DX
NAKATITIG lang siya sa kanyang fiancee habang panay ang sermon sa kanya. Hindi niya magawang mag-react, siguro dahil sanay na siya na laging naririnig ang paulit-ulit na salita nito.
“DX, mamili ka kung hindi ka aalis sa tungkulin mo ay hihiwalayan na kita!” mga salitang kailanman ay hindi niya naisip na lalabas sa bibig ng babaeng minamahal.
“Babe, alam mo naman na mahalaga sa buhay ko ang trabaho kong ito. Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin ako maunawaan?”
“Hindi na kita kayang unawain pa, at kung hindi mo talaga kayang iwanan ang trabaho mo ay tapusin na natin ito.”
“Huwag naman gano’n, alam mong mahal kita at hindi ako makakapayag na basta na lang matatapos sa ganito ang relasyon nating dalawa.” sinisikap na maging mahinahon kahit ang totoo ay gusto na niyang sumabog. At ipaalam dito ang matagal na niyang nalalaman. Noon pa niya naririnig na may ibang lalaki na ini-entertain ito. Ngunit ayaw niyang basta paniwalaan lang ang mga iyon. Kaya lang sa uri ng mga pananalita nito ngayon ay tila desidido na itong makipag hiwalay sa kaniya.
“I’m sorry, pero hindi na ako masaya sa relasyon natin. Ayaw kong dumating pa ang araw na kung kailan mag asawa na tayo ay saka pa maghihiwalay. Hindi ko kayang malayo sa lalaki na magiging asawa ko. Kaya mas mabuti na tapusin na natin ngayon, dahil wala na rin namang patutunguhan ang relasyon natin ito.”
“No! Hindi ako papayag, mahal na mahal kita, babe. Agad na niyakap niya ito ng mahigpit ngunit nanatiling walang kibo. Hanggang naramdaman na dahan dahang itinulak siya nito palayo.
“I’m sorry, DX.” at akmang tatalikuran na siya, kaya hindi na napigilan ang kanina pa tinitimping galit.
“Dahil ba sa lalaking yon? Kaya gusto mong makipag hiwalay sa akin?” subalit hindi siya nito sinagot. Bagkus ay tuloy tuloy na naglalakad palayo.
Sa kawalang alam gawin ay nasumpungan ang sarili sa isang lugar. Sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman, at hindi matanggap na basta na lang siya hiniwalayan ng gano’n lang.
“Sir, gabing gabi na po, at wala ng ibang tao rito. Maya maya lang din ay magsasara na kami.” at parang nagulat pa siya sa narinig, hindi pala niya namalayan ang paglipas ng mga oras.
“Pasensya na ho Manong guard, sige paki sabi sa counter na i-total po ang lahat ng nakain at nainom ko.”
Kahit paulit ulit niyang iinisip kung bakit umabot sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Samantala sa apat na taong nila ay punong puno siya ng pangarap para sa bubuuin na sanang pamilya. Naka ready na rin ang mansyon na magiging tahanan nila. Subalit sa isang iglap ay gumuho ang ang kaniyang pangarap. Kaya sobrang sakit ng kaniyang dibdib na malamang hindi na pala siya mahal ng kaisa isang babaeng minamahal.
“Sir, ito po ang bills mo.” mabilis na dinukot ang kaniyang wallet at inabot sa waiter ang bayad.
“Keep the change.”
“Sir ang laki naman po nito?”
“Okay lang yon, sayo na yan at baka matatagalan na ulit ako bago makapunta dito.”
“Kung gano’n ay maraming salamat po.”
“Walang anuman, sige mauna na ako.”
Tinungo na niya ang parking at agad na sumakay. Hindi naman siya lasing at tama lang ang kaniyang nainom. Saka hindi siya basta nagpapakalasing lalo at nasa ganitong lugar. Mabagal lang ang takbo niya at dahil late hour na ay bihira na rin ang mga sasakyan. Hindi nagtagal ay nagsimulang pumatak ang ulan. Hanggang lumakas na iyon kaya lalo na siyang bumagal sa pagmamaneho.
Nasa parting madilim na lugar siya at malayo ang susunod na posteng may ilaw ng may masanagan siyang ilang kalalakihan na tila may pinupwersa na tao. Isa siyang mataas na opisyal ng gobyerno gano’n rin ang kapatid na si DL. At ang mga ganitong pagkakataon ay hindi niya mapapalampas. Mabilis na kinuha ang baril sa compartment at nilagay sa likurang bahagi ng katawan.
Saka pinaharurot ang sasakyan at pinunterya ang nasa limang lalaki.
At dahil nagulat ay nagtatakbuhan palayo. Saka pa lang niya naaninaw ang isang babae na punit punit ang damit at merong dugo sa gilid ng labi. Nakahandusay ito sa gilid at nagsisikap na takpan ang sarili. Luminga linga muna siya sa paligid mahirap nang basta siya bababa ng sasakyan sa ganoong madilim na lugar. At nang masiguro na wala ng ibang tao ay mabilis na bumaba. Mabilis ang kilos na binuhat ang babae at sinakay sa likurang bahagi ng kotse. Nang maayos na ang babae ay sumakay na siya at pinasibad palayo sa lugar ang sasakyan.
“Miss, bakit naroon ka sa lugar na yon? Kilala mo ba ang mga lalaking may kagagawan niyan sayo?”
“H-hindi po.” nanginginig ang boses na sagot sa kaniya ng babae.
“Gusto mo ba dalhin kita sa ospital o sa pulis station na tayo dumiretso?”
“Huwag!” napakunot noo siya sa narinig at nang silipin niya sa rear mirror ay kitang kita niya ang takot nito sa mga mata.
“Kung gano’n ay sa pulis station na tayo….
“No! Please, huwag mo akong dadalhin doon. Nagmamakaawa ako, ilayo mo ako sa lugar na ito.” sa narinig ay hindi na muna siya sumagot.
Nang may madaanan silang isang convenience store ay inihinto niya ang sasakyan at hinayaan ang babae na umiyak. Napansin niyang nagsisikap itong ayusin ang sirang damit kaya hinubad ang sariling jacket at inabot sa babae.
“Isuot mo ito.”
“S-salamat po.”
Sa pananalita ng babae ay alam niyang bata pa ito. Siguro nasa 20’s pa lang kaya siguro ginagamitan siya ng salitang po. Dahil obvious naman na malaki ang agwat ng kaniyang edad dito.
“Okay ka na ba?”
“Opo.”
“Kung gano’n ay bakit ayaw mong magpahatid sa pulis. Paano ka makakapag sampa ng kaso kung ayaw mong makapagbigay ng salaysay man lang? Dapat malaman ng kinauukulan ang nangyari sayo ngayong gabi.”
“Ahm, k-kasi po.” ngunit agad niyang napansin na tila umiiwas itong magsabi ng totoo. At habang tinititigan niya sa rear mirror ang babae ay unti unti siyang nakakaramdam ng awa dito.
“Kung ayaw mo talaga ay saan kita ihahatid ngayon?”
“D-doon na lang po sa simbahan.”
“Ano? Bakit doon, at sa akala mo ba ay bukas ang simbahan sa ganitong oras?”
Subalit hindi na sumagot ang babae at napansin niyang naggagalawan ang balikat nito. Alam niyang umiiyak ito at sinisikap na hindi niya marinig.
“Okay ganito na lang, willing ka ba na sumama sa akin? Doon ka muna sa mansyon at bukas na kita ihahatid.”
“S-sige po, maraming salamat.” narinig niya ang mabilis na sagot nito sa kaniya. Kaya pinasibad na niya ang sasakyan dahil halos ala una na ng madaling araw.
One Hour later…
Matapos makapag park ay nilingon niya ang babae. Ngunit nakahiga na ito sa upuan at masarap ang tulog. Sinubukan niya itong gisingin ngunit umayos lang lalo ng pagkaka higa kaya napilitang buhatin na lang ito.
“Master DX, sino ang babaeng yan?”
“Manang, paki handa ang guestroom.”
“Okay, sige.” at agad na sumunod siya sa mabait na kasambahay.
Habang inaayos ang higaan ay nanatili niyang buhat ang babae. Hindi sinasadyang matitigan ang mukha at napansin agad sa liwanag ng ilaw ang mga pasa nito.
“Master, ready na ang bed.” agad na ibinaba niya sa ibabaw ang tulog pa ring babae.
“Mahabaging Diyos, anong nangyari sa kaniya?”
“Nadaanan ko siya sa madilim na gilid ng highway at may mga lalaking gustong dahasin siya.”
“Mabuti na lang pala at napadaan ka doon. Kawawa naman ang batang ito, sa tingin ko ay napakabata pa niya.”
“Manang, pakikuhaan siya ng damit sa room na tinutuluyan ng mga pinsan kong babae pag naririto sila. Pakikuha na rin po ang medical kit.”
“Sige, master.”
At habang naghihintay ay tumayo siya pasandal sa may bintana. Nakamasid sa babaeng tulog, nang bigla itong nagsisigaw. At kasabay ng panginginig ng buong katawan. Hindi niya alam kung paano patigilin ito kaya sa kawalang alam gawin ay nilapitan at plano na tapikin sa balikat nang biglang yumakap sa kaniya. Sa pagkabigla ay hindi siya nakagalaw. At nalingunan niyang nakatayo ang mga magulang sa nakabukas na pintuan.
“DX, anak anong nangyari at sino ang babaeng yan, bakit ganyan ang ayos niya?”
“Mommy Daddy, hindi ko rin siya kilala. Nadaanan ko sa madilim na lugar at pinupwersa ng mga kalalakihan. Tapos ayaw naman magpadala sa pulis station. Ayaw rin umuwi sa kanila at takot na takot. Kaya dito ko na lang siya dinala.” at ng maramdaman kumalma na ay iniupo niya ito sa gilid ng kama.
“Listen, naririto ka sa mansyon. At sila ang mga magulang ko.”
“S-sorry po, Ma’am/Sir.”
“Hija, anong pangalan mo?” narinig niyang mahinahong tanong ng ina sa babae.
“Jasmine po.” nakayuko na sagot nito sa kaniyang ina.
“How old are you, Jasmine?”
“N-nineteen po Ma’am.”
“Bakit naroon ka sa lugar na iyon? At sino ang mga taong gustong manakit sayo?”
Subalit kapansin pansin ang takot at pangangatal ng katawan nito. Kaya naman agad na lumapit ang kaniyang ina dito. Ngunit nagulat silang lahat ng bigla itong yumapos. At humahagulgol ng malakas.
“Shhh…it’s alright, hija and don’t be scared.”
Hindi naman nagtagal ay unti unti na itong kumalma.
“Master, ay naririto pala kayong mag-asawa.” saka binaba ang medical kit sa lapag.
“Ahm…Manang, pakisamahan na lang siya sa loob ng banyo.
“Okay sige, ako na ang bahala sa kaniya.”
Nang makapasok sa loob ang dalawa ay hinarap siya ng ama.
“DX, alam mo ang patakaran ng pamilya. Kung sinong babae ang iniakyat mo dito sa mansyon ay yon ang mapapangasawa mo. At paano ang girlfriend mo na plano mong dalhin na dito?”
“Wala na kami.” kalmado niyang sagot sa mga magulang.
“What?”
“Nakipaghiwalay na sya sa akin at kaya ako inabutan ng gabi sa pag uwi ay nag palipas lang ako ng oras. Pasensya na Mommy Daddy, alam kong umaasa na kayo na makilala siya.”
“Fate, kaya siguro natagpuan mo si Jasmine, sa gano’n sitwasyon.”
“Dad, ang bata pa ng babaeng yon. Saka hindi ko naman siya inakyat dito ng walang dahilan.”
“Walang dahilan? Anong tawag mo sa pagkakataon na nagkita kayong dalawa sa ganoong kalagayan niya? Kung hindi iyon ang tamang dahilan?”
“Pero Dad, she’s too young for me.”
“Bakit ang asawa ng Uncle Tristan mo? Ang fiancee ng pinsan mong si Drei? Hindi ba at kasing edad lang nila si Jasmine?”
Hindi siya nakasagot sa ama, kahit gusto pa niyang mag protesta ay pinili na lang manahimik. Tamang tama na bumukas ang pintuan ng banyo at tila natulala siya sa nakikita. Obviously na hindi ordinary na babae ang nasa harapan nila. Sa kulay ng mga mata nito, sa napaka puti nitong balat at sa pamumula ng mga kamay at paa.
Subalit nang dumako ang mga mata niya sa mukha nito na namamaga at mayroong mga galos sa ibang parte ng braso ay nakaramdam siya ng kakaiba. Galit sa mga taong may kagagawan kung bakit napingasan ang angking kagandahan nito. Natilihan siya ng marealize ang nasa isipan. Nasabi ba niya sa saring nagagandahan siya kay Jasmine?
“Tama ka anak napaka ganda nga niya.” halos bulong lang yon mula sa ama ngunit malinaw niyang narinig. At nang magpaalam na ang mga magulang ay nagtaka siya sa sarili kung bakit tila ayaw niyang iwanan ang babae.
“Master, magpahinga ka na at ako ng bahala sa kaniya.”
“O-okay, sige.”
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit mabigat ang kaniyang mga paa ng lisanin ang guest room. Ngunit nang mapa sulyap sa wall clock na nasa pinaka dulo ng whole way ay nagulat pa sa oras. Almost four in the morning na pala at ganon siya katagal na nag stay sa guest room? Napapa iling nang pumasok sa sariling room at agad na nagpatuloy sa loob ng banyo. Ilang minuto lang siya doon at lumabas rin agad. Matapos makapag suot ng boxer short ay nahiga na at agad ring nakatulog.
Kinabukasan ay nagulat siya sa hindi inaasahan. Nakatayo sa pintuan niya si Jasmine at nakatingin sa kaniya. Saka lang niya napansin ang kaniyang sarili. Tanging boxer short ang suot. Kaya siguro nananatiling nasa pintuan ito at ayaw pumasok.
“Ahm, bakit ka nariyan?” saka mabilis na tinakpan ng unan ang parting harapan.
“Master, pinatawag ka na po ng Mommy at Daddy mo. Sumunod ka na lang po sa baba.”
“Hindi siya agad naka sagot, dahil sa paraan ng pagtawag ni Jasmine sa kaniya. Saka pa lang siya bumangon at nagbihis ng maalala kung bakit naroon ito sa pinutan niya.