Thank you KAMILA Nagising ako kinabukasan sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Napabalikwas ako ng bangon pero muling ibinagsak ang sarili sa kama nang mapagtantong kaya tirik na ang araw ay dahil late na ang gising ko. Hindi ako nagising ng alarm ko. Malamang dahil sa kakaiyak at pagod ko. Kinatok namin ni Ate si mommy pero sinabihan niya lang kami na magpahinga na at bukas na lang mag-usap. Dinig ko pa rin ang pag-iyak ni mommy kaya hindi na lang din kami namilit ni Ate. Nang maalala ko na naman ang away nila ay nag-init na naman ang mga mata ko. Lumaki akong nakikita kung paano mahalin, pagsilbihan, at suyuin ni daddy ang mommy ko. Kung kami ni Ate ang prinsesa niya, si mommy ang reyna niya. Palaging pinupuri ng mga kamag-anak ni mommy lalo na ang lola ko ang pagmamahal n