Stop KAMILA “Daddy, mamamatay na ba si Kams?” “Oo nga, Tito. Is she going to die? May hindi pa kasi siya bayad sa akin–ouch, Hyacinth!” “G-ganyan na nga si Kams, utang pa nasa isip mo.” “Pasensya naman–” “Girls, enough. Stable na ang kaibigan n’yo. Don’t cry, Mavy, she’ll be okay. Good thing naisugod n’yo agad siya dito.” “Really dad? She’s not gonna die? Sayang naman tears ko.” Kung hindi lang parang hinihila ako ng antok at bigat ng pakiramdam ko’y baka bumangon ako at isa-isang hilahin ang buhok ng mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung nag-aalala ba sila sa akin o pinepeste ako. “Kayo talagang mga bata kayo, sige na. Nakontak ko na ang mommy at daddy ni Kamila. Papunta na sila. Nasaan nga pala iyong nagdala sa kanya dito…magpaiwan siya kung hindi dahil sa kanya baka…” Hindi ko