dinala sa mga pang summer. Naupo ako sa mahabang sofa at siya ang hinayaan kong pumili. “Sige na magsukat ka na at pumunta ka dito upang makita ko kung babagay sayo.” “Sige, Xander.” Ngaunit namataan ko ang sapatusan at nagtungo ako doon. Isa-isa kong minasdan ang mga sandals kumuha ako sa lahat ng kulay na meron. Inilagay ko sa gilid at bumalik ako sa sofa. Nakita kong nakatayo na roon si Jasmine habang nakasuot ng bestidang kulang peach. At bagay na bagay sa kanya napaka elegante niyang tingnan. Hanggang tuhod ang haba at hindi masyadong malalim ang neck line. “Yan, bagay sayo sige magsukat ka pa.” “Ilan ba dapat?” “Kahit ilan o mas’ mabuting damihan mo upang kahit hindi na tayo lumabas muli.” “Hindi ko rin naman masusuot ang mga ito. Dapat mga pambahay lang at hindi ganitong pang party.” “Pang party ba ang ganyang damit?” “Y-yeah.” Tumahimik na lamang ako at hindi na nag-comment baka ma-offend pa siya kapag sinabi kong pambahay lang ang mga yon sa mansion. Ang mga pang-party kasi ay long gown kagaya ng mga sinusuot ng mga pinsan kong babae. “X-Xander, pasensya ka na kung wala akong idea sa mga gusto mong damit para sa akin. Isa pa ang mamahal ng mga ito, sa totoo lang ay nalulula ako sa mga nakikita ko. Ilang piraso pa lang ng mga damit ni Princess Martha ay parang kabayaran na ng buong pagkatao ko.” “Jasmine! Huwag na huwag mong ikukumpara sa halaga ang yung sarili, maliwanag ba?” “O-Okay… iyon kasi ang lagi kong naririnig sa bahay dati…. “Anong sinasabi nila sayo?” “Na ilang libo lang daw ang halaga ng buhay ko. K-Kaya nga g-ginawang pambayad utang nila a-ako.” “At sino ang nagsabi niyan sayo?” “Si P-Papa, i-iyong gabing nakita mo ako, tumakas ako noon sa taong pinagkakautangan ni P-Papa.” Sa aking narinig ay may naalala ako, ibig bang sabihin ay siya ang babaeng may takip ang mukha. Ang ibinigay sa akin ng araw na yon bago sumapit ang gabing nag hiwalay kami ng fiancée ko? Kaya pala familiar siya sa akin ng hawakan ko siya ay parang naramdaman ko na siya noon pa. “Sino ba ang Papa mo, meron ba siyang posisyon sa gobyerno?” “O-Oo…” Alam kong may gusto pa siyang sabihin ngunit nagyuko na lamang ng ulo. At malaking palaisipan sa akin kung totoong anak siya ng politician. Paanong hindi siya pinag-aral ng college? May mali talaga sa pagkatao ni Jasmine. At hindi ko mapigilan na makaramdam ng awa sa kanya. Pakiramdam ko ay napakainosente niya sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Meron din malaking kinatatakutan ayon sa paiba iba niyang mood. “Jasmine, halika doon tayo sa mga sapatos. Magsukat ka ng kasya sayo at pagkatapos ay doon tayo sa mga jeans at blouse. Baka meron kang magugustuhan sa mga damit na gano’n.” Pag-iiba ko ng topic namin upang mawala sa isipan ni Jasmine ang mga alalahanin. “Sige Xander, salamat.” Hinawakan ko siya sa braso at dinala sa salansanan ng mga sapatos at sandals. Pagkatapos ay naupo ako sa upuan na naroon at hinayaan siya. At habang abala siya sa pagsusukat ay may kausap ako sa email. Kailangan kong malaman kong sino talaga si Jasmine. Dahil nararamdaman kong kailangan niyang protektahan. “Here, okay lang ba sayo ang sandals na ito para sa akin?” “Kahit ano basta gusto mo, ang ayaw ko lang ay sa mga damit na puro pa-sexy at masyadong maiikli.” “Sige, ikaw na ang pumili at isusuot ko naman yon basta pasado sayo.” At ngumiti pa siya sa akin, isa pa ang kanyang ngiti. Kahit pilitin na maging masaya ay nasasalamin ko sa mga mata niya ang matinding kalungkutan. “… ahm… may tanong pala ako.” ‘Yes, go ahead at makikinig ako.” “Bakit pala parang maliit na shopping mall ang silid na ito ng pinsan mo? a-ang ibig kong sabihin ay hindi ba siya nagpupunta sa mismong mall upang doon mag-shopping?” “Hindi, dahil delikado sa kagaya niya ang basta lumabas labas. Isa pa walang limited dito na ganyang mga brand. Ang lahat ng yan ay limited mula pa kung saan-saang bansa. Si Auntie Samantha ang umu-order ng lahat na naririto. Sa amin naman ay puro panlalaki ang Private room dahil wala kaming kapatid na babae. At si Mommy ko, ang Private room niya ay hindi pwede sayo dahil puro pang elders. Unless willing kang magsuot ng pangmatanda?" Sa aking huling sinabi ay natawa siya at ngayon ko lamang siya nakitang tunay ang ngiting namutawi sa kanyang labi. “I see." "Saka kahit saang mansion Montemayor, lahat merong sariling Private room. Kaya hindi na kailangan magdala ng damit kung magpapalipas ng gabi sa ibang mansion.” “Grabe ang yaman talaga ng angkan ninyo.” “Sa bagay na yon ay wala akong masasabi kasi nakagisnan ko na lang ang ganitong buhay.” “Mabuti at hindi sila ang namimili ng magiging asawa ninyo?” “Hindi sila nakikialam, maliban kung bata pa lamang ay naipagkasundo na kagaya ni Uncle JC at Lolo Dave. Nasa tiyan pa lamang daw si Lola Trisha ay naipagkasundo na silang dalawa.” “I see, i-ikaw mabuti at hindi ka napagaya sa kanila.” “Ayaw din ni Daddy Delta, gusto niya ay malaya kaming pumili ng babae. Yon nga lang kung sino ang babaeng inakyat sa mansion ay siya ang kailangan maging asawa.” “K-Kaya pala bigla kang nagka problema. Pasensya ka na nang dahil sa akin ay nalagay ka sa alanganin.” “Bakit ka humihingi ng pasensya, ako naman ang nagdesisyon na dalhin ka dito sa mansion. Isa pa ay huwag kang humihingi ng sorry kapag alam mong wala ka namang maling ginawa. Hindi porke’t mayaman ang kaharap mo o may mataas na pinag-aralan ay magyuyuko ka ng ulo. Kumilos ka ng normal dahil iisa lang tayong lahat ng karapatan.” “Sige, lagi kong tatandaan ang mga sinasabi mo, Xander.” “Good, sige na tapusin mo na ang pagsusukat ng mga damit.” “Sige, salamat muli.” Tinanguan ko na lamang siya at sumandal na ako sa upuan. Sinilip ko rin ang email na pumasok at napaayos ako ng upo sa aking nabasa. Tumiim ang bagang ko sa kaalamang konektado ang ex-fiancee ko kay Jasmine at sa nangyari sa kanya ng gabing yon. Matagal na pala niya akong niloloko, at tama ang salita ni Congressman. Marami nga pala kami sa buhay ng babaeng yon. =
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD