JASMINE POV. SAKAY sila ng private plane na pagmamay ari ni Er. Talagang napakayaman nito kagaya din ng pamilya ni Xander. Sumakit na naman ang kanyang dibdib ng maalala ang nangyari sa emergency room. Buong akala talaga niya ay si Xander ang naroon hindi naman at si DL. Humugot siya ng magkasunod na buntong hininga upang mawala sa isipan ang nagpapasakit sa kanyang loob. Kasama niya si Er, ang taong kaisa-isa niyang tagapagligtas. Buong puso nakaalalay at tinulungan siya. Kaya dapat na ang isipin niya ay kung paano sila maging masaya sa pupuntahan nila. “Bakit hindi ka matulog upang makapag pahinga malayo pa ang pupuntahan natin. Gigisingin na lamang kita kapag palanding na ang eroplano.” “Er, maraming salamat sa lahat ng ito. Kahit alam mong hindi ko masusuklian sa paraang gusto mo.