First kiss KAMILA “...Iyong-iyo lang ako, Kamila Estelle.” Nakagat ko ang labi at pilit na pinipigilan ang pagguhit ng ngiti sa labi ko. Kung kanina’y wala akong kagana-gana na kumain, ngayon ay wala pang kalahating oras na nadala ang order namin ay paubos ko na agad ‘yon. Ang laki no’ng steak pero hindi ko alam kung paano kong naubos nang ganito kabilis. “Gusto mo pa?” Napatingin ako kay Theo nang i-alok niya sa akin ang pagkain niya na nakakapalahati niya pa lang. Agad naman akong umiling. “Hindi na, busog na ko. May dessert ka pang in-order,” turo ko sa chocolate mud pie na kinakatakam ko rin na hindi magpapatunay na busog ako. Ang takaw mo! “Hindi ka nag-lunch kanina?” bagama’t seryoso ang mukha niyang tinanong ‘yon ay nababanaag ko ang guilt doon. “K-kumain siyempre! Alam m