Malalim KAMILA “Kailangan natin ‘tong tahiin at malaki ang hiwa’t malalim kaya hindi tumitigil ang pagdudugo. Bumaon din iyong bubog, we’ll also give her a tetanus shot,” dumagundong ang kaba sa puso ko nang marinig ang sinabi ng doktor na tumingin sa sugat ko sa paa. Sa sobrang focus ko kay mommy ay hindi ko namalayang ganoon na kalala ang naging tama sa paa ko. Inilakad at itinakbo ko pa kaya pala mas bumaon. Napatingin ako sa kinaroroonan ni mommy, may mga naglalabas-masok doon pero wala pa ring nagpapatawag sa amin. Si Ate ay tila wala na rin sa sariling nakatingin sa akin naiiyak at tila hindi na rin malaman ang gagawin. “s**t,” mura niya nang makita ang injection na ibibigay sa akin ng doktor. Iniwas niya agad ang tingin doon dahil matatakutin si Ate sa karayom. Ako din eh! M