JASMIN
HATINGGABI na ay gising pa rin ako dahil sa pag-iisip. Maraming gumugulo sa aking isipan. At natatakot akong malaman nila ang buong katotohanan. Siguradong palalayasin nila ako rito at wala na akong chance sa kamay ng mga taong ilang beses nang nagtangka sa buhay ko.
Noong gabing iniligtas ako ni Master DX, ay nagkaroon ako ng pag-asa. Lalo na ng dalhin niya ako dito sa mansion nila. Hindi ko rin inaasahan na ganito pala kayaman ang lalaking tumulong sa akin. Kaya naman ay lahat gagawin ko upang huwag lang nila akong paalisin dito. Pero dahil sa painting ko na naroon sa kwarto ni Master DX, ay nagkaroon ako ng matinding takot.
“Hija, hindi ka ba makatulog?” narinig ko ang mahinang katok mula sa labas ng nakaawang na pintuan. Hindi ko pala yon naisarang mabuti kaya marahil ay nakitang may ilaw pa.
“Po? Ahm… medyo po.” At mabilis kong pinunasan ang aking mukha. Nakakahiya kung makikita akong umiiyak baka isipin na ayaw ko dito o nahihirapan ako sa gawaing bahay.
Nang masiguro kong maayos na ang aking sarili ay naglakad na akong palapit sa pintuan at pinagbuksan ang mabait na ina ni Master DX. “Pasok po, Ma’am Cassy.”
“Anong gumugulo sa isipan mo at gising ka pa sa mga oras na ito?”
“Ahm, w-wala naman po, siguro naninibago pa rin po ako sa bago kong kapaligiran. Isa pa ay nahihiya po ako sa inyo lalo na sa anak niyo po. Parang nagkakaroon siya ng problema dahil sa akin.”
“Bakit mo naman yon naisip, malay natin na ang pinoproblema ni DX ay ang pagbabalik niya sa kanyang trabaho. Ilang buwan lang ang bakasyon niya at babalik na siya serbisyo.”
“Ahm, s-saan po ba nagtatrabaho si Master DX?”
“Hindi ba niya nabanggit sayo?”
“H-Hindi po eh,” at napakamot na lamang ako sa aking batok.
“Nasa military ang aking anak, isa siya sa pinakamataas ang posisyon. At tatlong buwan lamang ang kanyang leave. Pagkatapos ay isang taon na naman siyang hindi makakauwi dito.”
“Gano’n po ba? mahirap po pala ang trabaho ni Master DX.”
“Kaya nga gusto na namin na magkaroon siya ng sariling pamilya. Baka sakaling maaga siyang mag-file ng retirement. Kapag meron ng asawang pumipigil sa kanya at mga anak na hindi niya maiiwanan.”
“Sabagay tama po Ma’am Cassy, tapos ang hirap pa ng trabaho ni Master DX. Paano kapag nagkaroon ng giyera siguradong manganganib ang buhay niya.”
“Yeah, at ang akala namin ay makakapag-asawa na siya ngunit nakipag break sa kanya ang kanyang fiancée. Hindi raw matanggap ang kanyang trabaho."
"I see, marami naman po sigurong babae na magkakagusto kay Master DX. Manligaw siyang muli baka ang babaeng mamahalin niya ay mauunawaan na ang kanyang trabaho.”
“How about you Hija, wala ka bang boyfriend?”
“Naku, wala po Ma’am Cassy at hindi ko pa yon nararanasan. Bata pa po ako at gusto ko pang mag-aral… kaya lang w-wala naman akong chance.”
“Kung may hihilingin ako sayo kapalit ay makakapag-aral ka, papayag ka ba?”
“Aba, opo, kahit ano po basta makapag-aral lamang ako.”
“Pakasalan mo ang anak kong si DX.”
“Po?”
“Sabi ko pakasalan mo si DX, kaya mo ba?”
Hindi ako nakasagot sa pagkabigla. Paanong pakakasalan ko si Master DX, ay napalaki ng agwat naming dalawa. Isa pa siguradong hindi iyon papayag baka pagtawanan pa niya ako.
“Jasmine?”
“M-Ma’am Cassy, b-baka hindi po papayag si Master DX. At sigurado na napakalayo ko sa babaeng nararapat sa kanya. Isa pa po ay malayo ang edad niya sa akin. Baka hindi ko rin magampanan ang tungulin ng isang asawa?”
“Pero payag ka kung sakaling pumayag ang anak ko?”
Nag-init ang aking mukha gano’n din ay nag-iba ang pakiramdam ko. At hindi ko na magawang tumingin pa kay Ma’am Cassy.
“Ayaw mo ba sa kanya, Jasmine?”
“Naku, h-hindi naman po sa gano’n, w-wala lang po akong idea sa relasyon. Baka hindi ko siya magawang pagsilbihan o kaya ay a-alagaan….
“Napag-aaralan naman yon, Hija, kaya kung payag ka ay sabihin mo sa akin.”
“Umn… maaari ko po ba munang pag-isipan?”
“Sure, pero huwag matagal dahil gaya ng sinabi ko sayo madali lang ang bakasyon ni DX.”
“S-Sige po, Ma’am Cassy.”
“And call me Mommy, kung decided ka na ay puntahan mo lang ako sa garden. Tuwing umaga ay naroon ako sa mga orchids ko.”
“O-Opo.”
“Good night, Hija.”
“Good night po.”
Nang makalabas si Ma’am Cassy ay isinara ko na ang pinto. Naglakad ako palapit sa kama at nahiga. Parang mas’ gumulo ang sitwasyon ko ngayon. Ang isipin pa lang na magiging asawa ko si Master DX ay nakapagbibigay ang nerbyos sa akin. Hindi lang ito isang mataas na official at sa personality pa lamang ay maraming babae ang mababaliw sa binata. Almost perfect naman kasi ang kabuuan ni Master DX. Tapos ako ay hindi man lang nakatapos ng college. Pag nagkataon ay baka magmukha pa akong maid niya.
Hanggang nakatulugan ko ang pag-iisip at ginising ako ng presensya ng kung sino. Pagmulat ko ay nakita kong nakasandal si Master DX sa gilid ng bintana habang nakatingin sa akin kaya naman ay nakaramdam ako ng hiya. Mabilis kong kinapa ang aking bibig baka may panis pa akong laway. Pagkatapos ay nagmamadali akong bumangon at tumakbo ng papasok sa loob ng banyo.
“F*ck!” narinig ko pa ang kanyang pagmumura. Hala may nagawa ba akong mali bakit kaya siya nagagalit? Kaya naman ay nagmadali na akong naghilamos at hinila ang towel saka ko mabilis na pinunasan ang aking mukha. Nag toothbrush din ako dahil baka bigla niya akong kausapin ng malapitan ay maaamoy ang mabaho kong hininga.
“Sorry po Master DX... X-Xander pala,” hinging paumanhin ko nang makalabas ako ng banyo. Ngunit hindi siya sumagot kaya napayuko na lamang ako. Talagang galit siya sa akin…. h-hindi kaya nalaman na niya ang pinag-usapan namin ng kanyang Mommy? At malamang na tutol siya, sigurado din na palalayasin na niya ako ngayon. At sa isiping yon ay napaiyak na naman ako, wala kasi akong ibang mapupuntahan. Kung sakaling paalisin ako dito sa mansion.
“Jasmine, anong nangyayari bakit ka umiiyak?”
“Sorry po Master... X-Xnder, hindi pa naman po ako pumapayag sa gusto ng Mommy mo. A-Alam ko naman po na hindi mo ako gustong maging asawa kasi hindi ako nababagay sayo….
“Ano bang sinasabi mo Jasmine?” at naramdaman kong hinila niya ako saka niyakap ng mahigpit.
“…. Shhh, please don’t cry”
“H-Hindi ka na po ba galit sa akin?”
“Hindi naman ako nagagalit sayo, bakit yon ang iniisip mo?”
“Kasi po bakit ka nagmumura kaya akala ko ay galit ka sa akin eh….
“Huwag ka ng magsuot ng ganyan, dahil diyan kaya inakala mong nagmumura ako.”
“Wala naman po akong ibang damit na masusuot pantulog maliban sa mga binigay ng Mommy mo.”
“Okay, magbihis ka na muna ang pambahay pagkatapos ay sumunod ka sa dining room. Masyado nang late para sa yung breakfast. At pagkatapos mong kumain ay maligo ka. Magsuot ka na rin ng pwedeng paglabas at aalis tayo para mamili ng mga gamit mo.”
“T-Talaga po Mas…. Sorry po lagi kong nakakalimutan na ayaw mong patawag ng Master. Ahm… pero huwag na po pala dahil baka makita pa ako ng mga taong gustong pumatay sa akin.”
“Hindi iyon mangyayari, habang kasama mo ako at naririto ka sa buong compound ng Montemayor. Walang sinuman ang maaaring manakit sayo, trust me.”
“O-Okay, Xander,” at agad ko na siyang tinalikuran. Pumasok ako sa isang pintuan at mabilis na nagpalit ng damit kagaya ng utos niya.
Paglabas ko ay naroon na siya sa sofa at naghihintay sa akin.
“Xnader, nakabihis na p... ibig kong sabihin ay okay na ang pambahay ko.”
“Okay, halika na.”
Agad naman akong sumunod sa kanya subalit mabilis siyang maglakad kaya tumatakbo ako. Sa laki kasi niya siguro ay nasa 6’5ft ang kanyang taas. Maya maya ay bumagal siya sa paglalakad. Marahil ay napansin na naghahabol ako sa kanya.
Pagdating namin sa dining room ay iniwan na niya ako kaya naman ay nagmadali na ako sa pagkain. Pero ang sarap ng mga kinakain ko kaya parang ayaw ko pang tumayo. Kaya lang baka kanina pa naiinip si Xander. Kaya tinapos ko na ang aking kinakain at dinala sa lababo ang mga pinagkainan ko. Ngunit sinaway ako ng mga kasamabahay ng akmang huhugasan ko ang mga yon.
“Mag-ready ka na Hija, at naghihintay na sayo si Master DX.” Wika ng may edad na mayordoma. Kaya naman ay nakangiti akong nagpasalamat sa kanila. At tumakbo na ako ngunit huminto rin agad nang maalala kong busog pala ako. Nilakihan ko na lamang ang bawat hakbang ko. Sa hagdanan din ako dumaan upang bumaba ang ang aking kinain bago man lang ako maligo. Hindi kasi dapat maligo agad kapag busog dahil masama raw yon.
Hindi ko na naman napigilan maiyak ng maalala ang aking Mama. Lagi kasi niya iyong sinasabi sa akin mula pa ng bata ako.
Kaya ng makapasok ako sa aking tinutuluyang silid ay inuna ko munang ihanda ang mga isusuot ko. Pagkatapos ay saka pa lamang ako nagtungo sa banyo. Pero binilisan ko ng maligo dahil may naghihintay sa akin.
Nang matapos ay nagulat pa ako pagkakita kay Ma’am Cassy. Naroon ito at may mga dalang paper bags.
“Ma’am Cassy, magandang umaga po.”
“Magandang umaga naman, Hija, here ito ang isuot mo at pagkatapos ay doon ka na sa main door tumuloy. Naroon si DX at naghihintay sayo.”
“S-Sige po, salamat.”
“Don’t worry, may kasama kayo ang pinsan niyang babae. Sasamahan kayo ni Princess Martha Sophia, sa pamimili.”
‘Sino po yon, Ma’am Cassy?”
“Anak ng kapatid na babae ng asawa ko.”
“Okay, sandali lang po at magibihis na ako, salamat po ulit dito Ma’am Cassy….
“Call me, Mommy Cassy.”
“S-Sige po, M-Mommy Cassy.” At mabilis akong pumasok sa isang pinto. Nang maisuot ko ang laman ng paper bags at humarap ako sa wall mirror. Tila na malikmata ako sa mismong sarili ko. Napakaganda ng damit na suot ko, magmula ng lumaki na ako ay ngayon lang napagsuot ng ganitong branded. Dati naman akong nakakapag suot ng mamahalin pero noong bata pa ako at nabubuhay pa si Mama. Kaya naman ay hindi ko na naman mapigilan maging emosyonal. Magmula kasi ng mamatay ang aking ina ay nabuhay na lamang ako sa mga sinusuot kong puro bigay. At hindi lang basta bigay dahil meron iyong kapalit.