JASMINE POV.
NALULULA ako sa dami ng paper bags na dala ng mga bodyguards. Hindi ako pinayagan ni Xander na mag-akyat ng mga iyon sa aking okupadong silid. Sapagkat tumuloy kami sa dining area, naroon daw ang parents niya at naghihintay sa amin.
“Kumusta ang shopping niyo?” wika ni Mommy Cassy, pagkakita sa aming dalawa ni Master DX.
“Hindi po kami sa mall nagpunta kundi doon sa bahay ni Princess Martha. Ayaw rin pabayaran ni Tita Samantha ang lahat ng napili ni Jasmine.”
“Good! Mas mabuti at doon na lamang kayo nagtungo. Ahm… Hija, come with me at may pag-uusapan lang si DX at Daddy Delta.”
“Sige po, M-Mommy Cassy.”
Hindi ko alam paano kikilos ng tama habang magkasama kaming dalawa. Natatakot akong magkamali at ma-disappoint sa akin.
“Hija, may problema ka ba?”
“Umn… w-wala namn po M-Mommy Cassy.” Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang Mommy. Siguro dahil sa guilt na nararamdaman ko. Napakabuti nila sa akin pagkatapos ay marami akong itinatago sa kanila na hindi ko maaaring sabihin.
“Kung anuman ang nagpapagulo sa yong isipan ay maaari mong sabihin sa akin. Handa akong makinig Jasmine. At kung hindi mo pa kayang sabihin ay magdasal ka na lamang. Anuman ang nagpapahirap sayo ay ihayag mo sa panginoon ang yung mga hinaing. Hindi man siya agad sasagot sa iyong kahilingan pero darating ang tamang oras na kanyang diringgin.”
Sa aking mga narinig ay muli kong naalala si Mama. Ganito rin siyang manalita, lagi lang daw akong magdadasal at hindi niya ako pababayaan. Pero sa nangyayaring ito sa akin ay parang ang hirap paniwalaan na merong Diyos.
“I know, kung gaano kahirap ang sitwasyon mo ngayon. Sinabi sa amin ni DX, ang kanyang mga natuklasan.”
“A-Ano po ang ibig mong sabihin M-Mommy Cassy?” kinabahan ako sa tinutungo ng kanyang pananalita.
“Halika maupo tayo doon.” aniya pa at habang nakasunod ako sa kanya ay palakas ng palakas ang kaba sa aking dibdib.
“Jasmine, huwag mo sanang iisipin na pinapaalis ka namin dito sa mansion. Kaya kita gustong kausapin ay napagkasunduan namin na ilipat ka ng lugar.”
Hindi ako sumagot pero tuluyan nang tumulo ang aking luha. Hindi dahil sa gusto nila akong ilipat ng ibang lugar. Pero sa maikling panahon na nakasama ko sila ay ngayon ko lang nadama ang pagmamahal ng isang tunay na pamilya.
“Huwag kang umiyak, sa bagong tirahan mo naman ay nakakasiguro kaming ligtas ka doon.”
“Iyon po ba ang gusto ni M-Master DX?”
“Yes, Jasmine, at huwag ka sanang magtatampo sa kanya. Ginagawa ng anak ko yon para sa kapakanan mo. Gusto niyang masiguro na walang sinuman ang makakaalam kong nasaan ka. At alam kong alam mo rin ang posisyon niya sa gobyerno. Dahil kapag nalaman ng yong ama kung nasaan ka siguradong gagawa at gagawa siya ng paraan upang mapabagsak sa pwesto si DX. Alam mo naman siguro kung ano ang tunay na status ng yung ama. Isa pa baka bigla siyang dumating dito ay kunin ka.”
Napatango na lamang ako sa lahat ng sinasabi ni Mommy Cassy. At kahit ayaw kong umalis ay kailangan ko silang sundin.
“Jasmine.”
“Po?”
“Come here.”
Lumapit ako sa kanya ang akala ko ay kung ano pang sasabihin niya ngunit yayakapin lang pala niya ako.
“Huwag kang malungkot, paminsan minsan ay dadalawin ka naming doon. Saka lagi rin bibisita sayo si DX, at may makakasama ka rin doon.”
“O-opo Mommy Cassy.” At sa puntong yon kahit gusto kong pigilan ang pag-iyak ay napahagulhol pa rin ako.
“Isipin mo lang na laging kaming naririto, kahit malayo ka sa amin ay hindi naman mawawala ang communication natin.”
“S-Salamat po.”
“Saka sa pupuntahan mo ay magsisimula ka ng mag-aral. Meron na kaming contact doon na magtuturo sayo. Kailangan mo rin maging strong dahil ang nakatakda mong maging asawa ay hindi ordinaryong lalaki lamang.”
“T-Talaga po bang ipapakasal niyo ako kay Master DX?”
“Bakit ayaw mo bang maging asawa ang anak ko?”
“G-Gusto po, po pero baka hindi po niya ako magugustuhan. Maraming babaeng mas’ babagay sa kanya hindi ang kagaya ko.”
“Huwag mong maliitin ang yung sarili, at kagaya ng pangako ko sayo. Makakapagtapos ka ng kursong gusto mo. At mas’ mahihigitan mo pa ang mga babaeng sinasabi mong babagay sa aking anak. Isa lang ang hinihiling ko sayo, pakamahalin mo sana si DX. Dahil sinisiguro ko sayo na sa bandang huli ay makakamit mo rin ang lubos na kaligayahan.”
“Ayaw ko pong mangako na mapapaligaya ko si Master DX. Dahil wala po akong karanasan sa relasyon. Pero isa lang po ang hininhingi ko sa inyo. Ang inyong tiwala, at lagi ko pong tatandaan ang mga salita mo, Mommy Cassy.”
“Salamat, Jasmine.”
“Salamat din po, Mommy Cassy.”
Matapos ang pag-uusap namin ni Mommy Cassy, ay umakyat na ako sa aking okupadong silid. Nadatnan ko doon ang passport ko. Meron din dalawang maleta doon kaya tinungo ko na ang closet. Kinuha ko lahat ng damit ko doon at ipinatong sa ibabaw ng kama. Isa-isang tinupi ko iyon at habang ginagawa ko ay hindi ko mapigilan ang pagpatak ng aking luha. Damang dama ko ang kalungkutan, noong dinala ko ni Master DX dito. Totoong napakasaya ko, dahil kahit hindi ko sila kapamilya ay pinaramdam nila sa akin ang aking kahalagahan. Lalo na si Mommy Cassy, napakabait niya gano’n din si Daddy Delta. Kahit mayaman sila ay hindi sila matapobre. Kaya naman ay napalapit agad sila sa puso ko.
“Jasmine, umiiyak ka ba?”
Nang marinig ko ang boses ni Master DX ay agad akong tumakbo palapit sa kanya at yumakap ng mahigpit. Sumbsob ako sa kanyang katawan at hindi na ako nahiyang umiyak. Sa lahat ng taong nais kong pasalamatan ay siya. Dahil sa kanya ay ligtas ako at nasa maayos na kalagayan.
Akmang lalayo ako ng maramdaman kong gumanti siya ng yakap sa akin. Hinaplos din niya ang aking buhok kaya hindi ko napigilan ang mapatingala sa kanya. Subalit nanlaki ang aking mga mata nang bigla siyang nagyuko at mabilis akong hinalikan. At akala ko ay bibitawan din agad niya ako ngunit hindi nangyari. Bagkus at binuhat pa niya ako habang magkahinang ang aming labi. Kusa na ring pumalibot ang mga braso ko sa kanyang leeg. Nalalasing ako sa kakaibang pakiramdam, gano’n pala ang halik napakasarap. Kaya ng bitawan ni Master DX ang labi ko ay nakaramdam pa ako ng panghihinayang.
“Kapag naroon ka na ay huwag kang makikipag-usap sa kahit sinong lalaki, okay?”
“O-Opo… ahm… O-Oo, Xander, susundin ko lahat ng sasabihin mo.”
“Wait for me there, kaya lahat ng task and responsibility na ipapagawa sayo ay gagawin mo. When the time comes, ay magkakasama na tayo at hindi na magkakalayo pa.”
“Pangako, hindi ako titingin o makikipag usap sa kahit sinong lalaki. At maghihintay ako sa pagdating mo.”
“Good, ayusin mo ang yung sarili at simula ngayon ayaw kong umiiyak ka. Be strong lalo at malayo ako sayo, okay?”
“Oo, wait lang.” at tumakbo na ako sa loob ng banyo. Naghilamos at inayos ko ang aking sarili. Paglabas ko ay nakaupo si Master DX sa gilid ng kama habang nakatingin sa akin. Akmang mauupo ako sa tabi niya nag buhatin niya ako at doon ako inupo sa kanyang lap.
“Here, ito ang gagamitin mong cellphone mula ngayon. Wala kang pagbibigyan ng number kahit sino, dapat ako lang ang naririyan sa phonebook mo.”
“Promise, ikaw lang X-Xander.”
“Okay, let’s selfie upang kahit malayo ako sayo ay kasama mo pa rin ako sa cellphone mo.”
“Sige,” at yumakap na ako sa kanya. Siya naman ay humalik sa akin bago nag click ang camera. May mga kuha din kami na nakahiga habang nasa ibabaw niya ako. Meron din solo ang bawat isa sa aming dalawa. Kinuha rin niya ang picture namin at nilagay sa kanyang cellphone. Akmang aalis ako sa ibabaw niya ang humigpit ang mga bisig niya sa aking likuran.
“Stay, mamaya pa naman ang alis natin. Ihahatid kita hanggang sa bahay na tirahan mo. Pero hindi ako maaaring magtagal doon dahil baka may makakilala sa akin. Kailangan nating mag-ingat for your safety. At makaiwas na rin sa mga issue na maaaring ibato nila sa akin.”
“Sige, Xander…. M-mag-iingat ka din sa trabaho mo.”
“Huwag mo akong isipin o alalahanin, basta ang lagi mong tatandaan ay darating at uuwi ako sayo. Kaya wala kang gagawin kundi maghintay at magtapos ka ng yung pag-aaral.”
“Promise, magsisikap ako para may panlaban ako sa mga babaeng magtatangkang agawin ka sa akin.”
“Bakit yon ang iniisip mo?”
“Eh, kasi alam ko naman na maraming babaeng hahanap at hahanap ng pagkakataon upang mapalapit sayo,”
“Hindi ako tumitingin sa gano’n, nakita mong umedad na ako ng ganito ay isa lang ang naging girl friend ko. At ikaw ang last dahil nasa iyo na ang karapatang dalhin ang pangalan ko. Nakatakda ka rin na maging asawa ko kaya alisin mo sa isipan ang bagay na yon.”
“Paano mawawala sa isipan ko ay ang gwapo mo kaya.”
Nakita kong napangiti siya at unang beses kong nasilayan iyon sa kanyang labi. At halos matulala ako sa pagtitig sa kanya dahil mas’ lalo pa siyang naging gwapo.
“Silly, mas maraming guwapo sa pupuntahan mo kaya dapat ako ang matakot. Baka ipagpalit mo ako sa ka-edad mo.”
“Hindi ah, ikaw lang ang gusto ko at saka nahalikan mo na kaya ako. Sabi ng Mama ko, kung sino daw ang first kiss ko ay hindi ko na siya maaaring kalimutan.”
“Ibig mong sabihin ay ako ang unang halik mo?”
“Oo, kaya nga noong ipambayad ako sa utang ay tumakas talaga ako. Kasi siguradong matanda yong pinagkakautangan ni Papa.”
“Gano’n?”
“Yeah… teka bakit ka tumatawa riyan may nakakatawa ba?”
“Wala naman, paano pala kundi ka nakatakas ng gabing yon. Sigurado matanda yong unang halik mo?” Aniya pa na kinakunot-noo ko dahil tawa pa rin siya ng tawa.
“Pinagtatawanan mo ako, ano ba kasi ang nakakatawa?”
“Wala sweetheart, masaya lang ako.”
Hindi na ako nagsalita at nanatiling nakayakap lang sa kanya. Ganito pala ang pakiramdam ng may karelasyon.... at napangat ako ng ulo sabay tingin sa mukha niya.
"Bakit sweetheart may gusto ka bang sabihin?"
"Ahm.... may itatanong sana ako."
"Yes, go ahead sweetheart."
"M-May relasyon na ba tayo.... a-ang ibig kong sabihin ay boyfriend girlfriend na ba tayong dalawa?"
"Hindi....
"Ha? eh anong tawag sa ganitong ginagawa natin?"
"Fiancee, kasi nakatakda ka na para maging asawa ko."
"I see..." at napangiti na ako mas' higit pa pala sa boyfriend girlfriend ang relasyon naming dalawa.