Friends KAMILA “A-ang sakit talaga nitong mga daliri ko, ganto ba talaga ‘to!” pag-iyak ko at si Darius naman ay tuloy-tuloy sa pagbibigay sa akin ng tissue. Ni hindi ko nga alam kung saan nanggaling iyong rolyo ng tissue na paubos na kakaabot niya sa akin. Walang hiya-hiya na suminga ako ro’n at nagpatuloy pa rin sa pag-iyak. “A-ang sakit-sakit!” “Ayan ba talaga ang masakit?” tila nanunudyo pang tanong sa akin ni Darius kaya binato ko siya ng tissue na nagamit ko na. Parang wala lang naman sa kanya ‘yon na mahina siyang tumawa pero hindi naman ako na-offend sa tawang ‘yon, kita ko naman kasing concern din siya sa pag-iyak ko ngayon. I probably looked like a mess right now. Malamang ang buhok ko ay sabog-sabog na at ang dungis-dungis na ng mukha ko pero wala akong pakialam. Kung