CHAPTER- 2

2008 Words
DX SA edad kong thirty-five-year-old ay isa na akong heneral. Handa na sana sa pagbuo ng sariling pamilya. Subalit ang hindi ko inaasahan ay kabiguan pala ang naghihintay sa akin. Matapos makipaghiwalay sa akin ang fiancée ko ay hindi agad ako umuwi ng bahay. Nagtungo pa ako sa isang lugar na tahimik upang makapag-isip. Hindi rin ako ang tipo na mahilig sa alak, occasionally lang ako kung uminom. Ngunit sa pagkakataong ito ay masyadong masakit ang kabiguan. Kaya habang nagpapalipas ako ng oras ay nag-order muna ng one glass of whisky. Paulit-ulit kong iniisip kung bakit nagawa niya akong hiwalayan. Kung kailan fiancée ko na siya at handa ng itakda ang aming kasal. Ngunit wala akong makuhang kasagutan. Hanggang lumipas ang mga oras at nagpasya na akong umuwi ng bahay. Ang hindi ko inaasahan ay makikilala ko ang babaeng ni sa hinagap ay hindi ko naisip na magpapabago ng lahat sa akin. At hindi ko napaghandaan na sa isang iglap ay muli akong magkakaroon ng fiancée. Ngunit ang hindi ko mabigyan ng tamang dahilan ay ang rules na pinatutupad ng pamilya Montemayor. Hanggang isang umaga…. “Wala ka ng magagawa Kuya DX, hindi ka kasi nag-iisip bago mo siya dinala dito sa mansion.” Paninisi ng kararating kong kapatid na si DL, at tama naman siya. "Paano mo pala nalaman?" "Sinabi sa akin ni Daddy, kaya nga agad akong umuwi dito." “Wala naman sanang problema sa rules na yon, brother. Ang hindi ko lang mabigyan ng tamang katwiran ay napakabata pa ng babaeng yon. Imagine she’s only nineteen-year-old at ang layo ng gap ng edad naming dalawa. Ano na lamang ang sasabihin ng mga taong nakakakilala sa akin na wala ng ibang babaeng nagkakagusto sa isang tulad ko. Kaya kahit bata ay pinatulan ko o tamang sabihin na dahil matanda na ako kaya bata ang gusto kong maging asawa? pakiramdam ko tuloy isa akong DOM (Dirty Old Man)." “Grabe ka naman Kuya DX, ang layo mo sa salitang DOM (Dirty Old Man). At tungkol sa sasabihin ng ibang tao. Huwag mo na lang pansinin, saka ang ganda kaya ng bagong fiancée mo.” “Kung ligawan mo na lang kaya total medyo malapit ang edad ninyong dalawa.” “Heneral! Huwag mo akong idamay sa mga ganyang bagay. Wala pa sa plano ko ang magkaroon ng babaeng kokontrol sa akin.” At hindi ko napigilan mapangiti sa naging reaksyon ng kapatid ko. Ngunit naputol ang usapan namin ni DL, nang tawagin kami ni Jasmine. “Master DX, Master DL, ipinatatawag po kayo ng Daddy niyo.” Hindi ako nakapagsalita ngunit ng sulyapan ko ang kapatid ko ay nagpipigil sa pagtawa. “Sige, sabihin mo na susunod na kami, Hija.” At tama ang ang aking iniisip dahil pagkaalis ni Jasmine ay humagalpak ng tawa itong kapatid ko. “….. Sige tawa pa at kapag ikaw naman ang nasa ganitong sitwasyon ay pagtatawanan din kita.” “Ikaw naman kasi Kuya DX, mapipigilan ko na sana ang matawa kaya lang bigla mo siyang tinawag na, Hija.” “Bakit bata pa naman talaga ang babaeng yon.” “Halika na nga at baka naghihintay na si Daddy.” Magksunod kaming nagtungo kinaroroonan ng aming ama at nakaramdam ako ng kakaiba. Nang madatnan namin silang dalawa ni Mommy sa loob ng library. At hindi lang yon naroon din si Jasmine at tahimik na nakaupo. “Daddy, ano po ang pag-uusapan at pinatawag mo kami?” “DX, anak tingnan mo ito kanina lamang yan ibinigay ng inutusan kong tao. Iyan ang dahilan kong bakit naroon si Jasmine sa lugar na yon ng gabing nadaanan mo siya.” Dinampot ko iyon at isa-isang tiningnan. Ang akala ko ay malikmata lamang ako sa aking nakikita. Pero malinaw ang nakasulat sa hawak kong mga papel. “Kilala mo ba sila, anak?” “H-How? I mean, bakit nasa mga litratong ito ang babaeng yon?” “Jasmine, halika rito Hija, at sabihin mo sa amin lahat ang yung mga nalalaman. Ang tunay na dahilan kung bakit naroon ka sa lugar na yon at sino ang mga taong nasa litrato?” “W-Wala po akong a-alam, pasensya na po kayo." At agad siyang nagpaalam sa amin sabay labas ng pintuan. Obvious naman na umiiwas siya sa sinabi ni Daddy. - SA araw-araw ay nakikita ko si Jasmine, at nakakasiguro akong may mali sa mga nangyayari. Lalo na ngayon na nakaupo siya sa garden. Laging nakatulala at tila malalim ang iniisip. May mga pagkakataon din na kapag may biglang ingay siyang narinig ay agad na natatakot. At hindi ko naman maiaalis sa kanya ang tungkol doon. Marahil ay nagkaroon ng trauma dahil sa nangyari. At hindi ko napigilan ang aking sarili ay nilapitan siya. “Anong gumugulo sa isipan mo may kinatatakutan ka ba?” ngunit agad siyang nagyuko ng ulo. At nang lumapat ang aking palad sa balikat niya ay napaka familiar ng init na gumapang sa aking katawan. Bakit ngayon ko lang ito naramdaman, sabagay nakainom ako noong gabing yon. Kaya siguro hindi ko na nabigyang pansin. “A-Ano kasi, w-wala po, Master DX. May ipag-uutos ka po ba?” bakit ngayon ko lang napagtunan ng pansin ang kabuuan niya? ngunit baka nagkakamali lang ako kaya mas’ mabuting ibahin ko ang topic naming dalawa. “Wait, hindi ka dapat nagtatrabaho dito sa bahay dahil bisita ka rito. At bakit ganyan pala ang tawag mo sa akin?” “Ano po ba ang dapat kong itatawag sayo, Master DX?” hindi ko alam kong nagpapanggap siyang inosente o talagang natural na sa kanya ang gano'ng pananalita.” “Call me, Deanz Xander or DX, at huwag mo rin akong gamitan ng “po” hindi ka rin isang kasambahay upang gumawa ng mga gawaing bahay.” “Hayaan mo na po ako Master… ahm… Xander. At mas’ gusto ko na may ginagawa upang hindi ko maisip ang mga nangyari sa akin.” “Sigurado ka na gusto mong magtrabaho dito sa bahay?” “Opo… I mean yeah.” “Fine! Pero doon ka lang sa kwarto ko maaaring magtrabaho…. Oh sh*t! bakit yon ang aking nasabi?” “Sige, Xander. Mula ngayon ako na ang maglilinis sa yung silid at maglalaba ng mga damit mo.” “Hindi ka maglalaba dahil kinukuha ng mismong mga staff ng laundry ang lahat ng maruruming damit.” “Kung gano’n ano pala ang ibang trabaho ko sa silid mo, Xander?” Teka bigla yatang nag-iba ang paraan ng pakikipag-usap niya. At ang boses ay gano’n din. Pero wala siyang dapat na mahalata sa akin. “Umn… punasan mo ang mga shelves. Meron tatlong pintuan sa loob ng kuwarto ko. Una ay banyo, pangalawa ay ang sa mga gamit ko at pangatlo ay bawal kang pumasok doon.” “Sige, pakituro mo sa akin kung aling pinto ang hindi ko pwedeng buksan.” “Come with me.” At naglakad na ako habang nakasunod siya sa aking likuran. Subalit nararamdaman ko kung saan siya nakatingin. Bakit diyan ka sa butt ko nakatingin, Jasmine?” “Ahm… h-hindi ah!” “May third eye ako kaya nakikita ko kung saan ka nakatingin huh!” at napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang kanyang hagikgik. Lumingon ako na may pagtataka sa aking mukha ngunit mabilis siyang nag seryoso. “…. May nakakatawa ba?” “A-Ano kasi…. Iyong likuran mo ang tambok kasi…. “What? Sabi ko na eh sa aking butt ka nakatingin huh!” pinaningkitan ko siya ng mata upang matuto siyang mailang sa akin. Para kasing may pagka pilya ang babaeng ‘to. Sa dami ng titingnan ay ang pang-upo ko pa talaga. Ipinilig ko ang aking ulo upang bumalik ako sa realidad. Hindi kaya ginagawa niya ito upang makuha agad ang aking loob? Gusto kong mapamura sa aking sarili para kasing dinadaan niya ako sa hypnotize. Pero dapat ko pa rin siyang sakyan sa kanyang paiba-ibang mood. Pagdating namin sa aking room ay agad ko siyang tinawag. “Makinig kang mabuti, walang ibang dapat pumasok sa silid ko kundi ikaw lang, okay?” “Yes, Master… sorry