JASMINE POV. HATINGGABI ay nagising siya dahil umiiyak ang anak. Kaya mabilis na bumangon at binuhat ito. Agad na binuksan ang ilaw at nagliwanag ang buong paligid. At habang karga ang anak ay lumabas siya ng veranda. Hindi niya makakalimutan ang amoy ng pabango na nalalanghap niya ngayon. Si Xander, siya lang ang gumagamit ang men’s perfume. Kaya naman ay hindi niya maiwasan hindi umasam. Ngunit nadismaya lang ng walang palatandaan na naroon ito. Baka imahinasyon lang niya kaya nang muling makatulog ang anak ay bumalik siya sa pagtulog. “Sweetheart, I miss you so much.” “Xander…” ngunit bigla itong nawala sa dilim. Sinubukan niyang habulin ngunit hindi na muling nakita pa. At sa puntong yon ay napahagulhol na siya ng iyak. “X-Xander, nasaan ka na bakit muli mo na naman kaming iniwan n