Heart KAMILA “Aray! Pweh!” Ibinagsak ko ang cookies na ginawa ko at napangiwi pa ako sa nilikhang tunog no’n. Nanakit hindi lang ang ngipin ko kung hindi ang panga ko nang kagatin ko ‘yon. Napangusong pinagmasdan ko ang nagkalat na ingredients sa island counter. Pangatlong try ko na ‘to at akala ko’y okay na kumpara doon sa dalawa kong ginawa na nahilaw ang loob. Iyong isa naman mahihirinan ka pagkagat mo pa lang at sobrang alat. Napapakamot sa pisnging inis kong tiningnan ang mga naaksayahan kong ingredients. Yari ako nito kay Mommy. Mabuti na lang at wala siya ngayon. Tiyak din na gagabihin na sila ni daddy. Anniversary nila at dati ay sumasama kami ni Ate Karla kapag ganoong nagce-celebrate sila pero ngayon ay nagsabi sa amin si daddy na gusto niya raw masolo si mommy. Siyem