DX POV. EARLIER… Malakas niyang tinulak ang pintuan at pagkagulat ang makikita sa mukha ng kaibigan. Marahil hindi nito inaasahan na bigla siyang lilitaw sa opisina nito. Ganun pa man ay hindi ito nagsalita at diretso pa rin sa ginagawa. At dama niya ang namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa. “Wala ka bang sasabihin sa akin, Mr. Chief of Staff?” nakita niyang natigilan ito sa ginagawa ngunit saglit lang at muling nagpatuloy. “Magkaibigan tayo ‘di ba? Kaya nga sa iyo ko ipinagkatiwala ang aking mag-ina. Pero anong nangyari at pinakialaman mo ang fiancée ko?” subalit nananatili pa rin tahimik ang kaibigan. At sa inis niya ay malakas na hinampas ang ibabaw ng table nito. “Tinatanong kita bakit hindi ka sumasagot!?” galaiti na niyang sigaw dito at sa puntong yon ay binitawan nito ang g