Xander, pala.” “Buksan mo ang pintuan sa right side. At pumasok ka, lahat ng naririyan sa loob ay mga personal kong gamit. Kapag gusto mong magtrabaho ay buksan mo ang mga closet at tupiin ang mga damit ko. O kaya naman ay punasan mo ang mga gamit diyan.” “Yes, X-Xander.” “Good! At pagkatapos mong makita ang loob ay bumalik ka dito.” “Sige.” At nakita kong humakbang na siyang papasok sa loob. Ako naman ay naupo sa mahabang sofa at naghintay sa paglabas niya. Subalit lumipas na ang mahabang sandali ay hindi na siya muling lumabas. Kaya tumayo ako at pinuntahan ko siya sa loob. Naabutan ko siyang nakatingala sa malaking painting na naroroon. “X-Xander, s-sino ang nasa painting mo?” “Hindi ko rin siya kilala, may nag-iwan niyan sa pinto ng aking penthouse. Bakit mo pala natanong?” “W-Wala naman, para kasing ako yan eh.” “W-What are you talking about?” at agad rin akong tumingala. Tama nga siya at agad ko rin napatunayang siya nga talaga iyon. Bakit ngayon ko lang din napansin na pareho sila ng mga mata? Ang na iba lamang ay may pagka balingkinitan si Jasmine at ang nasa painting ay medyo bilugan ang katawan. At isa pa bakit may pakiramdam akong familiar sa akin ang amoy ni Jasmine? Parang nagkita kami noon pa, saan ko ba siya unang nakadaupang palad?” “S-Sino kaya ang naglagay niyan sa pinto ng yung penthouse, Xander?” “Iyon din ang matagal ng palaisipan sa akin.” “Nasaan pala ang dating f-fiancée mo?” “Hindi ko alam at siya ang dahilan kung bakit nadaanan kita noon sa ganoong oras ng gabi.” ngunit napa kunot-noo ako ng dahan dahan siyang umatras. Hindi lang yon merong takot sa kanyang mga mata. Kaya napapaisip ako kung sino si Jasmine o may koneksyon ba silang dalawa ng dati kong fiancée? “K-Kailan kayo huling nagkita… a-ang ibig kong sabihin. Magmula ba ng makita mo ako doon sa gilid ng daan ay nagkita ba kayong muli?” “No, nang gabing yon ang huling pagkikita namin. Bakit, kilala mo ba siya, Jasmine.” Subalit sunod sunod siyang umiling. At kabisado ko ang mga ganitong reaksyon. Dati akong nasa NBI bago napunta ng PMA. At sigurado akong mayroong something between my Ex-fiancée and Jasmine. “Kung hindi mo sasabihin sa akin paano kita matutulungan?” “I-Iyong dinala mo ako dito ay sapat ng tulong, Xander. Habang buhay kong tatanawing malaking utang na loob yon mula sayo.” Hindi na lamang ako sumagot dahil sa tingin ko ay hindi rin naman siya magsasabi ng totoo. Nang sumunod na araw ay kinausap ko si Daddy. Sinabi ko sa kanya ang aking mga natuklasan. At agad na may tinawagan siya, narinig ko rin na pinaasikaso niya agad iyon. Nagpasya rin akong hindi muna magpakita kay Jasmine. May inutusan din akong tao upang alamin kong saan ang bahay nito. Eksaktong isang linggo ang lumipas ng dumating sa mansion ang kapatid kong si DA. At ipinagtapat ko rin sa kanya kung paano ako napasok sa ganitong sitwasyon. Hindi rin siya basta makapaniwala sa mga nalaman. At ilang araw pa ang lumipas ay nahalata kong may sikretong ginagawa si DL. Sigurado akong inaalam din nito kung sino talaga at nasaan ang pamilya ni Jasmine. Ganito kaming magkakapatid, kailangan alam naming lahat kung sino ang mga taong dapat pagkatiwalaan. Pagsapit ng gabi ay nakatanggap ako ng email: Siguro naman ay bayad na ako sa pagkakautang ko sayo, Heneral Deanz Xander Montemayor. Maganda, batang bata at sariwa hindi kagaya ng Ex-fiancee mo na pinagsawaan na ng lahat. Tumiim ang bagang ko ng makilala ang taong siyang nagpadala ng email sa akin. Ibig sabihin pala ay anak ng congressman si Jasmine? Ang corrupt politician na may malaking pagkakautang sa akin? At sa puntong yon ay nagngalit ang aking mga ngipin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD