Kabanata 36

3245 Words

Iyong-iyo KAMILA “Hindi ko matatanggap ‘yan.” Naglaho ang ngiti sa labi niya at ibinaba ang hawak na sandwich pati juice nang walang emosyon kong sabihin sa kanya ‘yon. “Bakit? Hindi ka ba mahilig sa ham and cheese? Ayaw mo sa mango juice? Anong gusto mo–” “Wala akong gusto. Busog ako.” Napakamot siya sa kilay at tumango-tango. Pilit ang ngiti niya pero nang titigan ko siya ay pinatamis niya ‘yon na tila ba ipinaparamdam sa akin na ayos lang siya sa kabila ng pagsusuplada ko sa kanya. “V–” “Meron pala akong gusto.” Nagliwanag ang mga mata niya. “Talaga? Ano? Name it, I’ll buy it for you.” “Gusto kong lumayo ka sa akin at tigilan mo ang pangungulit. Hindi kita gusto. Hindi magugustuhan kailanman.” Matapos sabihin iyon ay nilagpasan ko siya hindi alintana ang lungkot na bumalata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD